Chapter 18

450 24 0
                                    

"Attention to all students, proceed to training room now, again all students proceed to training room now" Napadilat ako nang marinig ang sinabi ng nasa speaker.

'What is it this time? tsk.. I don't care anyway'

Pinikit ko na lang ang aking mga mata at ipagpapatuloy na sana ang aking tulog nang marinig ko na ang boses niya sa ibaba ng punong kinahihigaan  ko.

"'Di ka ba pupunta?" Tanong nito. I mentally rolled my eyes.

"Leave me alone" I said.

"Wala ka bang balak alamin kung ano ang mangyayari sa training room?" 'Di ko sinagot ang tanong nito.

"Hanggang ngayon parin ba iniisip mo parin si Celigh?" Napapikit ako ng mariin nang marinig ulit ang pangalan niya.

"Stop it" pigil ko sa maari pang sabihin ni Kian.

"Hindi sila magkapareho ni Saveena, Lian" pagpapatuloy nito na tuluyan ko ng kinababa at tumingin ng masama sa kaniya.

"Una sa lahat, 'wag mo 'kong pakialaman. Pangalawa, palalagpasin kita sa ngayon, pero 'wag na 'wag mo ng babanggitin ang pangalan na 'yan, kung ayaw mong makalimutan ko kung ano man ang mga pinagsamahan natin" Banta ko sa kaniya.

Nakita kong dumaan ang lungkot sa maitim nitong mata.

Nilagpasan ko siya at aalis na sana nang may makalimutan pa 'kong sabihin.

"Matagal na siyang wala Kian, at lahat ng meron sa kaniya matagal ko ng binaon sa limot" Magalalakad na sana ako paalis ng marinig ko ang sabi nito.

"Kasalukuyang ipinatawag ang lahat ng estudyante para saksihan ang parusa para kay Saveena, dahil sa paglabag nito sa batas ng eskwelahan"

'Ayokong itanong ito pero..'

"Anong parusa" I said.

"Carter's dogs"

Nang marinig ko ang sinabi nito ay agad akong tumakbo papuntang training room.

Nang makarating sa training room ay kita sa glass wall ang nakatayong si Saveena.

Maraming lumabag sa batas, ngunit wala pa sa kanila ang napatawan ng ganitong parusa.

Nasa harap niya ngayon ang naglalaway na mga aso ni Carter.

Glass box ang tawag sa kung saan ngayon nakakulong si Saveena. Siya ang kauna unahang tao ang napatawan ng parusang ito.

'Di ko naman alam kung ano ang batas ang nilabag niya.

Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito.

"Bakit daw siya paparusahan?" Rinig kong kwentuhan ng nasa tabi ko.

"Lumabag sa rule"

"What rule?"

"Nagtangka siyang tumakas sa Campus. Ang sabi personal na pinataw sa kaniya ang parusa dahil si King Carter mismo ang nakahuli sa kanya" napasinghap naman ang kausap nitong babae.

Nangunot ang noo ko sa mga sinabi nila. Kalaunan ay napangisi.

'Stupid Saveena, lalabag na nga lang 'di pa marunong mag ingat'

I pitied her, pero hindi pa ito ang oras para mamatay siya. Gusto kong ako mismo ang papatay sa mga katulad niyang traydor. I don't know her but I feel trouble whenever I'm thinking that she's here. Iniisip ko lang kung ano ang makakabuti sa eskwelahang ito. This is my home, our home na minsan narin niyang sinira. Hanggang ngayon ay nagdudusa parin kami. I treated her as my friend, my sister. But not anymore, she's more than my enemy now.

Carter is stupid enough para 'di patayin ang babaeng 'yon. I don't know what's up with him bakit pa niya 'di tinapos si Saveena. Love is powerful na kaya mong pumatay. I know Carter loved Celigh, ngunit alam kong 'di sapat na dahilan iyon para 'di siya makaramdam ng galit. I know Carter, he's up to something as of that Saveena. But the question is. What are they planning?

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now