SEQUENCE 4: EXTERIOR. BAR-SMOKING AREA-GABI

54 10 8
                                    

Hindi pa rin umaalis ang dalawa sa kanilang kinauupuan, ngayon ay magkaharap na ay pinaghahatian ang isang paubos na bote ng tequila—ang tig-isang shot na nauwi sa isang buong bote.

Makikitang magkadikit ang tuhod at magkahawak ang parehong kamay at naka-ngiwi ang mga mukha waring pinipigilan ang isa't isang may gawin. Makikita rin ang malakas na pag-iling ni Jim habang nakatingin sa mata ni Al na tila nagmamakaawa, minamata ang asin at lemon na nasa gitna rin nilang dalawa.

JIM:
(Natataranta)
Lemon. Lemon. Lemon. Hu! Hu! Hu!

AL:
(Natatawa)
Matapang ka diba?
(Pause)
Akala ko ba kabog sa dibdib lang?

Lulunok ng malaki si Jim at didila kay Al na parang nang-aasar.

AL (CONT'D):
Oh diba? Sabi sa'yo I believe in you e.

JIM:
Ulol. Heh! Masuka-suka na ako dito.
(Aalog ang ulo na parang nagpapagpag)
Believe mo mukha mo.

AL:
'Wag kang gumanyan! Lalo kang mahihilo.

Mag gagalit-galitan si Jim na nagpapa-cute lang naman talaga. Matatahimik ang paligid. Mapapansin na sila lang ang laman ng bar, hindi tumigil ang ikot ng mundo, hindi tumitigil ang oras bagkos mistula pa ngang bumilis ito. Magkakatinginan ang dalawa nang matagal. Mapapatingin si Jim sa kanilang mga kamay na magkakapit, mapapa-kunot ang noo sa pagtataka at lalambot naman maya-maya ang ekspresyon sa mukha.

JIM:
(Pabulong)
Bakit ka lumapit?

AL:
(Gulat sa tanong)
Ha?

Nakatingin pa rin si Jim sa kanilang mga kamay na hindi nagbibitaw.

JIM:
Bakit ka lumapit ngayon?
(Pause)
Bakit mo ako tinawag?

AL:
Sayang kasi 'e.

JIM:
Sayang? Ang alin?

Paglalaruan ni Al ng kanyang mga hinlalaki ang likod ng palad ni Jim

AL:
'Yung gabi? 'Yung moment?
(Pause)
Ang ganda 'e.
(Pause)
Sayang 'yung nasimulan kung uunahin ko na naman hiya ko.

JIM:
(Humahalikhik)
Alin? 'Yung meet-cute?

Itataas ni Al ng bahagya ang kanilang mga kamay.

AL:
Ito.
(Pause)
Sayang 'to.

JIM:
(Susuko na may pag-ayon)
Film-worthy.

AL:
Seven seconds.

JIM:
Seven seconds?

AL:
Wala.

JIM:
(Mocking)
Maybe it's a creative writing thing.

Mapapailing si Al sa pagbalik ni Jim ng sinabi niya kanina sa loob.

AL:
Ikaw?
(Pause)
Bakit hindi ka lumalapit?

Mapapahinga ng malalim si Jim. Nag-iisip ito ng rason kung bakit, nag-iisip ng pwedeng maging lusot sa tanong ngunit para saan pa? Ito na 'e.

JIM:
Hindi ko alam.
(Pause)
Nahihiya ako? Natatakot?

AL:
Natatakot? Saan?

JIM:
Ewan.
(Pause)
Para kasing ang taas mo?

Hindi makakasunod si Al sa sinasabi ni Jim. Naguguluhan ito sa gustong ipahatid ni Jim.

AL:
I— I don't get it.

JIM:
A lot of people like you.
(Titigin sa mata ni Al)
We are both aware of the fact that lots of people I know, know you.
(Pause)
Karamihan pa sa kanila crush ka.
(Mapapailing)
I don't know. You seem out-of-reach. Parang out of my league kumbaga.
(Pause)
Ewan. Parang suntok sa buwan kung gugustuhin ka?

AL:
Sa tagal nating magkakilala...

JIM:
Magkakilala?

AL:
Fine. Nagkakakitaan. We never talked.

JIM:
I know.

Magkakatitigan ang dalawa, isang malambot ngunit malalim na titig waring naghahanapan sa mata ng isa't isa.

Makakaramdam naman si Jim ng kakaiba sa kanyang sikmura.

JIM (CONT'D):
Teka. Nasusuka ako.

Tatayo si Jim papunta sa malapit na kanal mabibitawan nito ang kamay ni Al. Hahayaan lamang ni Al bumagsak ang mga ito habang sinusundan ng tingin si Jim papunta sa malayo.

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Where stories live. Discover now