Chapter 8

585 25 0
                                    

"We will have an acquintance party next week , wear anything you want , Headmaster Ssi said na pwedeng lumabas ngayong weekend para makapag handa kayo ng susuotin nyo para sa party" napalingon ako ng marinig ko ang sinabi ni Ms. Estolloso bago ito lumabas ng classroom dahil nag ring na ang bell.

Lumabas na ako at pumuntang cafeteria , pagkatapos mag-order at maghanap ng mauupuan ay tahimik akong kumain ng may umupo sa kaharap kong bakanting silya.

Diko na kailangan pang lingunin ito dahil sa daldal ba naman nya ay himala na lang na diko pa sya makilala.

"Exited nako.. anong dress ang susuutin mo?" Tili nito.

"Dunno , anything" walang ganang sabi ko.

"Sabay na lang kaya tayo" suhestyon nito.

"Nope , I'm not the one who will prepare for it" simpleng sabi ko.

"Ay , sayang naman , shopping na lang tayo , ipapaasikaso ko na lang din yung akin"

"I have important things to do Calyyn"

"Tsk.. KJ mo naman ei , palusot.com ka pa" nakanguso nitong sabi.

"Good afternoon ladies and gentlemen" napatigil ako sa pagsubo ng marinig ang boses ng headmaster sa speaker.

Lahat din ng taong nasa cafeteria ay napatigil sa kanya kanya nilang ginagawa.

"I know you already heard about the announcement and yeah , we will have our acquintance party , and this one will be a bloody night party, I just want to good luck you all, that's all everyone have a nice lunch"

"As expected , king Carter is the best pagdating sa mga ganito , this will be more exciting than I've thought" sabi nito bago humalakhak dahilan para mapatingin din ang ibang estudyante sa table namen.

Binalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko saka nagpatuloy sa pagsubo.

Pagkatapos ng klase ay padarag akong umupo sa couch dahil sa pagod.

Pinikit ko ang mga mata ko at handa na ata itong matulog ng mag ring ang phone ko.

Agad ko itong sinagot , diko na kailangan pang tingnan kung sino ang tumatawag dahil wala naman ibang tumatawag dito kundi ang magaling kong kapatid.

"What is it Levi" inis na sabi ko na agad nya namang pinagtawanan , minsan iniisip ko kung normal paba ang lalaking ito ei.

Bababaan ko na sana ito ng pigilan ako.

"HAHAHAHA relax , bat ba masyado kang maldita saken ha? Tos pag si Killian grabe ka kung maging malambing , para kang tuta tos pag sakin leon ka kung umasta , nakakapangselos sa part na yon ah, parang di kapatid." reklamo nito.

"Oh come on Lev , tigilan moko sa ganyan mo , dimo ngako kayang pautangin tos grabe ka makapagreklamo"

"So kaya ka ganon sa magaling mong kapatid kasi pinapautang ka nya?" Tanong nito.

"Oo kaya , minsan nililibre din nyako , eh ikaw?"

"Unfair mo , mas marami ka pa ngang pera sakin ei , sa lahat ba naman ng misyon na binibigay sayo" mahina nitong sabi.

Natahimik naman ako at pati na rin ang sa kabilang linya.

Alam ko ang pinadadaanan ni kuya Levi , he wants to earn dad's trust again , dahil sa isang pagkakamali , dalawa ang nawala sa kanya.

Dad's trust and the woman he loved. Hanggang ngayon nga mahal pa nya, alam ko yon dahil ang ugaling pinapakita nya ngayon ay ugali nya ng dumating ang babaeng yon. Di naman sya magbabago kung di nya nakilala ang Zephyr na iyon.

"Why did you call anyway?" pag iiba ko ng usapan.

"Oh yah , mom will come home" sabi nito.

"When?" Tanong ko.

"This weekend , are you free?"

"We will have an acquintance party next week at pwede lumabas this weekend .. so yah"

" oh i see.. so see you tommorow baby girl" at sinabayan nito ng pagtawa nya.

"Darn you" sabay irap ko na parang nakikita nya.

"HAHAHAHA i miss you too , take care , bye" and with that I ended the call.

Pumasok na rin ako ng comfort room ko and do my night routine saka natulog.

A long day tomorrow will come.

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now