SECQUENCE 2: INTERIOR. BAR-GABI

117 9 0
                                    

Sabado. Isang lasing na lalaki ang makikita nating mabagal na binabaybay ang karagatan ng mga nagsasayaw na katawan. Tinatahak niya ang tila isang madilim na eskinitang overcrowded dive bar pala sa General Malvar. Amoy sa hangin ang pawis, libog, iba't ibang uri ng alak, at mga nanikit na usok ng sigarilyo. Pagkalagpas niya sa kumpol ng tao ay makikita natin si JIM (23) nang malinaw sa unang pagkakataon, isang regular sa bar,matangkad ngunit mukhang inosente at mukhang bata para sa kanyang edad—pagod at pawisan ito dulot ng sikip na dinaanan bago makapasok sa kaloob-looban ng bar makikita nito ang haba ng pila sa banyo, wala itong magagawa kundi maghintay.

Sa kabilang banda ay makikita naman si AL (27), isang patron din ng nasabing lugar, sa harapan ng pila sa bar bumibili ng alak. Halos kasing tangkad ito ni Jim, hindi halata sa mukha ang edad ngunit halata sa pustura nito ang kanyang talinong naipon dahil sa mga tao at taong pinagdaanan. Pagkatapos nitong kunin ang hinihintay na alak ay pipila na rin ito papasok ng banyo.

Matagal na nilang nakikita at sinisipat ang isa't isa dito sa bar na parati nilang pinupuntahan. Mayroon silang mga parehong kaibigan. Ngunit Parehong mahiyain at takot, parating walang naglalakas ng loob mauna sa pakikipagusap kahit parehong napapalibutan at nagpapakalunod sa alak kada katapusan ng linggo.

May isang tao sa pagitan ni Jim at Al.

Habang tahimik na nag-aabang ang mga ito at panakaw na tumitingin sa isa't isa na may kani-kanilang hawak at iniinom na bote ng alak sa mahabang pila ay darating naman ang isang babae sa pila na ngayong gabi lang din naman nakilala ni Jim. Dala ng kalasingan ay nawawala ang pagiging mahiyain nito. Dahil sa kabatuhan ay tatawagin ito ni Jim na tila ngayon lang nagkita pagkatapos ng mahabang panahon. Lasing na mag-uusap ang dalawa.

JIM:
Jill!

Ibabalik naman nito ang siglang ibinigay ni Jim.

JILL:
Jim!

Hahalikan nila ang isa't isa sa bibig, walang malisya, katuwaan lang. Isang bakla at isang tibong nagtukaan. Wala namang reaksyon ang mga tao sa paligid nila sa kadahilanang normal na nila itong nakikita rito.

JIM:
Jill! Kumusta ka na?

JILL:
Ito maganda pa rin.

JIM:
Ang boring naman nito kausap!
(Pause)
Kakantahan na lang kita.

JILL:
Sige. Anong kanta?

JIM:
Para sa'yo lang 'tong kantang 'to.

JILL:
Ang taray ni bakla! Lyricist!

Kakantahan ni Jim si Jill ng nursery rhyme na Jack and Jill.

JIM:
(Singing)
Jack and Jill went up the hill
to fetch a pail of water
Jack fell down and broke his—

Makakalimutan ni Jim ang kasunod nito.

JIM (CONT'D):
Anong susunod doon?

Hindi rin alam ni Jill ang kasunod gawa ng kalasingan.

JILL:
Bone?
(Pause)
Bone yata?

Kakanta ulit si Jim at susubukang idugtong ang "bone" ngunit mapapangitan ito sa pagkakalapat ng salita rito.

JIM:
Parang hindi naman 'yon e.

Matatawa ang dalawa sa kanilang katangahan.

Makikita si Al na nagpipigil ng ngiti sa gilid.

Kakantahin ulit ni Jim ang kanta hanggang sa dumating sa nakalimutang parte. May malaki itong tandang pananong sa mukha.

Parehong mahiyain at takot, parating walang naglalakas ng loob mauna sa pakikipagusap kahit parehong napapalibutan at nagpapakalunod sa alak kada katapusan ng linggo. Hindi ngayon.

AL:
Crown.

Magugulat si Jim sa pagsabat ng taong matagal na niyang pinagmamasadan sa malayo.

Mapapatingin si Jim kay Al.

JIM:
Ha?

AL:
Crown.

JIM:
Bakit?

AL:
(Matatawa nitong sagot)
Anong bakit?

JIM:
(Nagtataka)
Crown?
(Aarte itong nagsusuot ng korona)
As in crown? crown?
(Ituturo ang mga ngipin)
O crown. Crown?
(Pause)
Bakit?

AL:
(Magkikibit balikat)
Di ko rin alam. Maybe it's a creative writing thing.

Lalabas ang tao sa CR. Kakalabitin ng tao sa pagitan nilang dalawa si Jim. Siya na pala ang sunod na gagamit ng banyo.

JIM:
(Pasigaw)
Thank you!

Ngingiti ito sa direksyon ni Al. Sasagot naman si Al sa pamamagitan ng isa pang pag kibit balikat, ngayon naman ang ibig sabihin ay walang anuman at susuklian naman ni Al ang ngiting binigay sa kanya ni Jim.

Ilalapag ni Jim ang bote ng alak sa table sa labas ng CR bago ito pumasok. Habang umiihi ay titingin ito sa malaking salamin sa kanyang harapan, ngingiti kasama ang mata sa mabilisang pagalala ng nangyaring paguusap.

Pagkalabas nito ng banyo ay kukunin nito ang iniwang alak ngunit wala ito sa pinaglagyan. Iaabot ni Al ang bote kay Jim.

AL:
(Nakakunot ang noo)
Bakit ka nag-iiwan ng bukas na alak?
(Idadagdag sa kunot ang nguso)
Walang nagbabantay.

Kukunin ni Jim ang bote at habang naglalakad papalayo ay sasagutin nito si Al gamit ang isang walang ngiping malaking ngiti mapapapikit din ang mata nito.

JIM:
Salamat.

Papasok naman si Al sa banyo.

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon