SEQUENCE 6: EXTERIOR.GOTOHAN-MADALING ARAW

42 6 5
                                    

Kumakain ang dalawa ng kanilang paboritong order ng tapsilog. Kay Jim ay Tocilog na may malasadong itlog, Bangsilog na may lutong pula naman ang kay Al. Pinagsasaluhan din nila sa kanilang pagitan ang isang mainit na goto beef at ang tubig na binili ni Al para kay Jim.

Kukuha ulit si Jim ng isa pang kutsara ng goto. Isusubo ito ni Jim at uungol muli katulad ng kanyang pagungol kanina.

AL:
Ngayon ayaw mo nang tigilan?

JIM:
Masarap nga kasi! Pero sinangag express pa rin talaga.

AL:
Kanina ayaw mo pa.
(Pause)
Pero totoo, sex is the best.

JIM:
Ikaw nga rin e. Gusto mo palit na tayo?

AL:
Hindi, okay lang. Well-done talaga ako kumain ng pag sex.
(Pause)
Pero masarap rin yan. Sa susunod, ganyan na oorderin ko.

JIM:
Wow. My impact.

AL:
Yes. Your impact.
(Pause)
Pang-seven seconds.

JIM:
Ano ba yang seven seconds na yan?

AL:
Secret.

JIM:
Tsk. Ang daya naman ne'to.

AL:
Hindi mo ako pipilitin?

JIM:
Hindi.
(Pause)
Kasi kung gusto mo namang ikwento, sasabihin mo na agad 'yan.

AL:
Thank you.

Magkikibit balikat lang si Jim na parang nagsasabing walang anuman. Tuloy lang sa pagkain ang dalawa. Lalambot naman ang tingin ni Al dito na parang nahanap na niya ang taong matagal na niyang hinahanap. Mapapansin ito ni Jim.

JIM:
Bakit ka ganyan tumingin?

Maiilang si Al sa walang prenong pagpapahayag ni Jim ng kanyang napansin

JIM (CONT'D):
Alam kong wala akong dumi sa mukha.
(Pause)
Alam ko ring cute ako.

Lalalim lamang ang titig ni Al kay Jim habang may malambot na ngiti sa labi na mistulang binibigay ni Al ang puso nito nang dahan-dahan kay Jim. Ramdam naman ito ni Jim, at masaya rin siya rito.

AL:
Hindi ka nauubusan ng sasabihin no?

JIM:
(Pailong)
Oo.
(Pa-cute)
At alam ko'ng natutuwa ka doon.

AL:
(Marahan)
Would it be too soon if I ask you to come home with me?

JIM:
(Masigla)
Nope. I was waiting.
(Pause)
Disclaimer lang. I don't do one-night-stands. Kaya kung i-invite mo ako, panindigan mo 'yan.

AL:
I know.
(Pause)
We have common friends, remember?
(Pause)
Tara na?

JIM:
G.

Tatayo ang dalawa at magsisindi ng kani-kaniyang sigarilyo.

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon