Chapter 40

400 19 0
                                    

It's been a week since Carter started his 'court' thingy. He's always in our class, everyone's not used to it kaya naiilang parin ang lahat. Even our teachers. Is he that scary?

I know that he's brutal but
I didn't see how brutal he is so I can't judge them dahil sila ang matagal na dito.

I'm now on my way sa mansion, I don't know what happen to the training session but I'm glad dahil napapagod lang ako sa pagpapanggap.

Carter invited me for a dinner. He said that it's  a date kaya pinagbigyan ko na. It's already pass 6 at natatanaw ko na ang mansion. Pagkapasok ay wala akong naabutang tao, naka dim din ang light at napakatahimik ng paligid.

'What the darn is this?'

Napatingin ako sa nagkalat na itim at pulang rosas na nakakalat sa sahig, may espasyo itong di nalalagyan ng rosas, and there's a candle that is giving a way.

Sinundan ko ito hanggang sa makaabot ako sa likod ng mansion. I don't know but I love this, I never had boyfriend and this kind of efforts makes me happy.

I recognised where this way's  leading me. In the mini garden na nasa likod din ng mansion. Pagkapihit ng seradula nito at tuluyan ng makapasok ay agad akong napanganga sa nakikita.

Lahat ng mga halaman at bulaklak sa paligid ay merong Christmas light na nakasabit dito. I also noticed the fountain centered on this garden. Nilagyan ba ito o diko lang talaga napansin nung unang punta ko dito?

Napadako ang tingin ko sa dalawang silya at isang maliit na mesa na nasa tabi ng fountain. I walk towards it and saw a small card with a letter on it.

Hey baby.

That's the only words he wrote but I found it cute and.. sweet. I chuckled.

"D'you like it?"dahan dahan kong ibinaba ang sulat ngunit di parin humarap sa kanya. Naramdaman ko ang presensya nito sa likod ko.

"I don't need an answer anyway, I know you will love it." Tuluyan nakong humarap sa kanya. He's so near and I can see does Brown orbs again.

He's wearing a formal attire, black tuxedo, and red necktie. He really paired it with my red crimson dress with my black 5inches heels.

"A beautiful nerd." Sabi nito.

Unti unti itong lumapit ngunit agad kong pinigilan ang dibdib nito at nilagay ang kanang hintuturo sa kanyang labi. I sweetly smiled at him.

"Whe're not yet close." He just smirked on me. Lumapit na lang ito sa isa sa metal chair doon at pinaghila pako ng upuan. Umupo naman ako. Naglakad ito paalis at pagbalik nya ay may tulak tulak na itong stroller.

"Why not the guy maids?" Takhang tanong ko, pwede naman nyang ipag-utos na lang yon.

"Guy maids?" Balik tanong nito na ikinairap ko.

"Your guy maids, I didn't see any girl in this mansion even a maid." He chuckled on what I've said.

"I'm gentleman enough to not make a woman as a servant." Nagulat man sa sinabi nito ay diko mapigilang mapahanga. So that's explain why he doesn't have a girl maid here.

It's a steak at nilagyan pa nya ng napakaraming kanin ang plato ko.

"Are you trying to kill me by eating this family rice?" Histerikal ko dito. Diko kayang ubusin ang ganito karaming kanin na sa tingin ko ay buong pamilya na ang pinapakain nya.

"Tsk, we're having a dinner date kaya magpabusog ka, ang payat mo tiningan." He just praised me a while ago then iinsultuhin nya ako ngayon?

"Excuse me, I'm inborn sexy you dumbass." I can't believe this goddarn man.

"Tsk, just eat your food." Inirapan ko na lang sya bago sya umupo sa katapat kong silya. Makabasag ear drum ang katahimikan habang kumakain kami kaya naisipan ko ng magsalita.

"Didn't you have any relationship before?" Kanina ko pa yan iniisip. He's surprise is romantic, he's like a pro on this things kaya di na ako magtatakha kung sabihin nyang marami na syang naging babae noon.

"None." Nagulat man ay diko na ito masyado pang pinahalata. Then I remembered about that Celigh, naikwento na sya sakin ni Flyyn, the where abouts of Flyyn na hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin. Anyway, so walang namagitan sa kanila ni Celigh? Nagkanda bulabog na tuloy tsk.

"I liked her." He looked at me kaya inangat ko rin ang aking paningin.


"Who?" Bigla na lang kasi nambabanggit ng walang mention na nangyayari.


"Celigh." Di naman ako nagsalita kaya nagpatuloy na lang ito.

"She reminds me of someone, but like everyone, she also left me." Nagsilabasan na naman ang katanungan na nasa aking isipan. Binaling nya ang kanyang tingin sa ibang dereksyon.

"Come with me." Diko pa tapos ang pagkain ko ngunit busog narin naman ako kaya uminom na lang ako ng tubig. Sumunod ako sa kanya. Nakarating kami sa dulo ng garden and my jaw dropped on the view in front of me.

Isang bangin na diko na alam kung may kababagsakan pa ba pag nahulog ka. It has railings naman na pwedeng hawakan. This is creepy but enchanting.

"I was 17 when my mom and dad died in a car accident." Napalingon ako sa kanya ng magsimula na itong magkwento. Nasa harap lang ang kanyang tingin kaya malaya akong napagmamasdan ang kanang pigura nito.

"That day, I lost myself, I almost commit suicide but I remember her, I remembered my promise  that I'll marry her, ayokong paasahin sya, I already broke my promise of staying. Iniwan ko sya, even I knew that it would hurt her I still did. She's too emotional simula ng mamatay ang mama nya, ayaw na nyang maiwan. Kaya nagpakatatag ako, I came back after 5years just to know that she's already gone. Namatay ang buong pamilya nila dahil sa isang massacre na nangyari. Dun na tuluyang gumuho ang mundo ko, na wala nakong babalikan dahil wala ng naghihintay sa pagbabalik ko." I know he's referring to Celigh. Or not? Because base on what he have said earlier Celigh left him then now he said he left Celigh? Am I too slow o masyado lang talagang magulo? He looked at me and wiped the tears on my cheeks.

Diko man lang napansin na umiiyak na pala ako sa kinukwento nya. I just felt the story, it's so tragic. Pinunasan ko na rin ang naglalandas na mga luha galing sa 'king mata ngunit parang di ito nauubos.

"That's when I met Celigh." Napaangat at takhang napatingin ako sa kanya.

"I tought we're talking about Celigh?" Di naman ito nagsalita.

"Who are you talking about then?" I asked, confused.


"Ashanti." He replied.

Nanlaki naman ang aking mata ng bigla nya na lang akong yakapin. He tightened his grip ng mapansing di ako gumaganti sa kanyang yakap. Unti unti ko namang inangat ang aking kamay para gumant sa mahigpit na yakap nito.

"I love you." Bumilis na ng tuluyang ang tibok ng puso ko, that three words can shake the ground I'm stepping at.

This heartbeat, the stuttering, the butterfly in my stomach, ang bolta boltaheng kuryente na lumalaganap sa buong sistema ko kapag ganito sya. And that hit something on me.

'I like him.'

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora