Chapter 24

427 20 0
                                    

2 weeks had passed, at sa loob ng dalawang linggo ay diko na nahagilap pang muli si Flyyn. Hinanap ko sya pero ni anino nya ay diko makita.

Sinubukan ko na rin syang puntahan sa dormitory room nya.

"Nung isang araw ko pa sya huling nakita, tinanong ko sya kung saan sya pupunta, masyado syang nagmamadali diko rin alam kung ano ang kinuha nya sa kwarto nya, at pagkatapos non, wala nakong nabalitaan tungkol sa kanya" sabi ng isa sa mga esgudyante na malapit ang room sa room nya.

Masyadong busy ang lahat ng estudyante dahil next week na ang examination, lahat ay naghahanda at kabilang na dito si Calyyn, kaya dahil sa pag aaral nito ng husto ay di narin nya ako nakakasabay sa eskwela, di parin nya nakekwento kung ano ang alam nya kaya kakalimutan ko na muna iyon.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa daan patahak ng mansion. Wala ang dalawang teacher namin sa hapon na ito kaya maaga pa ay pinauwi narin kami. 2:30 pa at napagpasyahan kong mag punta ng mansion para sa 'training' ko.

Malawak ang likod ng Campus na pinagtayuan ng mansion, kung lalakarin ito ay aabot kang 10minutes bago mo matanaw ang mismong mansion. Para kang nasa jungle kung tutuusin.

Sabi rin nila ay isang dahilan kung bakit di sila nagpupunta sa likod ng Campus ay dahil meron daw ditong nagpapagala gala sa kagubatan.

Maliban pa dito ang mga aso ni Carter na gabi gabing nag roronda sa kagubatan. Pero sa halos araw araw na pagpupunta ko at paglalakad sa kagubatan, wala pa rin naman akong nakakaharap, kaya diko mapigilang di maniwala.

Masyadong mahigpit ang pagbabantay ng mga tauhan sa paligid ng school kaya di nakakaabot ng building ang mga ito.

Tanaw ko na ang train (kung saan ako tinali ni Carter sa rail way nito) ng may marinig akong putok.

Nanggagaling ito sa kaliwang bahagi ng kagubatan.

Naka-uniform parin ako at nakasabit ang bag sa kanang balikat. Inayos ko ang glasses ko at saka lumiko sa daan kung saan ko narinig ang putok. Nakarinig pa ako ng sunod sunod na putok kaya medyo binilasan ko ang paglalakad, isinabit ko na rin ang dalawang strap ng bag ko sa aking magkabilang balikat.

Magpapatuloy na sana ako sa paglapit ng humarang sa daraanan ko ang isang nakakadiring nilalang.

Dahan dahan akong napa atras, I didn't bring any weapon on me, I can combat fight with a person not a wild animal. A wild boar actually.

This dirty little-wild creature is now ready to eat me.

Third Person

Napangisi si Alexander ng matamaan nya isang hyena. May napansin ito sa malayo kaya nilipat niya ang scope ng sniper nito.

Ngumisi ito ng makita kung ano ang nangyayari sa bahaging iyon ng kagubatan.

'Stupid'

Paatras ng paatras ang babae habang dahang dahang naglalakad palapit ang mabangis na hayop. Hinihintay nya kung anonman ang posibleng mangyare.

Saveena

Napapikit na lang ako ng akmang susunggaban na ako nito ng makarinig na naman ako ng putok. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Nakita kong nakabulagta ang katawan ng kadiring baboy, wala na rin itong buhay.

Napatingin ako sa pinanggagalingan ng putok at nakita si Carter na palapit sa kinaroroonan ko.

Makasabit sa kaliwang balikat nito ang isang M24 Sniper Weapon System.

Blangko ang mga matang nakatingin sakin ng tumigil ito sa harap ko. Sinuyod ko naman ng tingin ang kabuoan nito.

A fitted navy green sleeveless shirt and an army pants with his black army boots. He really looks so cool and hot at the same time, flexing his biceps.


Bahagya kong nakalimutan ang nangyari kanina, dumapo ang aking tingin sa kanyang buhok.
Kung di lang dahil sa dahong nasa buhok nya ang perfect nya ng tinganan.

Iaalis ko nasa ito ng hawakan nito ang kamay ko para pigilan. Napatingin ako sa kanya na nakakunot na ngayon ang noo. Inismidan ko ito saka ginamit ang isang kamay upang ialis ang dahon.

Ng matanggal ito ay ngumiti naman ako sa kanya ng matamis.

"Um, thank you"

"Tsk, Stupid" napanganga ako ng lagpasan ako nito.

Darn man.

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now