Chapter 13

108 10 10
                                    

Heartbreak

"Tangina. Crush mo 'yon?" Hagalpak sa tawa si Traviano habang nagluluto ako ng breakfast.

Umirap ako sa kaniya. Pero nang hindi siya tumigil sa kakatawa ay akma ko na siyang hahampasin noong hawak kong spatula. Agad siyang tumayo ay umiwas sa akin, tumatawa pa rin.

"Seryoso talaga, Acely? Crush mo 'yon?" Tanong niya na hindi makapaniwala pero hindi pa rin tumitigil sa kakatawa.

"Hindi ka talaga titigil, ha?" I glared at him, but he just won't stop laughing. Fuck!

"Hoy, balik ka na sa niluluto mo. Masusunog 'yan, sige ka!" Aniya habang tumatawa pa rin.

I went back to cooking, annoyed. The damn dog was still laughing so freaking hard. Sinunog ko 'yong portion ng pagkain niya at pabagsak na nilapag sa harap niya iyong plato. Agad naman siyang tumigil sa kakatawa nang makitang sunog ang pagkain niya.

"What the heck, Acely?" Kunot noo siyang nakatitig sa sunog niyang pagkain pagkatapos ay lumingon sa akin.

I was smirking evilly at him. He pouted and chose to still eat his food. Panay inom nga lang siya ng tubig dahil mapait iyong pagkain niya. This time, ako na naman ang walang tigil ang tawa habang kumakain siya.

"Napakasama mo sa 'kin.." naiiyak niyang sabi habang nginunguya 'yong tinapay niyang toasted na toasted rin.

"Gago ka kasi," I said while laughing.

"Pero hindi, seryoso na talaga. May gusto ka roon sa kanina?" He was serious now when he asked that.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa pagkain ko.

Even though I already know what I feel for that asshole, I still couldn't tell my friends about it. Halata na, pero hindi ko lang siguro talaga magawang i-voice out. Siguro kasi... kahit gustong gusto ko na siya, something remained uncertain still. Kahit iyong bagay na 'yon ay hindi ako siguro kung ano.

"It's okay if you still don't want to say it out loud, Acely. Pero bakit pala siya umalis agad? Hindi man lang pumasok," inosente niyang tanong.

Binato ko sa kaniya iyong table napkin na siyang ikinagulat niya.

"Bakit na naman?" Naiirita niyang tanong sa akin.

"Tangina mo kasi. Lalabas labas ka ng walang suot na T-shirt? Gago ka ba?"

"E, bakit ikaw? Binuksan mo ang pinto nang naka-nighties ka lang? Gaga ka ba?" He asked, mocking me. But his face immediately turned shocked. I arched a brow at him. "So, ibig sabihin, inakala niyang..." he couldn't continue it, but I already knew what he was pertaining about. I nodded.

Muli siyang humagalpak ng tawa at nakahawak pa sa t'yan niya. Napailing na lang ako habang inuubos iyong pagkain ko. Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa ang gago at halos maiyak na sa sobrang saya. Tangina talaga.

Iniwan ko na siya roon at pumasok ng kwarto ko. I entered my bathroom to take a bath. Ilang minuto pa akong nag-stay doon at nagbabad sa bathtub habang iniisip 'yong nangyari kanina.

He didn't let me explain my side. Tinignan niya lang ako gamit iyong mga tingin na walang ginawa kung hindi sirain ang puso ko. Halos maiyak na naman ako sa harap niya habang iiling iling siyang nakatingin sa akin. Dismayadong dismayado siya.

Tangina. Kung totoo ngang ganoon ang nangyari, ano bang pakialam niya, hindi ba? Nasa legal age na ako at kaya ko nang alagaan ang sarili ko. Hindi na ako bata, pero kung tignan niya ako kanina ay parang ganoong ganoon ang turing niya sa akin.

He looked at me as if I was still a kid and a big disappointment. Nakaka-disappoint ba na akala niya nakipag-sex ako sa childhood friend ko? Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin?

Amidst UncertaintiesWhere stories live. Discover now