continuation

4.7K 125 0
                                    

BRIAR'S POV

Tulala akong nakatitig sa kawalan habang andito sa room ko. Parang hindi parin kase nag se-sink sa utak ko kung ano ang mga nangyari kahapon. Naiistress na talaga ako about dun. Ni hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi for I'm still bothered.Hindi na nga ako mag tataka pag nag hello na sa akin ang mga eye bags ko pag humarap ako sa salamin.

I sighed.

I'm probably just thinking too much. Siguro mag libang libang nalang ako mamaya para naman hindi ako maubusan ng bait dito sa room ko. Parang gusto ko lang na mag relax beside the pool and chill. I'm so stress that I badly need one.

Kailangan kong makapag isip ng maayos. That means na walang distraction and such. Masyado na akong naso-suffocate at kailangan kong huminga hinga. I just really hope na hindi ko makikita o masasalubong si Death pag lumabas ako ng room ko na to. Baka lalo lang uminit ang ulo ko pag nakita ko sya.

Alam kong malaki ang mansyon na to. Pero i still have this feeling na kahit kailan ay hindi ko sya maiiwasan ng matagal. Na magkikita at magkikita parin talaga kami sa huli. It was like this kind of cliched in the story, kaya medyo nakakainis. Kung sino pa kase yung ayaw kong makita ay sya pa yung agad na bumubungad sa akin.

Destiny!

Whatever. Destiny his face! Ako ang gagawa ng sarili kong destiny. And I won't allow him to just control me and so my life. Pag nag kamali talaga sya ay makakatikim sya sa akin ng isang masakit na uppercut. Tsk! Tsk!

Mabilis akong napaharap sa pintuan ng room ko ng may kumatok duon. Ilang sigundo pa naman muna akong tumitig dun kase pinapag isipan ko pa kung pagbubuksan ko ba ang taong asa labas.

What if kung si Death yun? He can be a little annoying sometimes...

Tsk! Asa ka naman! Mag kagalit kayo diba? Masyado kang paranoid. At ano naman kung sya nga yun? Edi ngitian mo. Batiin mo ng good morning! Wag mong ipakitang mahina at maaapektuhan ka nya ng bongga dahil lang sa kanya. And as you said, bigyan mo ng uppercut pag nagkamali ang damuho!

Napairap ako sa ere. Ayan na naman ang panenermon ni inner self. Ang haba ng speech. Pwede nang maging presedente ng PILIPINAS -,-" though she have a point. But heck no! That's easier said than done!

Nag buntong hininga ako ng malalim. After that ay marahan na akong bumangon sa kama ko at lumapit dun sa pinto. Dahan dahan ko iyung binuksan at niluwa nun si Mathew.

Ok..? Hindi ko inaasahan na sya ang pupunta sa room ko ng ganito ka aga... May nangyari kaya?

"Good morning" Nakangiting bati nito sa akin. Pilit ko lang naman syang binigyan ng isang alanganing ngiti, at saglit na inayos ang buhok ko. Alam kong parang mang kukulam pa ang itsura ko. Nakakahiya sa kagwapohan nya.

"A-ahm... morning. Anong ginawa mo dito? M-may nangyari ba? " Tanong ko sa kanya, a little bit nervous sa kung anong isasagot nya. Medyo binuksan ko narin yung pinto. Naka silip lang kase ako dun. Ang rude naman pag nakaganun ako habang nag uusap kami.

I mean wala naman talaga akong sama ng loob sa kanya. Talagang nadadamay lang sya sa inis ko kay Death kahapon. I'm actually thankful dahil kinukontra nya ang mga decision ni Death just for me.

MBS1 : My Patient is a Mafia BossWhere stories live. Discover now