Chapter 19

441 25 0
                                    

Zach's POV

Nang pakawalaan ang mga aso ni Carter ay agad nitong sinugod si
Saveena.

Nasa ibang bahagi kami ng silid na ito. Nakikita namin ang lahat ng estudyante. Ang iba sa kanila ay nakangiwi pero karamihan ay nakangisi at mukhang nagugustuhan ang nangyayari gaya na lang ni Lian.

Napaatras naman si Saveena ng palibutan siya ng mga wolf-like-dog ni Carter.

"Carter, masiyadong delikado para sa kaniya ang parusa mo. Mga estudyante nga rito 'di niya kayang labanan 'yan pa kaya?" 'Di na nakaya pa ni Cyrus at nagsalita na ito.

"If she dies, then she dies" simpleng sabi ni Carter. Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Saveena na nasa loob.

'Di ko alam kung totoong wala siyang alam sa ganitong bagay o nag papanggap lang din siya.'

Saveena screamed when one of the dogs claw her where the wound she received in the last incident with Carter is.

Napadapa siya sa sahig habang hawak ang braso niyang dumudugo.

Malalalalim ang paghingang pinapakawalan niya. 'Di pa siya nakaka recover sa nangyari at ito na naman.

'Bat ba kasi di marunong ang babaeng ito? Imposible namang wala siyang alam sa ganito dahil nanggaling siya sa angkan ng mga Phrix'

I can't take this anymore. Kanina pa nagsisimula ang parusa niya, marami na rin siyang sugat na natamo. Masiyado na siyang nanghihina base sa mukha nito.

Agad akong pumasok sa loob na kinalalagyan ni Saveena. Nilapitan ko siya at tinulungang makatayo saka tinago sa likod ko.

Susugudin na sana kami ng mga aso ni Carter nang makarinig kami ng wistle galing sa pinanggalingan kong silid.

Agad namang nag siupuan na parang maamong mga tuta ang mga ito.

Lumapit si Carter sa kinaroroonan namin at blanko ang mga tingin sa'kin kaya sinuklian ko ito ng blanko pero seryosong tingin.

"Let me train her" panguna ko, desidido sa gagawin.

"And why is that?" He said. With those serious stare still on his face.

"Because that is the reason why she's here. To learn, sa mundong kakagalawan niya bawal ang mahina kaya napatayo ang eskwelahang ito, para sa mga kagaya nya. Am I right?" nakita ko kung paano mabilis na kumunot ang noo niya at ang pagdaan ng galit sa mata nito. Panadalian niya akong 'di sinagot. He's affected.

Lumabas ang ngisi sa mga labi nito.

"Carter, please" pakiusap ko na sa kanya. Ayaw niyang may kumokontra sa mga gusto niya at 'yun ang ginagawa ko ngayon.

"You're insulting me Tyron, but in our world, if you can't learn by yourself, then die" Tumalikod na ito at maglalakad na sana paalis nang magsalita ang kanina pang tahimik na nasa likod ko.

"'Yan lang ba ang sagot sa lahat para sa'yo?" Napatingon ako sa kanya. Napatigil din si Carter sa akmang pag alis.

"Not learning doesn't mean you have to die. I can't learn without dying, but I'm willing to learn to live" deretso lang itong nakatingin sa kay Carter kahit na likod lang naman nito ang nakikita niya.

Unti unti namang lumingon sa'min si Carter.

"Then train Ms. Phrix, prove me yourself. Dahil 'di lang dito nagtatapos lahat. Habang nasa puder kita, walang kasiguraduhan ang buhay mo" saka ito naglakad paalis.

Nakatayo lang din doon si Cyrus at Jeffrey na nanonood sa mga nangyayari.

Sumunod sa kanya si Jeffrey at mukhang nag aalingan pang sumama si Cyrus.

Alanganin itong ngumiti saka humabol d'on sa dalawa. Pati na rin ang mga aso ni Carter ay sumunod sa kanila.

Nakita ko rin ang mga estudyante sa labas na nagtatakha sa mga nangyayari.

Soudproof ang room na ito kaya tiwala akong walang nakarinig sa mga sinabi namin at kami kami lang.

Lumabas sila Carter ng room na 'yun at nagbigay naman ng espasyo ang mga estudyante para makadaan sila.

nagpatuloy sila hanggang sa makalabas sila ng training room.

Narinig ko ang konting daing ni Saveena at napabaling ang tingin ko sa kaniya.

Nagulat ito ng buhatin ko siya ng pa bridal style.

"What are you doing?" Mahinang tanong niya.

"Carrying you, isn't it obvious?" 'Di nakaligtas sa'kin ang palihim nitong pag irap na ikinangisi ko.

I can't deny that I'm starting to like this woman.

Binuhat ko siya palabas doon at nakita ko ang pagkagulat sa mga estudyante pero 'di ko na iyon pinansin at lumabas ng training room.

Dinala ko siya sa clinic at binaba sa bed doon. Agad naman kaming nilapitan ng isang nurse.

"Treat her wounds" sabi ko rito na agad niya namang tinanguan at ginawa.

Lalabas na sana ako ng magsalita ito.

"Thank you" Saveena said. I just looked at her and walk outside withouth a word.

'No problem my lady'


Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now