SEQUENCE 3: EXTERIOR. BAR-SMOKING AREA-GABI

64 8 12
                                    

Paglalim ng gabi at paglapit sa umaga ay makikita ang pagnipis ng dami ng tao. Si Jim ay mag-isang nakaupo sa mga baitang hiwalay sa lahat. Lasing at payuko-yukong naninigarilyo at umiinom ng alak.

Makikita ni Al si Jim mula sa malayo. Dahan-dahan itong lalapit, waring susulitin ang tapang na nabuo ng alak ngayong gabi. Iisip ito ng paraan para makausap muli ang taong matagal na niya pinagmamasdan.

AL:
Excuse me?

Hindi titingin si Jim at tutuloy lamang ito sa kanyang ginagawa.

Magdadalawang isip si Al na pupukawin ang atensyon ni Jim.

AL (CONT'D):
Jim?

Pilit na iaangat ni Jim ang kanyang mistulang mabigat na ulo. Makikita niya si Al at mapapangiti ito na may halong pagtataka.

JIM:
Alam mo pangalan ko?

Nahihiyang tatango si Al.

JIM (CONT'D):
Alam ko rin pangalan mo.
(May yabang na sasambitin)
Al. Diba?

Pigil na ngiti lamang ang kayang isagot ni Al. Hindi pwedeng mahalata.

Kung ibang tao 'to, siguradong iritable na si Jim sa pagsira nito ng kanyang pag-iisa. Pero si Al 'to, iba 'to. Masayang magtatanong si Jim kay Al.

JIM (CONT'D):
Ano 'yon?

AL:
(Marahang magtatanong)
Pwedeng maki upo?

JIM:
Ano ba?
(Matatawa)
Hindi naman sa akin 'to.

Tatanggapin ni Al ito bilang pagpayag sa kanyang pagtabi. Uupo ito sa tabi ni Jim. Marahang uupo na parang isang magnanakaw sa isang magarang bahay.

Ilalabas naman ni Jim ang kaha ng sigarilyo at aalukin si Al.

JIM:
Wala akong lights e.
(Pause)
Oh, pang-pokpok. Blue?

Mapapatingin si Al kay Jim. May gulat at pag-asang halo ang kanyang ngiti.

AL:
Hindi, okay lang. Meron ako.
(Hindi pa rin humuhupa ang ngiti)
Alam mo yosi ko?

JIM:
Malamang. Nakikita ko.

AL:
Saan?

JIM:
Pinopost mo kaya sa Twitter.
(Hihithit)
Dami mo kayang followers.

Mahihiya si Al sa katotohan. Hindi naman niya ginusto 'yon. Mapapakamot ito ng ulo.

AL:
Nge.
(Pause)
Uy, may lighter ka ba?

Hahanapin ni Jim ang lighter, makukuha niya ito sa bulsa sa kanyang dibdib magsisindi ng kanya bago iabot kay Al.

AL (CONT'D):
Salamat.

Magsisindi at hihithit ibubulsa ito ni Al sa kanyang dibdib. Makikita naman ito ni Jim.

JIM:
(Matatawa)
Hoy! Akin yan.

AL:
(Mahihiya at makikitawa)
Ay, sorry. Nasanay lang.
(Hihithit)
So, fino-follow mo ako?

Titingin si Jim kay Al na may ngiwi sa mukha.

JIM:
Huh? Pa-yummy ka? Asa ka, bui.

AL:
(Kunwaring nasaktan)
Aray, fino-follow nga kita e.
(Pause)
Snob.

JIM:
Huh?

Titignan ang cellphone at pupunta sa Twitter profile ni Al. Wala namang makikitang "follows you" dito. Ipapakita ito kay Al.

AL:
Sinabi ko bang 'yang account na 'yan?

Tumigil ang oras. Parang biglang naglaho ang mundong kanina lang sa kanila'y naka paligid. Tuloy ang kwentuhan, tuloy ang inuman.

Ma-realize ni Jim na may private lurker account si Al. Aasarin ni Jim si Al.

JIM:
(Matatawa)
Luh? Crush mo ko?

AL:
Oo, bakit?

Matitigilan si Jim. Titingin si Jim kay Al waring hinuhuli kung nagsasabi ng totoo. Ililihis ni Jim ang usapan.

JIM:
Weh? DM ka nga gamit yung account.
(Pause)
Kapag nag-message ka, follow ko real account mo.

Mag-memessage si Al gamit ang private account.

AL:
Follow mo na. Don't be shy.

Mapapatingin si Jim sa phone dahil sa notification. Mapapatingin ito kay Al na may ngiti.

AL (CONT'D):
(Tuturo kay Jim)
Hala? Uy, kinikilig.
(Hihithit at bubulong ng malakas)
Crush din ako.

Mahihiya si Jim sa pangaasar ni Al. Nakangiti silang magbabangayan.

JIM:
Kapal ng mukha nito.

AL:
Bakit? Hindi?

JIM:
Sinabi ko ba?

Lalapit naman bigla ang waiter sa dalawa. Tatanungin sila ng kanilang order bago magsara ang bar.

WAITER:
Jim, Al. Last order?

Titingin sila sa isa't isa. Parang nagtatanungan.

JIM:
Isang 500 ako. Tapos baso with ice.
(Titingin kay Al)
Sa'yo?

AL:
(Nag-aalala)
Okay ka pa ba?

Sasagot si Jim ng simpleng tango.

AL (CONT'D):
Sige. Ganon din akin.

JIM:
Tapos bill na rin pala.

AL:
Tequila, gusto mo?

JIM:
Okay lang. Libre mo?

AL:
Oh sige.
(Titingin kay Alvin)
Tapos dalawang tequila. Pati bill rin.

WAITER:
Bote?

AL:
Uy, gago. Hindi. Shots lang.

Tatango si Jim kay Alvin na may yabang at makikipag-apir na parang naka-jackpot.

Habang naglalakad papalayo si Alvin ay tatanungin nito si Al.

ALVIN:
Yelo?

AL:
(Tatango at sisigaw)
Sige! Salamat.

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora