SEQUENCE 12: INTERIOR. AL AND JIM'S CONDO-LIVING ROOM-GABI

51 5 5
                                    

Lumipas na ang mga minuto, oras, araw, linggo, buwan, taon. Nagbago na ang ayos ng kanilang bahay, mistulang gumulo, dumami ang laman na gamit.

Makikitang nakaupo si Jim sa harapan ng kanyang working desk. Nakayuko ito na tila natutulog, bigla naman gagalaw ang balikat nito—maliliit na galaw. Maririnig natin ang maiikling hikbi nito na natatabunan ng kanyang braso.

Biglang lalabas si Al galing sa kwarto na may hawak-hawak.

AL:
Jim...?

Magpupunas ng luha si Jim mistulang gustong ilihim ang kanyang pag-iyak.

Lalapit si Al kay Jim. Ilalapag nito ang hawak sa table, ito ay bulto ng gamot na pagmamamay-ari ni Jim. Alam ni Al kung para saan ang mga ito.

AL (CONT'D):
Kailan pa?

Magugulat at mahihiya si Jim itatago niyo ang mga gamot na tila may ibang nakakakita bukod sa kanilang dalawa.

JIM:
Saan mo nakuha 'yan?

Tatayo si Jim na tila isang bulkang paputok.

AL:
Naiwan mo sa tukador.
(Pause)
Bakit hindi ko 'to alam?
(Pause)
Jim, magdadalawang taon na tayo. Don't you think I should know this?

JIM:
Why?

AL:
Don't you think I deserve to know this?
(Ituturo ang pagkatao ni Jim)
This... this part of you?
(Pause)
Did you really grow to hate me that much?

Mamumuo na naman ang mga luha sa maya ni Jim na kanina'y itinatago niya kay Al.

JIM:
I—I don't hate you, Al.
(Pause)
Hindi ko alam paano ko sasabihin.
(Pause)
Hindi ko alam kailan ko sasabihin.

AL:
Jim. Hindi ko na alam paano ka aabutin.
(Pause)
Hindi na kita mahawakan.

Aangat ang tension nmsa pagitan nilang dalawa. Parang takureng malapit na kumulo.

JIM:
Bipolar ako, Al.
(Pause)
Sa tingin mo madali sa akin sabihin 'yon? Sa tingin mo mabilis lang masabi sa'yo 'yon?

AL:
I told you what I have, right?
(Pause)
What's the difference?

JIM:
I never asked you to.
(Pause)
You just did.
(Pause)
You know I don't talk that much when it comes to myself. What shocked you this time?

AL:
I thought we're in this together, Jim.

JIM:
I thought so, too.

Mapapatango na lang sa galit si Al. Hindi nagsasalita hindi binubuka ang bibig dahil baka may masabi itong masama.

AL:
Jim, dalawang taon na. Katok ako nang katok! Kailan mo ba ako papapasukin?

JIM:
This is not about you, Al.

AL:
I know, I'm sorry. Pero let me help you naman. Like how I let you help me whenever I have my breakdowns. I am here, Jim. Makita mo naman sana ako.
(Pause)
Hindi lang ikaw ang nasa relasyon na 'to, Jim. Nandito rin ako oh? Nandito rin ako.

JIM:
Okay. I stopped taking my meds.

AL:
Bakit? Kaya ka ba nagkakaganyan?

JIM:
Because I want to feel something again!
(Pause)
Pagod na akong tumawa nang walang laman. Hindi ako makaramdam. Gusto ko naman maging masaya kahit kapalit no'n ay matinding kalungkutan.
(Pause)
Gusto ulit kitang maramdaman, Al.
(Pause)
Ayaw ko na ng ganito.

Hahagulgol si Jim. Magpapanic at lalapit si Al kay Jim, hahagkanin niya ito ng mahigpit sabay ang kanilang luhang walang pagal. Papatahanin ni Al si Jim sa kabila ng sariling luha.

AL:
Nandito ako, okay?
(Pause)
Tahan na, Baby. Nandito ako.
(Pause)
Kahit ano pa 'yan. Ikaw ang gusto kong makasama.
(Pause)
Tayo 'to. Sa atin 'to.
(Pause)
Seven seconds.

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon