Chapter 25

447 24 0
                                    

'Me? A goddamn stupid? Namumuro na ang lalaking ito'

Humarap ako sa kanya at patuloy lang ito sa paglalakad palayo.

"Anong stupid?, hoy antayin mo ngako, Alexander"

Lakad-takbo ang ginawa ko pero nakatingin sa dinadaanan ko, bigla itong tumigil at napasubsob ang mukha ko sa malapad nitong likod. Naamoy ko pa ang perfume nya, lalaking lalaki ang amoy nya.

Agad akong lumayo ng humarap ito sa akin.

"Call me Carter, we're not friends" walang emosyon nitong sinabi. Nginitian ko naman sya ng malapad.

"Edi friends na tayo, basic." Hinawakan ko ang dalawang strap ng bag ko at mangunguna na sa paglalakad ng magsalita ito.

"I don't make friends with idiots" napatigil ako at napalingon sa kaliwa ko ng manguna ito sa paglalakad pagkatapos nyang sabihin yon.

Napabusangot naman ako.

'Pano bako mapapalapit pa sa kanya kung ganyan sya? Madali akong mainis pero kailangan kong pigilan, tsk'

Napangisi naman ako ng may maisip na kalokohan. Humabol ako sa kanya at nakisabay sa malalaki nitong hakbang.

"Sige ayaw moko maging kaibigan edi.. crush na lang kita" nakangiting sabi ko habang nasa daan parin ang tingin, di naman sya nagsasalita kaya nagpatuloy lang ako.

"Wala namang mahirap na part sayo na di maka-crushan e, gwapo ka naman, mayaman, matalino, um ano pa ba?" Sabi ko habang nakatingin sa taas at nasa baba ang kamay, animo'y nag iisip.

"Well sa ugali, pasok na yung pagiging seryoso mo, masyado ka nga lang brutal, pero kaya pa namang baguhin yung ugali e, kaya kung papapapiliin ako kung mukha o ugali, mas pipiliin ko talaga yung mukha, gaya ng say-" lumingon ako sa kanya at nakitang naglalakad ito sa malayo.

Agad kong tiningnan ang paligid at ang daan na tinatahak ko. Saka ulit tumingin sa daan nya, nakita ko yung train at dun ko lang na-realize na mali pala ang dinadaan ko. Darn.

"Huy! Crush hintay, wait!" Sigaw ko sa kanya habang humahabol.

Someone's

"Kamusta ang misyon ng binibining Herris, Rein" tanong ni dad sakin.


"Wala pa naman pong nangyayari dad, diko masyadong namamanmanan ang mansyon, masyadong mahigpit ang bantay nila" mahabang sagot ko dito.


"HAHAHAHAHA!" Malakas na halakhak nito. "Masyado kang mahina kung ganon." saka ito sumandal sa backrest ng swivel chair nya.


Kahit nainsulto ako sa sinabi nya ay di nako nagreklamo pa, imbes ay..

"Why not me dad? Bakit sya?" Nagrereklamong tanong ko dito. Napatingin naman ito sa gawi ko.

Nasa office nya ako ngayon dahil nanghihingi sya ng impormasyon sa misyon ni Saveena Herris.

"Oh c'mon Rein, I don't have time for your shits" tumayo ito at akmang lalabas ng silid ng hawakan ko ang braso nya. Nakatingin lang ako sa kamay kong nakahawak sa braso nya dahil diko sya kayang tingnan. Hanggang ngayon galit parin sya.

Ayokong makita ang sakit at galit sa mga mata nito, ayokong makita ang galit na nagpabago ng lahat, ng buhay ko, ni dad.

Dahan dahan kong binitawan ang braso nito ng humarap sya sakin. Binaba ko naman ang tingin ko sa carpeted floor.


"Nasaktan din ako dad, hanggang ngayon nasasaktan parin ako, I'm guilty, dahil kasalanan ko, I didn't protected her, I can't dad. Masyado akong nasasaktan kasi ako yung nandon, I've seen how they killed her, and I'm suffering now because you've changed, you're not treating me the way you used to be, not the same way we used to be." namamaos na sabi ko dito habang naglalandas ang parang wala ng katapusang luha na lumalabas saking mata. Ayokong umiyak but I'm hurting.


Naramdaman ko ang mainit at malaking palad nito sa kaliwang pisngi ko.

'Masakit, sobrang sakit na dumodoble pa dahil sa kaalamang di na rin nya akong tinuturing na anak, he slapped me, he never do that before. Hanggang ngayon ako parin ang sinisisi nya, so how can't I blame myself if my own father keeps on blaming me? I'm guilty because I can't even protected her from them, but for goddamn sake! I'm just 8 years old that time'

"Kung noon pa lang sumunod ka na sa pinapagawa ko sayo, kung sana noon pa lang ay sineryoso mo ang pag eensayo mo, edi sana buhay parin ang asawa't anak ko. Pero wala kang kwenta, at alam mo kung bakit di pa kita pinapatay? Ay dahil yun ang gusto ng asawa ko" napaangat ang tingin ko sa kanya, lungkot ang ekspresyong makikita sa akin. Basa parin ang mukha dulot ng mga luhang nagpapatuloy parin sa pagdaloy.

Nagulat pako ng makita ang lungkot at pagsisisi ngunit agad din itong napalitan ng mas matinding galit.


I know he still care, he still love me, ngunit masyadong malaki ang galit nya at mas pinaghahari nya iyon, and I'm suffering seeing him like this, he's brave and stong outside, but messed up inside.

Kung sana nandito lang si Mom, kung sana naging malakas ako at naligtas ko pa sila, kung sana ako na lang yung namatay. Edi sana di ganito ang lahat.

That Antonio Carter, he is at fault for this fucked up life.

Dad said he will kill all Carter, wala syang ititira sa lahi nito. But I can't lose him, I can't lose dad either. And I don't know how can I fix everything, I have to choose, on which side.

Saveena.

Hey! Piechies.

Anyway, keep reading and support it dahil I feel the end of this story, although medyo malayo pa naman, wala akong masyadong maisip na scenes na pede para magkalapit ang dalawang bida.

Btw, also support the Herris Series #2, the story of our great Levi Herris.

Lovelots piechies.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now