Chapter 35

393 21 0
                                    

"What's the plan?" Nabalik ako sa aking ulirat ng marinig ko ang tanong ni Alvin.

"Labas ka parin dito Scott, gagalaw ka lang pag sinabi ko na" I said.

"Oh c'mon future Mrs. Scott, kailan mo bako kakailanganin?" Napangiwi na lang ako sa sinabi nito.

"Oh c'mon fucker, stop your shits. Get out now, natutulog nako." tumayo na ako sa pagkakaupo sa couch. Nawalan na din ako ng ganang kumain dahil sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad ng may nakalimutan akong tanungin.

"And wait a minute. Where do you stay?" Napangisi naman ito saka tumayo din sa pagkakaupo.

'I don't think I would like whatever he'll answer'

"Here"

"At my room!?" Sigaw ko sa kanya.

"Why not? You're my fiancè, there's nothing wrong with it."

"Get out" turo ko pa sa pintuan.

"Ok fine fine, aalis din naman ako e, and one more thing... I'm watching you" seryosong sabi nya.

Inismiran ko lang ito at tinalikuran. Narinig ko naman ang pagsara ng pinto ng umalis na ito kaya nahiga na ako sa aking higaan at agad ding kinain ng antok.

                            ~~~

"Nice to see you again, Neirdo" kinagat ko naman ang aking labi. This Lian girl.

Nandito kami ngayon sa training room. And again, performing our combat.

"Mr. Travis" napatigil ang lahat ng marinig nila ang pagtawag ni Lian sa trainer namen. Sya ang magiging kalaban ko sa ngayon.

"Yes Ms. Yan?" Tugon ng guro.

"Why not make it bloody?" Kumunot ang noo ng guro sa sinabi nya, marami din ang nagulat sa sinambit nito. Nilibot ni Lian ang kanyang paningin sa buong room saka binalik ang tingin sa guro.

"You know that it's against the rules of training" tinaasan lang sya ng kilay ni Lian.

"Hindi ba mas matutuwa si Carter? He wants bloody games, also am I" nakangising sabi nito.

"And, it's boring, paulit ulit lang ang lahat, at pag naging madugo ang laban, hindi ba mas maganda yon at mararanasan nila ang tunay na gulo na kakaharapin pag minana na nila ang kanikanilang organisasyon? Mas malalaman nila ang gagawin. Di lang talino ang ginagamit bilang tagapagmana kundi pati ang kanilang kakayahan"

Natahimik naman ang lahat sa sinabi nito. Ilang minuto na namayani ang katahimikan sa loob ng training room ng may isang lalaking naglakas loob na basagin ang katahimikan.

"I agree, the young master wants bloody game, so we'll make it bloodiest" pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumahimik na naman ang buong training room, hanggang sa nagsiayunan naman ang lahat sa sinabi ni Lian. Mabilis ang naging mga pangyayari. Nagsimula ng magrambulan ang lahat sa loob ng training room.

Sa gitna ng kaguluhan ay nakita ko ang babaeng nagpasimuno ng lahat ng ito.

"You really want to kill me huh?" Nakangising sabi ko dito.

"What do you think?" Balik nito sakin.

Agad syang sumugod sakin. Diko maipagkakaila na maglakas at mabilis ang bawat galaw nya, but not enough to defeat me. But as a nerd papanatilihin ko parin ang pagpapanggap na sinimulan ko.

Naglabas sya ng patalim galing sa kanyang likod. Inamba nito ang patalim sakin. Diko ito agad naiwasan kaya natamaan nya ang aking bewang.

Napadaing ako. Malalim ang naging sugat nito kaya mabilis akong nawawalan ng lakas. Sunod sunod ang kanyang pag atake. Nakakailag ako pero nadadaplisan kung saan saang bahagi ng aking katawan. Nasugatan ko rin naman sya gamit ang nakuha kong patalim sa isang estudyante. Basta ko na lang ito hinablot sa kanya.

Nanghihina nako kaya diko na kinaya't napahiga sa sahig. Pumatong naman sa ibabaw ko si Lian habang nakatutok ang isang baril sa aking noo.

"Ready to die?"

"Why do you want to kill me?" Tanong ko dito. Nililibang ko lang ang atensyon nya at para makakuha ng lakas. Natahimik ito bago galit na sinagot ang aking tanong.

"Because you really are like her, acting so innocent, I'm making a favor to all students. Dahil habang nandito ka, di magbabago ang lahat"

"Kung inaasahan nyong may magbabago sa pagkawala ko. Nagkakamali ka, kung  magbabago pa ang lahat edi sana matagal na yong nangyari"

"Shut up bitch, any last words?"

"Fuck you" akmang kukunin ko na ang baril sa kanya ng makarinig kami ng sunod sunod na putok ng baril.

Napaangat ang tingin ni Lian at agad napangisi sa nakita.

"I know he would be here" mahinang sabi nito ngunit dahil nakapatong parin sya sakin ay narinig ko ang sinabi nito.

"Get out on top of her if you don't want to die Ms. Yan" sa loob ng limang araw ngayon ko lang ulit narinig ang malamig na boses nito ngunit mas nakakatakot sa ngayon.

Tumayo naman si Lian ngunit di parin napapawi ang ngisi nito sa labi.

"Why don't want me to kill her Carter? Dahil ba may pagkakapareho sila at naaalala mo sa kanya si Celigh?" Napadaing sa sakit si Lian ng walang alinlangan syang binaril ni Carter sa binti nito.

"No bitch, it is because she's mine, and no one will touch her but me" Natahimik ang buong training room. Me ang Lian lying on the floor with our wounds. Marami ring nasugatang estudyante ngunit para silang mga walang natamong sugat kung tumayo ng matuwid. Probably because their king is here kaya di nila napapakitang mahina din sila.

And for me? This is my character, to be pathetic weak nerd so it's fine for me. Nakakapagod din pala maging malakas.

"You heard me right Ms. Yan, and I won't hesitate to kill you next time you'll lay your hands even on the strands of her hair."

Tahimik ang loob ng training room at ang naririnig lang ngayon ay mahihinang daing ni Lian.

Umangat ang aking katawan at naramdaman ko ang dalawang matitipunong kamay na bumuhat sakin.

"I'm sorry baby." tuluyan ko ng pinikit ang aking mga mata dahil narin sa panghihina. Feeling safe with his arms, my conciousness calm. I knew he'd come.

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now