Nakaupong inidoro si Jim habang sumusuka sa kanal sa di kalayuan ng ininumang bar kung saan niya iniwan si Jim na nakaupo. Halos lumabas na ang kaluluwa nito sa paglalabas ng kaniyang mga ininom na alak.
Makikita namang naglalakad papalapit si Al kay Jim na may bitbit na bote ng isang litrong tubig sa kaniyang kanang kamay. Maririnig pa rin ang papalakas na pagduwal ni Jim habang lumalapit si Al sa kinaroroonan ni Jim. Pagkalapit ay papantayan ni Al si Jim at hahawakan sa likod para hihimasin upang tulungan ito.
AL:
Morning sickness sa gabi?
(Iaabot ang bote)
Oh, tubig. Nang mahimasmasan ka.Kukunin ni Jim ang bote at mag mumumog ito gamit iyon. Pagkatapos ay iinom naman ito ng tubig. Titingin ito sa bote pagkatapos naman ay kay Al.
JIM:
Ang laki naman?AL:
(Pabiro)
Ayaw mo?JIM:
Gago.Tatayo si Al. Aabutin naman ni Jim si Al upang tulungan itong tumayo mula sa kanyang posisyon. Itatayo ni Al si Jim.
AL:
Ano? Okay ka na?JIM:
Oo. Nakasuka na ako.
(Titingin ito pabalik sa bar)
Ano ubusin na natin yung alak?Iiling si Al na may ngiti sa labi.
AL:
'Wag na. Next time na lang.
(Pause)
Alam mo kung anong masarap ngayon?JIM:
Ano?
(Pause)
SEX?AL:
(Ngingiti)
Pwede.
(Pause)
Tara?JIM:
Tara.FADE TO BLACK:
YOU ARE READING
Seven (Cubao Chronicles #2)
RomanceAN UNPRODUCED SCREENPLAY "Whatever happens, just make sure it's worth watching." Mula sa meet-cute na hindi makakalimutan hanggang sa relasyon na tila walang kapantay, samahan si Jim at Al tuklasin kung paano mo matatawag na tahanan ang alam mong ta...