Chapter 47

359 21 0
                                    

Maraming estudyante ang nakasunod ang tingin samin habang naglalakad kami sa hallway ngunit diko sila binigyan ng pansin at nagpatuloy lang sa paglalalakad. Pagkarating sa classroom ay napatingin ang lahat sa aming gawi lalo na sa kasama ko.

Maraming nagtatakha at nagbubulungbulungan ngunit pinanatili namin ang aming postura at dumeretso sa aking upuan, sya naman ay sa upuan kung saan madalas umuupo si Carter.

Karamihan ng mga estudyante ay nasa loob na. Nagring ang bell at ilang segundo rin ay pumasok ang adviser namin na si Ms. Estalloso. Nilakbay nito ang tingin sa buong klase at tumigil sa dereksyon namin o sa kasama ko.

"Class, I have an announcement. I know all of you are curious about who is this handsome man out there." Saka iminuwestra ang kasama ko kaya napatuon narin ang tingin samin lahat ng nasa room. "Kindly introduce yourself young man." Tumayo naman ang nasa tabi ko ngunit nakatingin lang ako sa harap.

"I'm Alvin Ravix Scott, Ms. Saveena Victory Phrix's fiancee." Napaangat ang tingin ko sa kanya at ngumisi lang ito saka kumindat sakin. Umiling na lang ako.

Maraming nagtakha at nagulat sa sinabi nito. Some are saying 'what the heck? I tought sila ni Carter?' And some say 'what a slut, magkapareho nga talaga sila ng Celigh na yon' but I didn't deny or react of all their bullshits.

"Silence class, let's proceed, you may now sit Mr. Scott." Umupo naman ang huli. Buong klase ay nasa labas lang ng bintana ang buong atensyon ko kaya diko namalayan at nag ring na ang bell, hudyat na break time na.

Sabay kami ni Alvin na pumasok ng Cafeteria. Mabilis kumalat ang chismis about samin and as expected, parepareho lang sila ng reaksyon. Umorder naman si Alvin kaya ako na ang naghanap ng mauupuan, ang pinili ko ay ang pinakagitnang lamesa.

Linatag ni Alvin ang inorder at nagsimula na kaming kumain. Nasa tabi ko sya nakaupo. Napatigil ako sa pagsubo ng may umupo sa bakanting upuan na nasa harap ko.

"What the heck Sav." Mura nito sa harap ko na parang kami lang dalawa.

"Don't cuss my fiancee Miss-who  the hell you are."Alvin said. Napailing lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Ngumiwi lang si Calyyn sa kanya.

"Alvin, this is Calyyn, Calyyn, my fiancee Alvin Scott." Nakita ko naman ang pagngisi nito at saka nilahad ang kamay kay Alvin.

"Calyyn Aris, Sav's best friend." I tsked. Tinanggap naman ni Alvin ang kamay nito.

"Anyway, how come? I mean, I thought you're in a relationship with Carter?" Panimula nito sa usapan. Uminom naman ako saka tumingin sa kanya.

"Actually, we're not. He's just the one who's imagining things." I simply said. Nakita ko ang gulat sa mukha nito ngunit di nakaligtas sakin ang kinang ng kanyang mga mata.

Napatingin naman ako sa paligid ng bigla na lang tumahimik. Nilibot ang aking tingin sa loob ng Cafeteria at napatigil sa pinto. I know he'll come.

Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng aking puso ngunit pinanatili ko lang ang blanko kong mukha. Nakapamulsang lumapit siya sa kinauupuan  namin kasama yung tatlo.

Nang marating ang aming pwesto ay nakita ko ang blankong tingin nito sa akin ngunit nakikita ko ang galit sa kanyang mata. Walang emosyon lang akong nakatingala sa kanya.

Devils Academy [Series One] (✓)Kde žijí příběhy. Začni objevovat