Lumipas ang ilang araw, isang linggo. Mukhang nakapagpahinga na ang dalawa mula sa hindi magandang linggong nagkaroon sila. Nakaligo na rin ang dalawa at nakapaglinis ng bahay.
Makikitang naglalampungan ang dalawa sa kanilang kama, parang walang nangyari sa kanilang dalawa sa nakalipas na linggo.
Uupo ng diretso si Jim at magsasalita.
JIM:
Al, may sasabihin pala ako.Matitigilan si Al at kakabahan ito sa tono ng pananalita ni Jim.
AL:
Ano 'yon?
(Pause)
Bilisan mo. Nakakakaba.Pepekein ang pagluluha.
JIM:
Al, buntis ako.
(Pause)
Eme!AL:
Magiging tatay na ako?Tatawa ang dalawa sa kanilang kagaguhan.
AL (CONT'D):
Ano nga?Paglalaruan ni Jim ang kanyang mga daliri.
JIM:
Uhm.
(Pause)
I paused taking my meds again.
(Pause)Just for the weekend. I wanna enjoy the weekend. Anniversary ng pagkakakilala natin sa banyo. Balik tayo? Miss ko na 'e.
AL:
Okay.
(Pause)
Don't drink too much ha?
(Pause)
Acidic ka.Malaking ngiti naman ang papalit sa kabadong mukha ni Jim. Malaking yakap ang sukli nito sa pagpayag ni Al.
JIM:
Yehey!
(Mang-aakit)
Thank you, Zaddy!CUT TO:
YOU ARE READING
Seven (Cubao Chronicles #2)
RomanceAN UNPRODUCED SCREENPLAY "Whatever happens, just make sure it's worth watching." Mula sa meet-cute na hindi makakalimutan hanggang sa relasyon na tila walang kapantay, samahan si Jim at Al tuklasin kung paano mo matatawag na tahanan ang alam mong ta...