SEQUENCE 16: INTERIOR. AL AND JIM'S CONDO-BED ROOM. GABI.

26 3 4
                                    

Habang naghihintay, uusigin ng konsensiya si Al sa kanyang maling gagawin. Magbabago ang isip nito sa huling minuto. Matatandaan niya ang mga segundong kasama niya ang mahal na kasintahan. Maaalala niya ang kanilang mga pinagdaanan para lang umabot sa ganitong punto sa kanilang relasyon—maaalala niya ang lahat ng tamis na nakakawala ng lahat ng pait.

Magmemessage na ito kay SmoothOnPrEP nang biglang may pumasok sa kanilang pintuan.

JIM:
Al? Are you home?

AL:
Babe? I'm here.

Sasalubungin ni Al si Jim na may isang mahigpit na yakap at halik sa bibig.

May desperasyon sa boses ni Al.

AL (CONT'D):
Namiss kita, baby.

JIM:
I missed you, too. SO MUCH.

Papasok naman sa banyo si Al para ituloy ang pag message sa kausap sa app.

WRITINGMANIAC:
Pasensya na. Wag na tayo tumuloy.

SMOOTHONPREP:
Ha?
Bakit?

WRITINGMANIAC:
Mahal ko boyfriend ko.
Galit lang ako kanina.

SMOOTHONPREP
TANG AMA KA.
Gagawin mo pa akong kabit.
Malaman sana ng jowa mo ginagawa mo.

Binlock siya ng kausap. Nakahinga ng maluwag si Al sa muntikang pag gawa ng kasalanan sa nobyo. Buburahin naman nito ang app san kanyang cellphone. At saka lalabas ng banyo.

Pagkalabas ng banyo ay hahanapin ni Al si Jim, makikita niya itong nakahiga sa kanilang kama—isang magandang tanawin na ngayon na lang ulit niya nakita. Hihiga si Al katabi ni Jim at yayakap ito mula sa likod. Hahawakan naman ni Jim ang braso ni Al.

AL:
I'm sorry.

Haharap si Jim kay Al. Yayakapin ni Jim ang kasintahan.

JIM:
Bakit? Anong ginawa mo?

Buga naman si Al dahil alam niyang maiintindihan siya ni Jim.

AL:
I almost cheated, Baby.

JIM:
What do you mean?

AL:
I was on Grindr today. Kasi akala ko wala ka nang pakialam sa akin. You weren't answering my messages and my calls.

JIM:
I know.

AL:
You knew?

JIM:
I heard sa CR yung notifications. Alam mo namang distinct ang tunog ng Grindr.

Hihimasin ni Jim ang buhok ni Al at tila sasabunutan naman niya ito ng pabiro.

JIM (CON'T):
Pero that's not my fault, Al. Don't rationalize cheating ah. Don't gaslight me. That's your choice. You're better than that. If you're sorry, just say you're sorry.

AL:
I'm sorry.

JIM:
For?

AL:
I'm sorry for almost cheating. And I'm sorry for trying to make you feel bad for me almost cheating.

Hahalikan ni Jim si Al sa labi waring pagtanggap sa paghingi ng tawad ng nobyo.

Bubulong si Al sa labi ni Jim.

AL (CONT'D):
Seven seconds.

JIM:
No, Al. You last longer than that.

At maghahalikan ang dalawa unti-unting mawawala ang kanilang mga saplot at magniniig ang dalawa na parang wala nang kasunod. Para silang mga hayop sa disyertong sabik sa tubig.

FADE TO BLACK:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon