continuation

4.7K 138 2
                                    

BRIAR'S POV

Oh hell.

What have i done!?

No, no, no, no! Bakit ako nandito!?Paano ako napadpad sa lugar at part ng mansyon na ito!? Anak ng tinaplang naman! Ang tanga ko talaga! How come I didn't notice na andito na ako!?

Shit. I'm so dead. As is dead meat!

"Kalma, kalma Briar. As if he would know. He isn't here. Death is not here. He wouldn't know na napunta ka sa part ng masyon na ito dahil sa katangahan mo. Relax, take a deep breath and leave immediately. Pretend that you never been here. Yes, that's right" Pag papakalma ko sa sarili ko while giving some instructions too. Makalipas ang ilang sandali ay medyo kumalma na ako.

Tuluyan na naman akong nag karoon ng lakas ng loob kaya dahan dahan akong tumalikod at sinimulang mag lakad palayo sa lugar ng masyon na iyun. Malapit na ako makalabas sa hallway nayun ng maramdaman kong parang may nanunuod sa akin from above me, kaya automatic na napatingala ako dun.

But I really wish na sana ay hindi ko nalang iyun ginawa. I went pale. Sumalubong duon sa akin ang isang maliit na cctv camera. Kung nakakakaway ito sa akin ay malamang na kanina pa yun kumakaway sa akin.

Shit. They will know na nag punta ako dito. Dapat ay maunahan ko sila at mabura ang record ng cctv'ng ito. For now ay need ko na talaga umalis. Hindi naman agad agad nila machecheck yung cctv cam dahil wala naman sila Death dito. Sure akong matatagalan pa bago nila ako mabuking kung di ko man mabubura ang record ng cctv'ng asa harap ko.

Yes, yes, that's right. Sa ngayun ay may mas malaki pa akong problema na dapat harapin at unahin. At iyun ay ang kaligtasan ng bubay ko! Saka nayang rules rules ni Death nayan. Baka sya patayin ko pag namatay ako!

Sa ganuong kaisipan ay tuluyan ko nang tinalikuran yung cctv camera. Kahit pa ata medyo kabado parin ako sa part na baka malintikan ako kay Death pag nalaman nya na nag punta ako sa part ng Mansyon na ito. Nag simula na ulit akong mag lakad paalis pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa lugar, nang may isang pinto na nakaagaw ng atensyon ko.

Nakapaloob parin ang kakaibang pinto na iyun dito sa left part ng Mansyon, and I supposed not to be here. Pero pinapangunahan na ako ng pag ka curious ko kaya saglit kong nalimutan ang maaring parusa na ibigay sa akin ni Death ng mga oras na yun.

The door was different from most of the doors na naandito. Mula sa kinakatayuan ko ay may tatlong pinto muna akong kailangan lagpasan para marating iyun. Kulay pula ang pintong iyun. Naiiba sa lahat ng mga black doors na narito. Sa tingkad ng pag kapula nito ay tila naging parang kulay apoy iyun sa dilim.

Nang tuluyan na akong nakalapit sa pulang pinto na iyun ay dun ko lang napansin na talagang apakaganda ng pinto. Nakatatak sa pintong iyun ang iisang simbolong nakita ko ring nakatatak sa mga gamit na nakuha ko sa room ni Death. Ang rosas na niyayapos ng dragon.

That symbol was curved perfectly and elegantly on the door's surface using a gold template of metals. Too detailed not to be amazed of. Hindi parin ako nag sasawang mamangha sa simbolo na ito. The dragon was obviously trying to break the rose down, but the rose remain standing because her sharp thorns are protecting her.

Talagang apakaganda ng pintong ito sa paningin ko. Alam ko ring may malalim na meaning ang simbolo na ito pero hindi ko parin iyun malinaw na masabi kung ano. Naku-curious na lalo ako sa pintong ito. Ibang iba talaga eh. Tuloy at may nag tutulak na sa akin na buksan ang pintong ito at tingnan kung ano ang asa loob nya.

Sinipat ko pang mabuti ang kabuuan ng pinto at wala naman itong kahit na anong padlock and so. And like normal doors ay meron itong doorknob. I mean yes, all doors have doornobs, pero alam nyo naman sa mansyon nato ay puro di scan na ang lahat ng pinto. Kung hindi naman di scan ay with some ID cards ang need.

MBS1 : My Patient is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon