SEQUENCE 20: EXTERIOR. SIDEWALK-MADALING ARAW

32 3 2
                                    

Pagkababa ng tama ni Jim, umalis na sila sa bar. Habang naglalakad ang dalawa sa gilid ng kalsada na magkahawak ang kamay, biglang babagsak kay Jim ang lahat ng pagod sa mundo na parati na niyang nararamdaman ngunit kinikibit balikat lamang niya ito. Ramdam naman ni Al ang noon pang unti-unting paglayo ng kasintahan sa kanya, hindi na nito alam ang gagawin para maabot muli ang mahal.

Nauunang maglakad si Al ng isang hakbang. Biglang bibitiw si Jim at mahihinto ang dalawa sa paglalakad, haharap si Al sa naiwang kasintahan.

JIM:
Hindi ko na kilala ang sarili ko, Al.

Desperasyon ang makikita sa mukha ni Al. Mapapatigil naman ang mistulang bagyo ng salita na gustong sabihin ni Al para mapigilan ang napipintong paglisan ng kanyang tahanan.

Sasagot na lamang ito base sa kanyang tunay na nararamdaman.

AL:
Alam ko.

Hihikbi ng mahina si Jim.

JIM:
Parati kong iniisip nung una na baka nagbago ka na, na hindi na ikaw yung Al na gusto kong makasama.
(Hirap na hirap sa sasabihin)
Pero na-realize ko, paano kung ako pala yung nagbago?
(Pause)
Paano kung hindi na pala ako yung Jim na gusto kong makasama mo. Paano kung hindi na ako yung taong ginusto mong makasama, yung pinipili mo araw-araw.
(Pause)
Hindi ko na kilala sarili ko.
(Pause)
Ayaw kong maging unfair sa'yo, Al.

Lalapitan ng Al si Jim, hahawakan ang mukha at pupunasan niya ang luha ni Jim kahit may luha na rin itong rumaragasa sa kanyang sariling mukha. Ididikit ni Al ang noo niya sa noo ni Jim.

AL:
Ikaw ang gusto kong makasama.

JIM:
Pero hanggang kailan?

AL:
Akala ko ba walang pero sa atin, Jim?

JIM:
Ikaw pa rin ang gusto kong makasama, Al. Ngayon may pero na.
(Pause)
Kailangan ko munang unahin ang sarili ko.

Hindi makakapaniwala si Jim sa namumutawi sa kanyang mga labi. Hindi niya tanggap ang kanyang mga sinasabi pero ito ang kailangan. Ayaw niyang maging pabigat sa problemang kinakaharapan pa ni Al.

JIM (CON'T):
Babalik ako, Al.
(Pause)
Hindi ko sinasabing hintayin mo ako. Pero sinasabi ko sa sarili ko na makakabalik ako. Na ikaw pa rin hanggang huli.

AL:
(Pabulong)
Seven seconds, Jim.
(Pause)
Kasama pa rin 'to sa gusto kong makita.

JIM:
Seven seconds, Al.
(Pause)
Hindi ko alam ibig sabihin nito. Pero alam kong ikaw lang ang gusto kong makita sa buong pitong segundong 'yon.
(Pause)
Babalik ako. Pero ngayon, ako muna.

Tatango na lamang si Al at papayag sa gusto ni Jim. Wala na itong magagawa. Bihira lang gumawa ng desisyon si Jim at alam ni Al na kapag buo ang isip nito ay 'yon na ang gusto nitong mangyari. Wala nang makakapagbabago sa isip nito.

AL:
Ikaw pa rin gusto kong makasama, Jim.
(Pause)
Hindi magbabago 'yon.

JIM:
Sana. Pero hindi ako magagalit kung hindi.
(Pause)
Ako yung umalis e.
(Pause)
Babalik ako.

Bibitawan ni Al ang mukha ni Jim. Magpupunas ito ng sariling luha at hahawakan ang kamay ng dating kasintahan.

AL:
Hatid na kita.

JIM:
Sa tawiran na lang.

Tatango na lang si Al.

Maglalakad na ang dalawa patungo sa tawiran, sa pedestrian crossing.

Makikita ni Al na bago lamang nagpula ang ilaw sa tawiran 140 segundo na lamang ang natitira sa kanilang dalawa. Benteng pitong segundo.

Iniisip ni Al kung paano magkakasaya ang kanilang dalawang taon sa pitong segundo.

Nakatingin si Al sa stoplight.

AL:
(Pabulong sa sarili)
Please don't turn green.
(Pause)
Please don't turn green.

Tahimik na lamang na naghihintay si Jim na mag berde ang ilaw sa tawiran, mahigpit ang kapit nito sa kamay ng dating kasintahan.

JIM:
Ilang seven seconds ang meron diyan.

AL:
15 na lang.

Bubungguin ni Jim ang balikat ni Al.

JIM:
(Pabiro)
Ang galing sa math.

Nakatingin na lamang ang dalawa sa mga numero na bumabababa bago sila tuluyang maghiwalay.

AL:
Sampu.

Titingin si Jim kay Al na may pangungulila.

JIM:
'Wag mo akong susundan, please?

Titingin din si Al kay Jim.

AL:
Basta 'wag kang lilingon, please?
(Pause)
Hindi ko maipapangako pag tumingin ka sa akin.

JIM:
(Pabulong)
Okay.

Dadagdagan ito ni Jim ng tikom na ngiti.

Babalik ang tingin ng dalawa sa bumababang numero.

AL:
Tatlo.

JIM:
Binibilang mo pa rin?

Al:
Para sa atin.
(Pause)
Hanggang dito na lang tayo.

JIM:
Sa ngayon.

AL:
Dalawa.
(Pause)
Seven seconds.
(Pause)
Ikaw pa rin ang gusto kong makasama.

JIM:
Sa'yo pa rin ako uuwi.
(Pause)
Goodbye.

At nag berde na nga ang ilaw ng stoplight. Naglakad na papalayo si Jim at naiwan na sa dulo ng tawiran si Al.

AL:
(Pabulong paulit-ulit)
'Wag kang lilingon.

At hindi na nga lumingon si Jim hanggang sa nilamon na ito ng ibang mga tao sa paligid.

DISSOLVE TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon