SEQUENCE 21: EXTERIOR. PEDXING-MADALING ARAW

47 5 3
                                    

Nagpula na ang ilaw ng stoplight. Babalik tayo sa kung saan nagsimula. Bumilis ang oras. Huminto ang mundo. Tumahimik ang lahat sa kabila ng gulo. Nagkasya ang buong buhay ni Al sa pitong segundo. Pitong segundong punong puno ng saya at iba't iba pang memoriya ni Al at ni Jim nang magkasama.

Isang bukas na mata ang ngayon muli'y sentro ng atensyon. Walang ibang makikita kung hindi ang nag-iisang matang nakadilat, nangingilid ang luha sa ngayo'y alam nang dahilan—sa pagsuko sa itinadhana, sa panghihinayang, sa pagkamatay ng pusong kanina lang ay kabog ay walang paglagyan. Unti-unting mabubuo ang katauhan ng may-ari ng mata, makikita sa mukha nito ang gulat at mistulang pamamanhid sa sakit. Makikita rin ang buhok na hinahangin.

AL (VOICE OVER):
Pitong segundo.
(Pause)
Seven seconds.
(Pause)
Make sure it's worth watching.
(Pause)
Seven-second theory. Ito na ba 'yon?
(Pause)
Ang sabi nila sa seven-second theory, your life's best moments will flash right in front of your eyes seven seconds before you completely die.
(Pause)
Kasabay ba ng pagkawala niya ang pagkamatay ko?
(Pause)
Posible palang mamatay nang nananatiling humihinga, nananatiling tumitibok ang puso, nananatiling gising—o panaginip lang ba ang lahat ng ito? Sana.

WAKAS.

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon