SEQUENCE 7: EXTERIOR. AL'S CONDO-BALCONY-BUKANG LIWAYWAY

52 7 3
                                    

Nagyoyosi sa balkonahe ng unit ni Al ang dalawa. Nakaupo si Al at nakadungaw naman sa balkonahe si Jim. Pinapanood ni Al si Jim suot ang kaniyang ipinahiram na damit. Bagong ligo na rin ang dalawa.

AL:
(Pabulong)
Seven seconds.

Hindi narinig ng malinaw ni Jim ang sinabi si Al ngunit may kutob ito kung ano 'yon.

JIM:
(Pailong)
Huh?

Iling lang sagot ni Al kay Jim. Bubusisin lang ni Jim si Al gamit ang kanyang mga mata. Mistulang naintindihan naman ito ni Al.

AL:
Ang sabi ko ang sarap mong panoorin.

JIM:
Akala ko, masarap ako.
(Kunwaring disappointed)
Tinuloy mo pa.

AL:
Pwede rin.
(Pause)
Halika rito.

Papatayin ni Jim ang kaniyang ubos na sigarilyo. Hihilahin ni Al si Jim papalapit sa kanya at ikakandong si Jim. Uupo si Jim pahalang sa hita ni Al, ilalagay ni Jim ang kanang braso sa likod ng ulo ni Al.

Titingin ang dalawa sa isa't isa na may gusto sa pagitan ng mga titig, maya maya ay ilalagay rin ni Jim ilong nito sa leeg ni Al na mistulang inaamoy.

JIM:
Is this too soon?

AL:
Nope. I was waiting.

Haharap kay Jim si Al at hihilahin ang baba nito papalapit sa kanyang bibig hanggang magkatapat na ang kanilang mga labi.

AL (CONT'D):
Is this too soon?

JIM:
Nope. So please don't make me wait.

At naglapat ang kanilang mga labi. Isang halik na tila ba nahanap ng palaboy ang kaniyang tahanan. Isang halik na nagpapahayag na ako'y nakauwi na.

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon