continuation

11.3K 251 2
                                    

BRIAR'S POV

"Doc bri?" Katok ng kung sino sa labas.

"Yes come in" Marahang sagot ko duon. Niluwa naman niyun ang isa sa mga nurse na inutusan kong ipa-background check yung lalaki na nakita namin kahapon.

"Mae ikaw pala. Anong news?" Tanong ko sa kanya. May inabot itong ifolder sa akin kaya agad ko iyung binuksan.

Maliban sa blood type ng lalaki na AB ay wala nang nakalagay na kahit anong info sa file, kaya nag tataka akong tumingin sa kay Mae.

"We couldn't search about him Doc bri. Probably because his not from the country. Wala ding nag match na name at face pictures nya sa lahat airport dito sa atin" Mahabang pahayag nito Tumango nalang ako dun kahit na medyo na guguluhan din.

"O-ok if that's the case. Thank you, you can leave now" I responded softly, Marahan naman itong tumango at lumabas na.

Napa sandal ako sa swevil chair ko at tiningnan ulit ang folder na nasa kamay ko habang nag iisip kong anong pwedeng gawin dito. Well of course, We need to at least contact the relative of the patient. Malay mo may nag hahanap na sa kanya and so. He can't stay like this forever because he also have bills. Nakahold panga lang dito sa hospital kase wala pa syang kahit na kamag anak manlang.

And yes, The operation is successful as always. Thankfully my stock kami ng blood type nya kaya di kami nahirapan. Kung wala kaming stock ng blood type nya ay probably na his in the morgue right now.

Well again, that's the truth you can't blame me for my words. Doctors need to be open minded and practical so we won't be affected in any loses. We always need to accept reality even though it's hard. That's our job after all.

Ibinaba ko yung folder na hawak ko at nilapitan yung lalaki. Hindi pa normal ang lagay nya so he need to be monitored. At dahil ako ang nag lead ng operation nya ay kargo ko sya. Under sya ng pangangalaga ko.

Chineck ko ang swero nya at medyo inadjust iyun. Mag iisang araw palang sya dito but I can see kung paano sya manghina. Napakaputla kase nito dahil sa dugong nawala sa kanya. It will take almost 48 hours or less for the blood na sinalin sa kanya to properly adjust in his body. So the only thing I could do now is wait for improvement.

After kong macheck ang swero nya ay kumuha ako ng mga liquid vitamins sa closet ko para pang support sa kalusugan nya. Pagkatapos nuon ay medyo dinampian ko ng basang tawel ang labi nya para hindi iyun mag dry. Napatigil lang naman ako ng may kumatok sa pinto.

"Yes? Come in" Sabi ko, Agad namang pumasok at si Mae duon.

"Ano daw?" Pag tatanong ko.

"Pinapatawag po kayo ni Doc Zack sa office nya" She answered

"Bakit daw?" Tanong ko pa. Umiling lang naman ito kaya wala akong nagawa kundi ang magbuntong hininga.

"Ok I'll be there. Paki monitor sya, then report back to me later" Bilin ko kay Mae na ikinatango nya lang. Kinuha ko naman yung coat ko bago lumabas gg office ko at nag straight ahead papunta sa office ni Doc Zack.

Nang asa tapat na ako ng pinto ng office ni Doc Zack ay nag buntong hininga ulit ako, Astang bubuksan ko nayun ng biglang bumukas iyun ng kusa at niluwa si Claire. Base sa itsura nito ay halatang asa bad mood ang bruha.

Well, who cares. Not my business.

"What are you looking at?!" Mataray na tanong nito kaya umiling iling nalang ako dun.

"Tsk! Don't flirt with him Briar! I'm telling you!" Inis na banta nito sa akin at nag walk out. Sinundad lang naman sya ng aking mga mata hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

MBS1 : My Patient is a Mafia BossWhere stories live. Discover now