SEQUENCE 9: INTERIOR. AL'S CONDO-BEDROOM-HAPON

52 5 8
                                    

Magka-cuddle si Jim at Al habang na nanonood ng isang dialogue-driven na pelikula. Hinihimas-himas naman ni Jim ang mga balahibo likod ng kamay ni Al, paglalaruan din ni Jim ang pulseras ni Al, mawawala naman ito sa loob ng sariling pag-iisip dahil sa pagalala ng kaniyang gabi sa bar at kung paano niya nakausap ang matagal na niyang pinagmamasdan sa malayo. Bigla naman 'tong tahimik na mapapakanta ng Jack and Jill, isang kantang ngayo'y malaki na ang ibig sabihin sa kaniya— sa kanila.

Mapupukaw naman ang atensiyon ni Al ng palihim na pagkanta ni Jim.

AL:
Jim,

Hahalikan nito ang ulo ni Jim na may kasamang pag-amoy.

AL (CONT'D):
Naalala mo pa ba kung paano tayo unang nagkakilala?

Titingala si Jim kay Al na may gulat na pagtataka.

JIM:
Oo naman.
(Pause)
Paano ko makakalimutan eh kagabi lang 'yon?

AL:
Hindi. May nauna pa.

Pipiliting alalahanin ni Jim ang sinasabi ni Al ngunit hindi niya ito matatandaan.

JIM:
Huh?

AL:
Oo. Matagal ko nang alam pangalan mo. Kasi unang beses natin nagkita, nagpakilala ka na agad sa akin. Lasing na lasing ka pa non.

Paglalaruan ni Al ang buhok ni Jim at patuloy naman si Jim sa paghimas sa braso at paglalaro sa pulseras ni Al.

AL (CONT'D):
Tapos tuwing magkikita tayo tuwing weekend, hinihintay kong lumapit ka ulit sa akin. Hinihintay kong makilala mo ulit ako. Hinihintay kong batiin mo ulit ako. Pero never mo nang ginawa. Hindi mo na naalala yung gabi.

Hahalik ulit si Al sa tuktok ng ulo ni Jim. Ramdam naman ni Jim ang panghihinayang sa mga oras na nawala, sa mga oras na sana'y mas matagal na silang tunay na magkakilala

JIM:
Sorry.

AL:
Not your fault.

JIM:
Thank you.

Aayos naman ng upo si Jim at marahang papantay sa posisyon ni Al.

JIM (CONT'D):
Ito.
(Pause)
Naalala mo pa ba 'yung Halloween party na we dressed up somewhat as a couple without us even talking?

AL:
Alin 'to?

JIM:
This is kind of a dark connection, pero you dressed up as the priest from Fleabag but not everyone knows that show, then I came as a student from Battle Royale minus the collar.

Titingin si Jim at Al sa isa't isa. Nagsisimulang maintindihan ni Al ang gusto iparating ni Jim. Sasandal ulit si Jim kay Al.

JIM (CONT'D):
Parehas nilang hindi alam kung sino tayo so inisip na lang nila na ikaw ay isang paring mapangabuso at ako ang estudyanteng... you know.

Magugulat si Al sa sinasabi ni Jim.

AL:
Sino nag-isip non?

Mapapaupo ulit ng diretso si Jim sa gana niyang magkwento.

JIM:
Marami!
(Pause)
Diba nga nagpapicture pa sa atin si Ron?

AL:
Hindi ba nagpapicture siya sa atin kasi parehas tayong matangkad tapos siya hanggang balikat lang natin parehas?
(Pause)
Naka Peter Pan pa siya n'on.

Mapapaisip si Jim. Darating siya sa puntong mapapagtanto niyang mas alam pala ni Al ang kwento nilang dalawa.

JIM:
Ang galing naman ng memory mo?

AL:
Kasi nga... seven seconds.
(Pause)
Hindi natin alam mga mangyayari.
(Pause)
Basta.
(Pause)
Whatever happens, just make sure it's worth watching.

Itutuloy ni Jim at Al ang pagyayakapan sa kama.

FADE TO BLACK:

JIM:
Ayan na naman tayo e.
(Pause)
Hindi ko na itatanong. Ikwento mo na lang kung kailan mo gustong ikwento.

AL:
Uuwi ka ba talaga ngayon?

JIM:
Nakauwi na.

CUT TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon