SEQUENCE 13: INTERIOR. AL AND JIM'S CONDO-BEDROOM-GABI

26 4 1
                                    

Nakahimlay na si Jim at tulog na tulog sa kanilang kama. Makikita naman si Al sa nakaupo sa may working desk niya sa loob ng kwarto namumugto ang mga mata na nakatingin lang kay Jim, ang kanyang tahanan isang pamilyar ngunit hindi na niya makilalang character sa kanyang buhay. Matagal na nitong ramdam ang unti unting paglayo ng emosyon ni Jim sa kanya, ang daying mukha na puno ng ngiti ay wala nang paglagyan ng simangot ngayon, napansin rin nito ang pagpayat ng kasintahan. Ramdam na nito ang napipintong paglisan ng mahal.

Iinom naman ng sariling gamot si Al at saka gigisingin si Jim para uminom ng kanyang gamot.

AL:
Baby. Jim? Baby?
(Pause)
Gising ka muna po saglit. Inumin mo na muna 'tong gamot mo bago ka matulog.

Aangat naman si Jim sa pagkakahiga para uminom ng gamot.

JIM:
Wala akong lagnat, Al.
(Pause)
Wag sana maging mahina tingin mo sa akin.

AL:
Alam ko. Gusto lang kitang alagaan.

JIM:
Ako pa rin 'to.

AL:
Alam ko, Jim. Hindi naman nagiba tingin ko sa'yo e. Mas mag-iingat lang para malaman ko kung may iniinda ka. Sakit lang yan, Jim. Bakla tayo. Mas marami pa tayo haharapin magkasama.

Tatango si Jim. Naiintindihan naman nito ang gustong sabihin ni Al.

JIM:
Thank you, Al.

Tatayo si Al, hahalik sa noo ni Jim at lalabas papunta sa sala.

Umayon si Jim pero di pa rin mawawala sa isip nitong nakakabigat siya sa iba pang hinaharap ng kasintahan.

CUT TO:

Uupo si Al sa sofa sa sala halatang problemado sa bagong alam na impormasyon sa kasintahan paglalaruan naman ang nababanat na pulseras na suot.

FADE TO BLACK:

Seven (Cubao Chronicles #2)Where stories live. Discover now