Chapter 45

394 20 0
                                    

It's been a week since I and Carter are officially in a relashioship. He announced it sa buong campus, may mga hindi na nagulat and majority of them are angry. Na hindi ko na kinabigla. And speaking of that day, diko na nakita pa si Celigh, walang kumakalat na chismis na nakabalik na ito. Hindi naman ako chismosa para ipagkalat pa yon. Diko alam kung ano ang papaniwalaan ko, yung nakasulat sa notebook ni Flyyn o ang mga nakikita ko ngayon. Masyadong magulo but I choose to believe in what's on Flyyn's notebook.

"Hey!" Napabalik ako sa ulirat ng maramdaman ko ang marahang pagsiko ni Carter sakin. Simula nung naging kami ay para narin syang nag aaral dahil parati syang nasa classroom namin. Wala naman syang ginagawa at nakatuon lang sa phone nya buong magdamag at naglalaro ng floppy bird, really? Sa tanda nyang yan?

Sinabi ko naring di nya naman kailangang pumunta ng campus pero ang sabi nya ay 'dimo naman kailangang sabihin dahil diko naman pakikinggan yang sinasabi mo' diko alam kung ganyan ba talaga sya o dahil pareho kaming di pa nagkaron ng karelasyon noon so we don't know what does lovers do kaya pinanatili na lang namin ang normal na pakikitungo namin sa isa't isa.

"Yeah?" Baling ko sa kanya na naglalaro parin.

"Sa mansion ka mag dinner." Sabi nito na di parin inaalis ang tingin sa phone nya. Naiinis nako. Wala man lang ba syang ka sweet sweet sa katawan?

"Ano pa nga ba magagawa ko." I tsked that made him chuckled.

Mabilis lumipas ang oras. Uwian na kaya naglalakad na kami ngayon sa likod ng school. Sumaglit lang ako sa dorm para magpalit. Pagkapasok namin sa mansion ay wala kaming nakitang tao sa sala ngunit naririnig namin ang ingay sa dining area. Dumeretso kami doon at naabutan namin ang tatlo na nagtatawanan kasama ang hindi pamilyar na lalaki.

Napatigil sila at napabaling ang tingin sa amin pati narin nung lalaki.

"Alexander Mattius Carter, long time no see couz." Nakangiting lumapit sya sa amin. Napatingin ako kay Carter na walang emosyong nakatingin sa lalaki. But wait? Couz? He have a darn cousin? How come I didn't know? Niyakap sya nung lalaki at tinap sa balikat.

"Long time but you're still a fucker Demitri." Mahina lang na tumawa yung Demitri saka humiwalay sa yakap. Bumaba ang kanyang tingin sakin.

"Oh, the lucky girl, Demitri Ruis Davis by the way." Nilahad nito ang kamay.

"Saveena Victory Phrix." Pakilala ko saka tinanggap ang kamay nya. Sa mga nababasa ko ay kapag nag offer ng shake hands ang isang lalaki sa girlfriend ng isa ay magagalit ito. But Carter's different, bakit ba ang hirap pagselosin ng lalaking toh? Ugh!

"Why are you here?" Tanong ni Carter dito.

"Maupo na muna kaya tayo no? Nakakangalay tumayo." Carter tsked saka nanguna sa paglalakad at umupo, he tap the chair on his side kaya dun nako umupo at nasa harap ko naman yung Demitri. May pagkain narin sa hapag at mukhang nagsimula na sila ng di kami kasama.

"Oh yeah, nagpunta ako dito ng marinig ko ang haka haka that you're in a relationship and to confirm it, I'm proud of you couz, magaling ka talagang pumili." Sabi nito na sinamahan pa ng mahinang pagtawa. Sinimulan ko na lang ang pagkain ko. Nagpatuloy din sa pagkain ang iba habang tahimik lang kaming dalawa ni Carter.

"You want this?" Napatingin ako kay Carter ng inoffer nya sakin ang isang gulay. I don't know much about vegetables kaya diko alam kung ano yon.

"Do I look like a goat for you to make me eat that grass?plant? Or whatever that creature is." Mahina kong sabi dito.

"Don't be so maarte Phrix, and this is not a grass, this is vegetable, you're so mapayatot so eat healthy foods." Napairap ako ng gayahin nito ang paraan ng pagsasalita ko. I'm not that conyo naman katulad ng pagkakasabi nya. So papansin.

