Chapter 11

523 28 0
                                    

Naglakad na 'ko paalis doon at pabalik sa table namin.

Pagdating ko ay marami na ring nagsasayawan sa dance floor. Umupo na rin ako sa kinauupan ko kanina at nanood na lang sa mga nagsasayawan sa gitna.

"Can I have this dance?" Inangat ko ang tingin ko sa nagmamay ari ng kamay na nakalahd sa harap ko.

Nakita ko ang nakangiting si Vince na nakalahad ang kamay sa'kin.

'I should enjoy this night, kaysa naman nakatunganga lang dito habang naghihintay sa mangyayare'

Tinanggap ko ang kamay nito at iginaya na nya ako sa dance floor. Habang nagsasayaw ay panay ang tanong niya sa'kin ng mga bagay-bagay na tipid na ngiti at tango lang ang sinasagot ko.

Umupo naman ako ng matapos na kami, nangalay na rin kasi ako.

Napatingin ang lahat ng tumunog ang mic na nasa taas ng stage. Napatingin din ako doon at nakitang nakatayo doon si Headmaster Ssi.

"Good evening everyone. I see, you're enjoying our party, but we're not yet starting." nakangisi nitong sabi.

Pagkasabi niya n'on ay napatingin kaming lahat sa dalawang malalaking pintuan ng gymnasium nang padarag itong buksan.

Pumasok ang napakaraming men in black na may hawak na kanya-kanya nilang mga armas.

"Fire!" Nagpaputok ang mga ito ngunit mukhang hasa talaga ang mga estudyante rito dahil nakaya nilang magtago at maglabas din ng mga armas para paputukan din ang mga men in black. Kahit na biglaan ang lahat.

Nakatayo lang ako doon habang nakatingin sa mga nagpapatayan sa harap ko.

'Di dapat ako masangkot sa ganito dahil 'di ko misyon ang gumaya din sa mga ginagawa nila. Kailangan ko lang umattend para alamin kung pupunta ba rito ang Carter na 'yon, pero mukhang wala din naman akong mapapala. But I know, he's here somewhere. Tinataguan ba niya 'ko? Hindi naman niya alam ang tungkol sa'kin. Silly me.

Maglalakad na sana ako palabas nang pagharap ko sa likod ay nakita ko si Lian na nakangising nakatingin saken.

'Bitch'

Binabawi ko na, mukhang kailangan ko na ring isangkot ang babaeng ito dahil isa rin siya sa pumupigil sa mga plano ko.

Pero kung papatayin ko man siya, siguro'y 'di muna ngayong 'di pa 'ko nakakagitna sa mga plano ko.

Tinutok nito ang baril  sa dereksuon ko kaya palihim kong hinawakan ang baril na nasa ilalim ng dress ko.

Mas mabuti ng sigurado.

Kumunot ang noo ko ng mapansin ko kung saan ba talaga nakatutok ang baril niya nang mapansin ko ito.

Palihim akong napangisi.

'This bitch is really something huh'

Pinaputok nito ang baril niya at sindyang madaplisan ang kanang pisngi ko. Naramdaman ko ang hapdi at ang paglandas ng kaunting likido galing doon.

Napahawak ako rito nang maramdaman ang likido na dumadaloy mula sa pisngi ko.

Napangiwi ako saka nilingon ang isang lalaki sa likod ko na kasama ng mga naka itim na lalaki na pumasok kanina.

Ngayon ay nakabulagta na sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.

Nang lingunin ko si Lian ay tuluyan na itong nakalapit sa akin saka bumulong.

"Too early for your death, sweetie."

Zach

Kitang-kita mula sa screen na ito ang pagdanak ng mga dugo ng mga tauhan sa loob ng gymnasium.

Nasa malapit na room kami ngayon kung saan nakikita namin ang mga nangyayari sa gymnasium.

"Sayang yung chix kanina men, ito kasing si Zach, napaka epal." basag ni Cy sa katahimikan. Napatingin ako sa kinauupuan nilang dalawa ni Jeff nang makita ko ang itsura nitong parang problemadong problemado.

Nang magsimula ang party kanina, nasa gymnasium na siya para maghanap ng babae, sinama pa nito si Jeff.

"Tsk. . .hanapin mo na lang pagkatapos nito, 'lam mo naman pangalan." walang ganang sagot ni Jeff sa kanya.

Nalipat ang tingin ko kay Carter. Seryoso lang itong nakatingin sa screen at nakakunot pa ang noo.

Nang sundan ko ang tingin nito ay nakita ko ang isang babaeng naka pulang dress na nakatayo lang at nanonood sa mga nangyayare.

Napakunot ang noo ko nanh makilala ang kung sino ito.

'Bakit nakatunganga lang siya diyan? Gusto ba talaga ng babaeng ito mamatay?'

Merong isang babaeng naka itim na dress ang lumapit sa kanya.

Nagtititigan lang sila nang tutukan siya nito ng baril.

Kumuyom ang kamao ko at tatayo na sana nang pigilan ako ni Carter.

Napatingin ako sa kanya nang nakita kong tutok na tutok parin ito sa panonood.

"Di ba bawal ang ginagawa niya Carter? Bawal pumatay ang estudyante ng kapwa nito estudyante." reklamo ni Cy na alam kong nakatutok na rin sa nangyayare.

Wala namang pumansin sa sinabi nito dahil nakatutok din kami sa kung ano man ang gagawin ng babae.

Napakunot pa lalo ang noo ko nang mapansin ko ang isang lalaki na nasa likod ni Saveena.

Isa sa mga tauhan.

Pinaputukan ng babaeng naka itim ang lalaking nasa likod ni Saveena.

Napatingin ako kay Carter nang nakangisi itong sumandal sa kinauupuan niya.

'Masama ang kutob ko dito'

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now