Chapter 01

317 22 12
                                    

Lady

"Ang busy naman, Ace."

I glared at Tinay because obviously she's just teasing me. Palibhasa kasi mabilis niyang natatapos mga requirements niya kaya kapag wala siyang magawa, ako pinu-purwisyo niya.

"Alam mo, kaysa ako kinukulit mo, ba't di mo na lang puntahan best friend mong Thomasian tapos umamin ka na," I smirked, and I saw how her playful smile faded. Nakuha mo!

"Oh god, you are such a bitchesa," she said and rolled her eyes at me. Arte, amputa! La Sallian nga 'to, napaka-conyo!

"Seryoso ako sa sinabi ko, though," sabi ko at nagkibit balikat na lang at binalik ang buong atensyon sa pagre-review.

May exam ako sa human anatomy at chemistry bukas at ngayon lang ako makakapag-aral nang seryoso dahil puro gala at inom ang inatupag ko nitong nakaraang linggo. Nawala rin sa isip ko na may exams pala ako, shuta naman!

"Gusto mo tulungan kitang mag-review?" Tanong ni Tinay. Alam ko na agad binabalak ng isang 'to!

"Tutulungan mo ako tapos mali maling questions naman itatanong mo," sabi ko habang sinusubukang intindihan 'tong mga lintek na terminologies na 'to.

Narinig kong tumawa si Tinay kaya napairap na naman ako. Mukhang wala pang balak tumigil sa pagtawa 'to, kaya inimis ko na ang mga gamit kong nakakalat sa coffee table bagp tumayo at pumasok sa kwarto.

Malakas kong isinara ang pinto pero rinig ko pa rin ang lintek na tawa ni Tinay. Napakabruhilda talaga, punyeta!

Halos mag-aapat na oras na akong nagre-review at sobrang sumasakit na ang ulo ko. I decided to take a rest by going home. Nagpaalam na rin ako kay Tinay na babalik na lang ako mamayang gabi. Wala rin naman siyang sinabi at kumaway lang. Hindi man lang ako sinabihan na mag-ingat, aba. Paano kapag bigla akong mabunggo, 'di ba? Bwisit!

Sumakay na ako sa bago kong BMW. Sobrang ganda talaga nito, like noong nakita ko 'tong ni-release noong nakaraang buwan, halos lumuhod na ako sa tatay ko para lang bilhan ako. Kaso ang nangyari, kung gusto ko raw talagang bilhin 'tong baby BMW na 'to, dapat ko raw i-benta 'yung luma kong Ferrari.

Kahit ayaw ko, kasi sobrang ganda talaga niya at maayos pa naman, wala akong nagawa kundi ibenta na lang kay Travis, childhood friend ko, 2 weeks before ko ipabili kay Daddy 'tong BMW. Buti na nga lang at kahit wala siya dito sa Pinas, e pumayag siyang bilhin Ferrari ko. Gustong gusto kasi niya talaga 'yon, e naubusan siya ng model kasi 'yung nakuha, e yung last na. Nagalit ba sa akin ang gago, ba't ko raw binili? E 'di sana kung gusto niya pala 'yon bumili siya agad nung nag-restock, 'di ba? Ang bobo talaga!

Nang ma-park ko baby BMW ko sa garage namin, lumabas na agad ako. Papasok pa lang ako sa bahay nang biglang lumabas kapatid ko, si Ashton. Tinaasan ko siya ng kilay, wondering kung saan siya pupunta, e siya nga pinunta ko rito.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko rito pero nilagpasan niya lang ako. I scoffed in disbelief.

Nang hindi pa siya nakakalayo ay hinigit ko 'yung bag niyang nakasabit sa balikat niya. I heard him cursed and turned to glare at me. I smiled sweetly at him while hanging his bag against my shoulders.

"You can't leave," I said. His expression remained the same. I pouted, but I still didn't give him his bag. "Let's hangout, brother."

He sighed and placed both his hands against his waists. He shook his head before answering. "I can't, Ace Hailey. I have a lot of readings." Pagtanggi niya at sinubukang abutin ang bag niya pero iniilag ko.

"Ang daya mo! I told you that I would come, right?" Inis kong sabi sa kaniya habang iniiiwas pa rin ang bag sa pag-abot niya. You won't get this, bruh!

Napatigil siya bigla sa pag-abot sa bag niya sabay tingin sa phone tapos sa akin. "You did?" He cluelessly asked which made me roll my eyes in irritation. However, bigla rin akong napatigil nang maguluhan.

Amidst UncertaintiesWhere stories live. Discover now