Di na nya hinintay pa ang sasabihin ko dahil agad na nyang nilagay sa plato ko ang ulam na yon. Kahit ayaw ko ay pilit ko na lang na kinain ito.

"Davis, how's the 'finding Zephyr' of yours?" Baling ni Carter sa pinsan.

"I already found her." Sumeryoso ang mukha nito.

"How's her?" Tanong ni Carter na pinapatuloy parin ang pagkain.

"She's leaving a normal life Alex, nagdadalawang isip na rin ako kung dapat pa bakong magpakita sa kanya. She's still the sweet Zephyr I know." Demitry said.


"Who's Zephyr?" Singit ko sa usapan, nalilito narin ako sa pinaguusapan nila. Walang sumagot sa kanila dahil nagtanong na naman si Carter.

"What do you mean normal?"- Carter.

"May mag asawang kumupkop sa kanya, hindi ko alam kung ano ang nangyari ng pinatakas ko sya. But one thing is sure, the Herris's at fault for all of this." Napatigil ako ng marinig ang apelyedo ko.

Anong kinalaman ng mga Herris?

Napansin kong uminom ng tubig si Carter saka tumayo. Napainom narin ako dahil tapos ko rin naman na ang kinakain ko.

"We're done." Saka walang sabi sabing hinila nya ako palayo doon. Di na ako nakaangal pa ng pumasok kami sa kwarto nya.

"Dito kana matulog." Matalim ko syang tiningnan, di porket kami na ay pwede na nyang gawin kung ano ang gusto nya.

"Don't be so malicious, I won't do anything, we'll just sleep together." Umirap naman ako. I didn't say anything. Naglakad ako papunta sa CR. Di ako maliligo dahil kakaligo ko lang nung dumaan kami sa dorm, magsisipilyo lang ako.

Lumapit ako sa lababo doon at naghanap ng extra toothbrush but there's nothing. Isa lang ang nandoon at mga men products.

"Hey! Do you have an extra toothbrush?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya. Dumungaw naman ang ulo nito kaya napatingin ako sa reflection nya sa salamin.

"Nothing, just use mine, di naman mabaho hininga ko." Saka nya sinara ang pinto. Napanguso ako, napakayaman tos walang extra toothbrush.

Tulad ng sinabi nya ay ginamit ko na lang ang toothbrush nito. I don't have to use any beauty products dahil wala naman kailangan pang pagandahin pa sa mukha ko, I'm inborn beautiful anyway.

Lumabas ako ng banyo suot ang pampatulog, pinaghandaan nya talaga ang pagtulog ko dito, di narin ako natutulog sa guess room.

Nakita ko syang nakatayo sa Veranda at naninigarilyo dahil nakikita ko ang usok na nanggagaling sa kanya. Napangiti ako ng makita ang malapad na likod nito.

The truth is that, I love this man so bad, alam kong walang peke sa nararamdaman ko para sa kanya. Diko rin alam kung saan nagsimula. Nahulog na lang ako ng diko namamalayan.

I walked towards him and hugged him behind. Tinapon nito ang sigarilyo nya at pinagpalit ang pwesto namin. Sya na ngayon ang nakayakap sakin sa likod.

"You didn't tell me you have a cousin." Sabi ko dito dahil wala naman talaga syang nababanggit.

"He's my cousin on my mom's side, he have a sister, Zephyr." And speaking of that girl.

"Who's Zephyr?" Takang tanong ko.

"I told you, his sister."

"I mean, bakit sya hinanap ni Demitri?" Bawi ko.

"Bakit ba ako di nya tinatawag sa pangalan?" He mumbled something na diko naman narinig dahil sa hina ng pagkakasabi nito.

"What?" At nilingon ko pa ito.

"Sabi ko may hinahanap bang hindi nawawala?" I tsked dahil sa sagot nito.

"Bahala ka nga dyan, bili ka ng kausap mo." Aalis na sana ako sa pagkakayapos nya pero agad nyang hinigpitan ang pagkakayakap.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang pakelaman ang ibang tao." -Carter.

"Eh sa-" diko na natapos pa ang sasabihin ko ng takpan nito ang aking bibig. Naramdaman ko pa ang paglapit ng kanyang bibig sa tenga ko.

"I love you Phrix."

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now