SEQUENCE 14: INTERIOR. AL AND JIM'S CONDO-BEDROOM-GABI

28 4 0
                                    

Ibang araw, ibang linggo. Papasok si Al ng kuwarto mula sa sala, makikita ang tulog na si Jim. Ilang araw nang ganito si Jim, walang gana sa lahat ng bagay—ayaw kumain, ayaw kumilos, hindi makausap at waring nanghihina. Ngayon mas lalabas ang mga senyales ng kanya sakit, ngayon mahahalata ang mga sintomas nito. Biglang taas, biglang baba—yan ang pinakamadaling eksplanasyon para sa kaniyang kundisyon, susubukan pa rin namang abutin ni Al ang kanyang nobyo.

Lalapit si Al kay Jim, hihimasin hangga't sa magising ito. Nagaalalang magtatanong si Al kay Jim.

AL:
Jim? Okay ka lang ba?

JIM:
Hindi.
(Pause)
Al?
(Pause)
Okay lang bang umuwi muna ako sa amin?

Nagulat at may kurot sa puso ang sinabi ni Jim. Mapapansin ni Jim ang reaksyon ni Al at hihingi itong pasensya.

JIM (CONT'D):
Sorry.
(Pause)
Feeling ko kasi nakakabigat ako sa'yo dito. Parati lang akong nakahiga, wala akong magawa.
(Pause)
I think it's better if I let my mom take care of me muna?

Hihinga ng malalim si Al at pupunasan ang mukha na tila pagod na.

AL:
Of course.
(Pause)
I understand.

Sa hindi malaman na dahilan ay biglang pipitik si Jim. Magugulat si Al sa biglaang pagbabago ng emosyon ni Jim.

JIM:
Yan ang problema, Al. Parati mo na akong iniintindi. Magtira ka naman sa sarili mo! Hindi na kita maintindihan minsan e.

AL:
Anong hindi mo maintindihan?
(Pause)
'Yung pilit kitang iniintindi kasi mahal kita? Ha? 'Yon ba?
(Pause)
Kasi oo, Jim. Mahirap pero naiintindihan kita. Kasi nangako ako sa sarili ko na iintindihin kita kahit anong mangyari.
(Pause)
Bakit parang kasalanan ko pa ngayon?

JIM:
So, anong gusto mong sabihin?
(Pause)
Kasalanan ko? Ha? Dahil nagkaganito ako?

AL:
Don't put words into my mouth, Jim.
(Pause)
I didn't say that. And you know that's unfair.
(Pause)
Mabuti pa nga umuwi ka muna sa inyo. Para parehas tayong makapagpahinga.

Matitigilan ang dalawa. Unti-unti namang mahihimasmasan ang dalawa sa mga mabibigat na sinabi sa isa't isa.

JIM:
Sorry.

AL:
Sorry.
(Pause)
Pero I'm serious. Baka need mo rin umuwi sa parents mo. Baka namimiss mo na sila.
(Pause)
I'll be fine.

JIM:
Thank you.

Tatayo si Jim at lalabas ng kwarto. Paglalaruan ni Al ang pulseras na suot.

AL:
(Pabulong)
Worth it pa ba 'to?
(Aalog ang ulo)
Seven seconds. seven seconds.
(Tatango)
Seven seconds, oo.

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Where stories live. Discover now