Chapter 02

187 15 17
                                    

Hate

"Bwisit! 'Yan na papers mo!" Inis kong binigay sa kapatid ko 'yung lintik na papers niya na 'yon.

Nakakainis! Dahil sa bwisit na papers niyang 'yon mas lalong nasira ang araw ko. Imagine, I was supposed to eat kwek-kwek and have my massage but all I got was humiliation and irritation!

"What are you so mad about, huh?" Ashton asked while his brow was arched. I rolled my eyes at him and crossed both my arms against my chest.

I really have no freaking idea who that person was, but for some reason I find him annoying and all that. Hindi ko alam kung nanadya siyang maging pilosopo or talagang ganoon siya makitungo sa iba dahil makikita sa kaniyang ang inosente niya. Inosente nga ba? Ugh!

"Wala!" Sambit ko sabay irap ulit. I saw my brother shook his head in disbelief and sighed. "What?" Inis kong tanong. I arched a brow at him, but he just shrugged while still shaking his head lightly. Para bang sanay na siya sa ganitong attitude ko. Tsk.

"You go home now, Ace Hailey." He simply said as he ruffled my hair before turning his back on me. I scoffed.

Okay? Seriously? 'Yon na 'yon? Matapos niya akong papuntahin dito para sa papers niyang 'yon at matapos akong ma-humiliate, gan'on gan'on na lang 'yon? Ni wala akong narinig na thank you or thanks man lang! Ugh, nakakainis talaga! Ginulo pa ang buhok ko ng kumag na 'to!

I was so irritated the whole afternoon because of what happened. Seryoso ang tingin ni Tinay sa akin habang nakapangalumbaba siya sa mesa, nag-iintay ng order namin. I asked her to accompany me here sa UST. Hindi niya dala 'yung Fortuner niya kaya nag-commute na lang siya from Taft to here.

"Bakit ba naman kasi ang laki ng sasakyan mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa siya nang mahina sabay iling. Pinagtaasan ko siya ng kilay kaya napatigil siya at sumimangot bigla.

"Bakit pati sa akin naiinis ka? I didn't do anything wrong to you naman!" And there she goes again with her ka-conyo-han. I rolled my eyes again kaya nabato niya ako ng crumpled tissue. What the heck?

"Mainit pa ang ulo ko, Tinay, ha. Please lang. 'Wag ka na dumagdag," I said as calmly as I could. She laughed at me again which made me sigh in frustration.

"It's cool to drive a big car, that's why I got myself a Fortuner and a Montero. Ang astig kaya na kaya kong mag-drive ng SUVs. It's also funny to see the reactions of some drivers na nakakasabay ko sa kalsada kapag nakikita nila na babae ang nagd-drive ng ganoong type of vehicle," she explained proudly. I laughed and shook my head in disbelief.

Proud pa siya roon, e ang bagal niya nga mag-drive dahil doon. Kung tinanggap niya na lang sana 'yung inalok kong Ferrari, mas bibilis pa siyang mag-drive, tsk.

"Oo, kaya ang bagal mong mag-drive!" I teased which made her pout.

"Excuse me, but I'm being maingat lang-"

Magsasalita pa sana siya pero tinawag na pangalan niya kaya patabog na lang siyang umalis sa kinauupuan at kinuha ang order niya. My name was called as well so I went to the counter to get my Frappe.

However, when a name was also called and when I was about to turn to go back to my seat, I suddenly bumped into someone... again! Hell, it caused my frappe to spill on my clothes!

"Tang... ina?"

I was about to look up and lash out to the stupid guy, but Tinay pulled me out of the Starbucks already. Binitawan niya lang ako nang nasa parking lot na kami.

"Why the hell did you do that? Sasapakin ko pa 'yung estupidong 'yon!" Sigaw ko na ikinangiwi niya lang.

"That's why I pulled you out of the scene. Because I knew that you were planning to do something way more stupid than what he did!" She explained while cleaning my clothes with the tissue. "Ang gwapo pa man din noong guy, baka mabasag mo mukha! Sayang!"

Amidst UncertaintiesWhere stories live. Discover now