SEQUENCE 19: INTERIOR. BAR-HATINGGABI

32 5 4
                                    

Parang mga teenagers na nagsasayaw sila Jim at Al sa dancefloor ng bar kung saan sila nagkakilala, hindi magkarinigan ang mga tao sa paligid nila at mistulang mga holen na nagkikiskisan sa loob ng bulsa ang mga ito sa sikip ng lugar.

Makikita ni Jim si Ron na may dalang alak galing sa bar counter at hihilahin ito papaloob ng dancefloor para magsayaw silang tatlo.

Pasigaw na maguusap ang mga ito.

RON:
Mga bakla! Namiss ko kayo! Wala kayong paramdam ah?

AL:
Puta. Ano? Di kita maintindihan.

Sesenyas si Ron papalabas para makapagusap silang tatlo ng maayos. Susunod si Jim at Al papunta sa smoking area.

Pagkalapag nila ng alak at pagkasindi ng sigarilyo ay magsasalita na ulit si Ron.

RON:
Sabi ko, long time no see! Ang tagal ninyong walang paramdam.

Magkakatinginan lang si Al at Jim ba tila may hiyang itinatago.

RON(CONT'D):
Uy. Trouble in paradise.
(Pause)
Spill.

JIM:
T-R-O-U—

RON:
GAGA! Ano nga?

AL:
(Pabiro)
Wala.

May bebeso naman kay Ron at magpapaalam ito sa mag jowa.

RON:
Sige sabi mo e.
(Pause)
Uy teka lang ah. Karat ko 'to.

JIM:
YAAAAAS. Get it.

Magsisimula namang bumaba ang energy ni Al at Jim at doon sila magsisimulang magmasid sa paligid. Pinapanood nila na may komportableng katahimikan  sa pagitan nilang dalawa ang pagnipis ng mga tao sa bar. Nangingiti ang mga ito sa mga lasing na magkakaibigan na nagsasampalan sa kanilang harapan. Magrereact sila na parang sila ang nasaktan at magkakatinginan.

AL:
Naalala mo three years ago?

JIM:
Of course.

Uunti na ang mga tao, uupo si Jim at Al sa kung saan sila unang nag-inuman ng bote ng tequila.

Tatawag sila ng waiter at oorder ng isang bote ng tequila. Parang nung araw nung nagkakilala sila. Isang tradition.

AL:
Isang bote, cuervo.
(Pause)
Tapos dalawang shot glass. Salamat.

JIM:
Extra lemon, please.
(Titingin kay Al)
Akala ko ba konting inom lang? Bat ka umorder ng tequila?

AL:
Tradition. Mahirap na i-break.

JIM:
Namiss mo 'no? Hindi na kasi tayo lumalabas e.
(Pause)
Wala nagka sariling mundo na kasi tayo.

Bigla namang mapapaisip si Jim ng isang tanong na babagabag sa kanyang isip.

JIM (CONT'D):
Al? May tanong ako.

AL:
Ano 'yon?

JIM:
When was the last time you went out with friends without me?

Matatahimik si Al dahil hindi niya alam kung ano ang sagot, at ramdam niya rin kung saan papunta ang usapan na 'to.

Gustong magsinungaling ni Al ngunit pareho sila ng mga kaibigan ni Jim at hindi ito matatakpan ng isang kasinungalingan.

AL:
Hindi ko alam. Importante pa ba 'yon?

Darating ang order nilang bote ng tequila. Bubuksan ito ni Al at magtatagay sa tig-isang baso. Iinom ang dalawa.

AL AND JIM:
CHEERS.

JIM:
Ano 'yon ulit?

AL:
Ang sabi ko, importante pa ba 'yon?

JIM:
Ah.
(Magsasalin ulit)
Oo naman.

Ibibigay kay Al ang isang baso at iinom ulit silang dalawa.

AL:
(Nakangiwi)
Bakit?

JIM:
Siyempre.
(Sisipsip ng lemon)
Kilala mo pa ba sarili mo kung wala ako?

AL:
Hindi ko alam, hindi ko naman iniisip kung ano ako kung wala ka.
(Pause)
Bakit?

JIM:
Ayan tayo e.
(Pause)
Nakakampante.
(Pause)
'Wag ganon.

AL:
Lasing ka na ata 'e?

Iiling si Jim. Kakabahan na naman si Al.

JIM:
Hindi no. Alam ko pa nangyayari.

AL:
Sige. Ilan 'to?

Magtataas si Al ng dalawang daliri sa harapan ng mukha ni Jim, masyadong malapit sa mukha. At isa naman sa kanyang likod.

JIM:
Gago ne'to.
(Pause)
Pasok mo na lang kaya sa mata ko.
(Sisilip)
Patingin nung nasa likod mo!

AL:
Hindi pa nga siya lasing.

JIM:
May tama lang.

AL:
Ikaw ba?

JIM:
Huh?

AL:
Ikaw ba? Kilala mo pa ba sarili mo?

JIM:
Parang...hindi na.
(Shot)
Parang hindi ko na kilala sarili ko sa labas ng relasyon natin.
(Pause)
Narealize ko lang siya nung tumira ulit ako sa bahay nila Mommy.
(Pause)
Sino na ba ako? Hindi ko na alam.

AL:
Bat di mo sinasabi sa akin?

JIM:
Tapos ano? Pag-aawayan natin?
(Pause)
'Wag na m, uy.
(Pause)
Pagod na ako makipagaway.

AL:
Sinasabi mo diyan.
(Pause)
Lasing ka na nga.

JIM:
Tapos sabay pa tayo minsan nag bebreakdown.
(Pause)
Alam mo minsan, nagi-guilty na akong malungkot kasi malungkot ka na nga, sasabay pa ba ako?

Iiling na lamang si Al sa mga sinasabi ni Jim. Oorder ito ng tubig at ipapa bottle keep ang tequilang natira.

AL:
Water nga? Tapos bill out na. Pa-tago na lang 'tong bote, balikan ko na lang.
(Sasabihan si Jim)
Magpahulas ka na lang ah? Tama na.

JIM:
(Tatango)
Sorry.
(Pause)
I'm really sorry, Al.

FADE TO BLACK:

Seven (Cubao Chronicles #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن