Chapter 46

363 21 0
                                    

Pagkalabas ko ng classroom ay muntik nakong magulat ng maabutan sa labas si Calyyn. Pinauna ko ng lumabas ang mga estudyante at nagpahuli dahil ayaw kong makipagsiksikan sa kanila. Wala rin ngayon dito si Carter. Diko naman alam kung nasaan ba yung boyfriend ko na yon. Boyfriend, sounds great.

"Hey." Pansin ko sa kanya. Nakadungaw lang ito sa kanyang paa. Ng iangat nito ang kanyang tingin ay agad sumilay ang matamis nitong ngiti. Ngayon lang ulit kami nagkita. We are in the same school but this past few days, we rarely see each other.

"Halika na, sabay na tayo mag lunch." The side of my lips rose. Dahilan lang ang kailangan ko malaman. Hindi ko alam kung bakit nakikialam pako sa nangyari noon sa eskwelahang ito. Maybe because I found my home? Kahit na hindi ganon kabuti ang trato ng mga estudyante, I found home on this place. I found him.

Sabay kaming naglalakad papunta sa cafeteria. Agad kumunot ang aking noo dahil sa ingay na naririnig galing doon. Binilisan namin ang paglalakad.

Napatigil ako ng makita ang nangyayari sa cafeteria. Kala ko'y di na sya magpapakita pa. Imbis na ituon ang tingin sa kaguluhang pinangungunaan ni Celigh ay binaling ko ang tingin sa kasama ko. Nakangisi lang ito ngunit walang pinapakitang emosyon sa kanyang mga mata.

"Calyyn." Napatingin ulit ako sa harap. Pabagsak na binitawan ni Celigh ang hawak nito sa kwelyo ng lalaki. Pitong lalaki at isang babae ngayon ang walang malay na nakahandusay sa sahig ng cafeteria.

Unti unting lumapit sa aming pwesto si Celigh. Niyakap nito si Calyyn na di naman ginantihan ng huli.

"It's nice to see you again old friend." Nakangiting turan nito saka binaling sakin ang tingin.

"Oh, Alexander's girl. Celigh Grey, Alexander's ex." Nilahad pa nito ang kamay sakin na tiningnan ko lang.

"I don't make friends with my boyfriend's ex." Ngumisi lang ito at binawi ang kamay. I smirked back. Diko pa nakakalimutan yung panghalik nya sa boyfriend ko.

Natuon ang atensyon ko sa babaeng nasa likod ni Celigh. Nakatitig lang sya kay Celigh at nakikita ko ang galit at poot sa kanyang mukha. Nagsalubong ang aking kilay ng makita ko ang isa pang emosyon sa kanya. Sa mga mata nito. I saw relief on her eyes. Lian.

"I'm not making friend Saveena, I'm declaring war."

~~~

Napabalikwas ako sa pagkakaupo ng mag ring ang phone ko. Huminga ako ng malalim bago sagutin ang tawag. Nasa dorm ako, I know that he'll call pero di pa ako handa.

"Hello Papa." I greeted him.

"How's your mission Sav. I hope you'll say good news. Ang bagal mo magtrabaho. You're not like that." Walang pangangamusta man lang na naganap.

"Wala pang proseso Papa." Mabuti at di ako nautal. I can't say him the truth.

"You're useless, papatulungin ko si Alvin dyan. He can handle everything better." Useless. Pagak akong napangiti.

"Yes Papa." Pagkababa ko ng tawag ay agad naglandas ang patak ng luha sa aking mga mata. Diko alam na umiiyak na pala ako.

I can't lose Carter, but I can't betray Papa either. Napasabunot ako sa aking buhok. Napakakumplikado na ng lahat. First is Papa, then the Marriage with Scott, Lian, Calyyn, Celigh, and my feelings about Carter. Hindi ko alam kung pano pa ko mag iisip ng plano.

Agad kong tinawagan ang numero nya. I just need someone to talk to my problems now. It's pass 12 in the midnight but I know she's still wide awake. Nakakadalawang ring bago nya sagutin ang tawag.

"Taena naman Savovo, kung kailan R18 binabasa ko, panira ka talaga." Paghihisterikal nito. Napangiti naman ako ng marinig ang boses nya. Ipinahinga ko ang aking ulo sa headrest ng upuan. I feel so tired.

"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko Ziah, gulong gulo nako kung pano ko pa bubuhatin lahat nito. I feel like everyone around me are keeping a secret, lihim na nararamdaman kong may koneksyon sakin." Mahaba kong sumbong dito. Even Carter.

Nakarinig naman ako ng kaluskos mula sa kabilang linya. Mukhang umupo sya. Sandaling natahimik ito saka nagsalita.

"You know why our heart is on the left side of our chest? Because heart is not always right. Wala ako sa posisyon para sabihin ito Sav, but heart is leading us to our happiness. Kahit hindi tama kung alam mong dun ka sasaya, piliin mo parin ang puso mo. You're so independent, lahat ng desisyon mo sa tatay mo ikaw nakabase. Kulang na lang itanong mo pa sa tatay mo kung pwede ka bang huminga. Sa laki ng mundo, isa lang ang pinahiram ng diyos sa atin. And that is life. Meron syang sariling buhay ganon din ikaw. We live everyday and die once. Kaya hanggat buhay ka, sundin mo naman ang puso mo. Kung saan alam mong sasaya ka then go for it. Kaya kang pigilan ng tatay mo kung pipigilan mo rin sarili mo dahil sinabi ng ama mo." Mahabang payo nito. I smiled.

"I miss you Ziah." Hindi ko alam kung pano ko sya naging kaibigan. Yes, she's my best friend. Nagkakilala kami nung minsang tumambay ako sa isang park. Nagmumuni muni ako dahil di ako dalawin ng antok. Akala ko ay ako lang ang tao doon dahil madaling araw na. Narinig ko ang singhot nito at humahagulgol pa.

Akala ko ay multo pero nakita ko sya sa swing doon. Umiiyak. Nilapitan ko sya at tinanong kung bat sya nandoon at umiiyak. Hawak nya ang phone at may binabasa doon. Then she answered.

"Eh kasi naman tangina nitong author nato, pasalamat talaga sya at idol ko sya kahit mapanakit. Pinatay ba naman magulang nung bida tos pati lalaking mahal nya."

Diko gets ang mga pinagsasasabi nya noon kaya inexplain pa nya kung ano ba yon. At nalaman kong isa itong app, you can read a story. They named it wattpad app. At umiiyak sya dahil don. Great.

Tinanong ko sya kung bat sya nandoon ng ganong oras. Tumingin lang sya sa paligid saka sa phone nya. She said na tumatambay lang sya doon dahil nag cutting sya ng klase. Maganda raw kasi ang scene na binabasa nya kaya nag cutting sya para lang don. Di na nya namalayang hating gabi na.

At simula non, naging magkaibigan na kami.

"Hoy Savovo humihinga ka pa ba dyan?" Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses nito. Kahit konti ay nabawasan ang stress ko.

"Yes." Tugon ko dito.

"Kala ko patay kana, dapat sa burol mo may pa milk tea para ganahan naman akong umattend, tos dapat di mawawala yung prutas, burger pati fries." Natawa naman ako sa sinabi nya. Namayani ang katahimikan sa paligid namin.

"Itulog mo na lang muna yan Sav, sakali mo na lang isipin pag nandon kana sa ganap na yon. Don kana man magaling kaya gamitin mo talent mo." Seryoso nitong sabi.

"I miss you dude." I really miss my best friend.

"I love you too bro, good night." Saka na nyako binabaan ng tawag. Sa sobrang pagod ay diko narin namalayang nakatulog nako sa couch.

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now