SEQUENCE 11: INTERIOR. AL'S CONDO-HAPON

46 4 3
                                    

Montage of Al and Jim living together being sweet with each other and being domestic. Makikita ring nagaayos ng sariling gamit si Jim sa condo ni Al—condo nila. Marahil ang ilan ay mabibilisan sa galaw ng kanilang relasyon, pero hindi nila alam ang pakiramdam 'pag nakilala mo na, nakita mo na, nalaman mo na kung sino ang iyong tahanan. Nakita na nila ang isa't isa at alam nila 'yon.

End of montage.

Magpapahinga ang dalawa sa paglilinis ng bahay pagkatapos nilang dalawa mag-ayos ng gamit ni Jim. Tahanan na nila itong dalawa.

Mapuputol ang kanilang pahinga nang biglang magsalita si Jim.

JIM:
Ikaw ang gusto kong makasama.

AL:
Alam ko. Kaya nga nandito ka na.

JIM:
Hindi. Ang ibig sabihin ko, ikaw ang gusto kong makasama sa buhay.

Tatango at makikinig na lamang si Al habang unti-unting nalulusaw naman ang loob nito sa sinasabi ni Jim.

JIM (CONT'D)
Hindi ko alam kung capable ba akong magmahal pero ang sigurado ako, ikaw lang ang gusto kong makasama.
(Pause)
Ibang tao sinasabi nila, "mahal kita" Pero ewan ko ba. That phrase seems overused.
(Pause)
Kapag sinasabi nilang "mahal kita" parang parating may kasunod na bakit o pero.

Hahawakan ni Al ang mukha ni Jim at ididikit nito ang kanilang mga noo.

AL:
Ikaw rin ang gusto kong makasama.
(Pause)
Pero technically, pwede rin yang may kasunod na bakit?

JIM:
Pero hindi pero.

AL:
Technically...

JIM:
Walang pero sa atin, Al.
(Pause)
Walang pero.
(Pause)
Ikaw ang gusto kong makasama.

AL:
Ikaw rin ang gusto kong makasama.

FADE TO BLACK:

Seven (Cubao Chronicles #2)Where stories live. Discover now