Chapter 37

385 20 0
                                    

Tinampal ko ng konti ang pisngi nito upang gisingin. He needs to wake up dahil diko sya kayang buhatin. Masyado syang mabigat.

"Hey, wake up dumbass." Di parin ito gumalaw kaya nilakasan ko ang sampal ko sa pisngi nya. Napagalaw ito sa gulat ngunit nakapikit parin ang kanyang mga mata.

"Ouch, that's hurt." Inirapan ko lang sya kahit na hindi naman nya nakikita dahil nakapikit parin ang kanyang mga mata.

"Can you still walk?" He tsked.

"Why do you have to slap me." Reklamo nito at minulat ng konti ang kanyang paningin. Hinawakan ko ang kanyang braso para tulungan syang makabangon. I still have fever but I can't rest dahil sa lalaking ito. Hindi ako sanay maupo sa couch, I'd rather sleep while sitting kesa mahiga sa couch. Weird but that's me.

Makikita sa kanyang galaw ang pagod at kagustuhang matulog ngunit pinilit nya ang kanyang sariling bumangon. Inakay ko sya pataas sa grand staircase. Pagdating sa kanyang kwarto ay agad kong pinihit ang seradula. Nahirapan pa dahil binibigay nya sakin ang bigat nya.

Ng binagsak ko sya sa kama ay diko nabalanse ng maayos ang aking katawan at nasama sa kanyang pagbagsak.

Nakapatong ako sa kanya at nakahawak sa kanyang malapad na dibdib. Nakita ko pa ang pagkunot at pagsalubong ng makakapal nyang kilay. Patuloy paring nakapikit ang kanyang mata.

I gasped when he incircled his hands around my waist.

"Stay ash, pagod na pagod nakong hintayin ka." Sabi nito at unti unting minulat ang kanyang mga mata para makita ako. Nakipagtitigan ako sa kanya. Kunot ang aking noo. He's calling me by the name I even don't know.

"I'm not who ever that ash is." Saka ako tumayo ng matuwid.

Umayos ito ng pagkakahiga sa kama. Para syang lasing kung magkasakit. Pahirapan ko na lang na inayos ang kanyang pagkakahiga.

Pinatay ko ang aircon saka lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang noo. Inalis ko ang pagkakabutones ng kanyang damit at inalis ito. Nag-iwas ako ng tingin sa kanyang katawan.

Binalingan ko ang kanyang sinturon at pinagkalas ito saka tinanggal ang kanyang pantalon at tinira lang navy blue boxer nya.

Agad kong itinapis ang kumot sa kanyang katawan.

Naghanap ako ng gamot sa kanyang kabinet saka kumuha na rin ng tubig sa kanyang mini ref.

"Hey, wake up ka muna para makainom ng gamot." Bulong ko sa kanya. Masungit lang nyakong tinalikuran.

"Can you wake up? Wag ka ngang pabebe dyan." Masungit kong sabi at hinila ng konti ang kanyang braso. Tinulungan ko pa syang umupo para lang mapakain ang gamot sa kanya.



Kinuha ko na rin ang temperature nya at bumaba ng konti ang kanyang lagnat pero dipa sapat yon para maging maayos ang kanyang pakiramdam.

Nakatingin lang ako sa kanyang mukha. I don't know what's the sense of making him feel well when I'll also be the reason of his downfall.


Diko na namalayan at nakatulog nako sa kakaisip ng mga bagay nayon. Diko rin mapigilan ang pakiramdam na sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari sa kanya. Kung sana di na lang ako nagpatigas di sana sya magkakasakit. But I didn't ask him to help or even save me. But I realize, he has a feelings on me kaya talagang ililigtas nyako. Darn.



Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang dampi by isang kamay sa aking pisngi. Minulat ko ang aking mga mata at agad napabangon. Diko alam na nakahiga na pala ako sa kama nya.

Napadaing pa ako ng maramdaman ang kirot sa aking ulo dulot ng biglaang pagbangon.

He tsked so I looked at him.

"Ouch?" Reklamo ko dito.

"Sino ba kasing nagsabe sayo na bumangon ka na lang bigla bigla." Pagsusungit nya. Di naman ako makapaniwala sa kanya. After I cared and treated him susungit sungitan nyako? Great.

"Sino bang nagsabi na pwede mong hawakan ang pisngi ko ha?" Di ako nito pinansin at naglakad na lang palapit sa bedside table.

"I brought your breakfast,  kumain kana." Saka nya nilapag sa harap ko ang isang fried rice, sunny side up egg, bacon, and chicken hotdog, with milk and top water.


Dinantay nya ang likod ng kanyang palad saking noo.


"Medyo bumaba na ang lagnat mo, eat your medicine pagkatapos nyan." Saka nya nilahad sakin ang gamot.


"Thanks." Pasalamat ko dito. Naiilang pako dahil pinapanood nyako.


"It's rude to stare someone when she's eating." Baling ko sa kanya.


"I put poison in your meal." Nabilaukan ako kaya agad kong kinuha ang tubig at ininom. I glared at him na ngayon at nagpipigil ng tawa.


"It's not funny." Irap ko sa kanya.


"I'm not yet laughing?" Parang tanga nitong sabi. Umirap lang ako sa kanya saka tinuro ang pintuan.


"Leave." I said.


"I don't think you have the right, this is my room." Tinaasan ko lang sya ng kilay.


"This is your way to say your thanks on me para sa ginawa ko sayo kagabi? How can I feel well and at peace kung guguluhin moko." I annoyingly said. He's so annoying.


"Alright, alright, finish your food. Don't forget to eat your medicine." Paalala nito at binaling ko ang tingin ko sa bintana. Naramdaman ko naman ang paglalakad nito paalis. Bago pa sya makalabas ay sinabi ko ang kahapon pang humabagabag sa aking isipan.


"Who is Ash?"

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now