Chapter 07

137 9 3
                                    

Stubborn

"Hoy, masakit na, ha. Bitawan mo na ako, please.." reklamo ko nang tumigil kami sa paglalakad pero hindi niya pa rin binibitawan ang wrist ko.

Actually, it was not really hurting me. Gusto ko lang bitawan niya na ako dahil mukhang hindi na kakayanin ng puso ko ang sobrang bilis ng tibok nito dahil sa hawak niya. He turned to look at me. His eyes were so dark, full of anger and emotions that I couldn't name. Napaiwas ako dahil sa kaba at takot na baka galit nga talaga siya sa 'kin.

Pero sa pagkakatanda ko ay ako ang galit sa kaniya dahil sa pagsisinungaling niya sa 'kin, kaya bakit siya ang galit ngayon? Wala naman akong natatandaang ginawa kong mali para magalit siya. At sino siya para magalit, ha?

We were in the parking lot. Nanginig ako nang umihip ang hangin. Kahit na nakasuot ng denim jacket ay ramdam ko pa rin ang lamig. Dahil na rin siguro sa laced bralette lang ang suot ko at hindi naman nakabutones ang jacket ko.

Muli akong tumingin kay Sync na nakatingin na ngayon sa suot ko. Napatingin din ako roon at agad na tinakpan gamit ang libreng kamay ang dibdib ko. Hawak hawak niya pa rin ang palapulsuhan ko at pakiramdam ko'y ramdam niya ang panginginig ko dahil sa lamig at sa kaba.

"You.. can let go of me now," mahinahon pero nangangamba kong sambit. Hindi niya ako sinunod. Instead, mas hinigpitan niya pa ang hawak sa wrist ko. Napapikit ako dahil sa init ng kamay niya.

"Do you really want me to let go?" He suddenly asked which made me open my eyes and looked at him. There was no humor in his eyes, but then his question was playful. Galit siya, pero nakukuha niya pa ring mang-asar.

And what's with his question anyway? Of course, I want him to let go. Dahil... baka ako ang hindi na bumitaw kapag pinatagal niya pa.

"Yes," I whispered.

I was so nervous. Naiisip kong baka nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng pulso ko at malaman niyang ganoon na lamang ang epekto niya sa 'kin. I don't want him to find out. I'm not even sure kung ano nga ba 'tong nararamdaman ko. Baka kasi hindi lang ako sanay sa ganito, 'di ba? Or kaya naman nakaka-intimidate lang talaga siya kaya ganoon.

Lagi ring sumasagi sa isip ko 'yong sinabi ni Ashton at Tinay sa 'kin about sa nararamdaman ko for this asshole. However, I still didn't want to conclude. I still need to find out more regarding this. Hindi ako pwede magpadalos dalos ng konklusyon dahil baka ako lang rin ang ma-disappoint sa huli.

Suminghap siya at tumayo. "Alright.."

Nang bitawan niya ako ay parang kabaliktaran pa sa gusto kong maramdaman ang naramdaman ko. Hindi ko mapigilan ang mapasimangot nang ialis niya ang pagkakahawak niya sa wrist ko. Seriously, Ace? Hindi ba't gustong bitawan ka niya, so bakit disappointed ka pa? My God!

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kaniya habang minamasahe ang palapulsuhan ko.

He did not answer me. He continued to stare which made me look away. I took a deep breath, trying to calm my heart down. Damn, ilang weeks ko siyang hindi nakita at halos buwan na yata pero ganoon at ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Mas lumala pa!

"Ikaw, bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin pabalik.

Napatingin ako sa kaniya at kitang kita ko pa rin ang paninitig ng mga mata niya. I knew there was something in his eyes, but I couldn't grasp what that was. Ang hirap niya talagang maintindihan. Kapag magtatanong ako ay usual na pagtitig lang ang igagawad niya sa akin, at hindi man lang sumasagot. Sasagot lang siya para mang-asar or di kaya ay para ibalik sa akin ang sarili kong tanong. Tangina, tama ba 'yon?

I faked a cough and chuckled awkwardly. "Of course, I'm partying!" Proud kong sabi habang tinitignan siya pabalik.

I saw him cross both his arms against his chest as he continued watching me. Nakaramdam naman ako agad ng pagkahiya kaya muli akong napaiwas ng tingin. I faked a cough again and hugged myself when the cold wind of the night enveloped the dark parking lot again.

Amidst UncertaintiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant