SEQUENCE 10: EXTERIOR. BAR-SMOKING AREA-GABI

42 5 1
                                    

Nakaakbay si Al kay Jim at magkahawak ang kanilang mga kamay, waring isang tahanang hindi iniinda ang bagyong sumasalanta sa kanilang paligid—ang mga taong nag-iinuman sa smoking area ng bar na kung saan sila unang nagkita, nagkakilala nang lubusan. Ang lugar na ito ang Cornelia Street nilang dalawa sa isa't isa.

Makikita namang kausap nila si RON (28) isang sikat na artist online—gasulito ang height nito kung sasabihin ng mga kaibigan, cute size naman pag hindi kilala ang magsasabi.

Naninigarilyo si Ron. Aabutan natin silang tatlo sa kalagitnaan ng isang paguusap.

AL:
So, nasaan na nga?

RON:
Ang alin ba?
(Pause)
Kanina mo pa hinahanap hindi ko naman alam ano hinahanap mo.

JIM:
Oo nga naman.
(Pause)
Linawin mo kasi, Al.

AL:
Aray!

Magpapanic naman si Jim sa pag-aray ng kasama. Bibitiw ito at haharap kay Al hahanapin ang masakit.

AL (CONT'D):
ARAY!

Hahawakan ni Jim ang kamay ni Al habang hinahanap ang pinanggalingan ng aray mula ulo hanggang paa.

JIM:
Uy! Anong nangyari? Anong masakit?

Magpapaawa ang itsura ni Al kay Jim at Ron.

AL:
Aray. Al lang tawag sa akin. Tapos binitawan pa kamay ko.

Mapapagulong naman ang mga mata ni Jim at Ron sa kabaduyan ng sinabi ni Al.

RON:
POTACCA! Ang landi mo, tanga.

JIM:
Akala ko naman kung ano na nangyari.
(Pause)
Ano ba tawag ko sa'yo?
(Mandidiri)
Babe? Baby? Kadiri ah?

AL:
Diba ganon tinatawag mo sa akin pag...

JIM:
(Pabanta)
Al...

AL:
(Pa-cute)
Sorry.

RON:
Akala ko si Jim bata dito sa atin. Tang ama! Si Al pala! Hayok ang gago.

Matatawa na lamang ang tatlo at ibabalik ni Jim ang pagkakaakbay ni Al sa kanya at muling hahawakan ang kamay ni Al.

RON (CONT'D):
Ang landi ninyo! Respeto naman sa single.

Lalo namang naglilingkisan si Jim at Al na tila iniinggit ang kausap.

Hahalik si Al sa pisngi ni Jim at tatagal itong parang sinisinghot ang amoy ni Jim.

AL:
(Pabulong kay Jim)
Seven seconds.

Iiling na may kasamang ngiti si Jim.

JIM:
Manigas ka.
(Bebelat kay Ron)

RON
Hayop yan. Parehong bata pala 'to. Parehong hayok.
(Pause)
So ano nang picture hinahanap mo, Al?

Nakadikit pa rin sa pisngi ni Jim ang mukha ni Al na sasagot ito kay Ron.

AL:
'Yong halloween picture nating tatlo.
(Pause)
'Yong nagpapicture ka sa aming dalawa?

RON:
Pota! 'Yon lang pala. Pwede namang i-messenger na lang. Kailangan talaga sa personal pa?

AL:
Para rin mapakilala ko na sa'yo 'tong si Jim.

RON:
Gago ka ba? Mas una ko pang naging kaibigan yan kesa maging kayo?

JIM:
(Gulat)
Kami ba?
(Haharap kay Al, pa-cute)
Tayo na ba?

Tatango na parang tuta sa taxi si Al.

AL:
Oo 'no?

Mapapangisi si Jim sa pagtango na sa sagot ni Al sa tanong nito.

JIM:
O. Ayan. Kami na ah?
(Pause)
Kaya pahingi na kami nung picture.
(Pause)
Tatanggalin ka namin.
(Belat)

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon