SEQUENCE 17: INTERIOR. AL AND JIM'S CONDO-LIVING ROOM-UMAGA

25 4 1
                                    

Panibagong araw, panibagong simula. Pagkatapos pagusapan ang muntikang pagkalimot sa ipinangako ay bakas pa rin ang konsensiya sa mukha ni Al. Kita ang pagaalala sa mukha at kilos nito. Makikita si Al na nakaupo sa kanilang sofa habang pinaglalaruan ang suot na lasteng pulseras, ito ang kanyang gamit upang makalimutan pananandalian ang pag gusto nitong saktan ang sarili, makikitang namumula na ang brasong may suot ng bracelet, mawawala sa ulirat si Al sa kakaisip ng kamuntikang pangangaliwa. Lalabas naman ng kwarto si Jim, makikita ang ginagawa ni Al at dali-dali itong tatabi sa nobyo.

May pangamba at pagmamadali sa kanyang boses.

JIM:
Al? What's wrong?

Mapuputol naman ang iniisip ni Al dahil sa boses ni Jim. Ngunit tuloy lamang ito paglalaro ng pulseras. Dali-dali namang kukuha ng yelo si Jim sa kanilang refrigerator at ididikit ito sa namumulang braso ni Al na may bakas ng mga gumaling na sugat. Uulitin naman ni Jim ang tanong kay Al.

JIM (CONT'D):
Al, what's wrong?

Iiling si Al na mistulang sinasarado ang pintuan kung saan papasok si Jim, para namang haharangan ng paa ni Jim ang pintuang pilit isinasara ni Al.

JIM (CONT'D):
You can talk to me, Al.

Mistula namang babalik sa pagkabata ang tono ni Al at may mamumuong luha sa kanyang mga mata.

AL:
I'm sorry.

Kita ang pagaalala sa mukha ni Jim.

JIM:
For what?

AL:
Sa nagawa ko.
(Pause)
Sa mga nasabi ko kahapon.

JIM:
Al, we've talked about this. I am not angry.
(Pause)
I've forgiven you already. You have to forgive yourself, too. Hindi na ako galit, okay?

DISSOLVE TO:

Seven (Cubao Chronicles #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon