Chapter 21

436 22 0
                                    

Pagkagising ko ay naligo na muna ako, paglabas ng banyo ay nakita ko ang uniporme ng school na nakalatag sa kama, agad ko itong sinuot at lumabas na.


Maglalakad na sana ako palabas ng mapansin ko ang isang pintuan sa pinaka dulong hallway.




Ngayon ko lang ito napansin dahil kapag gabi ay di pinapailaw ang ilaw na nasa bandang iyo kaya madilim ang kinaroroonan nito at di talaga mapapansin na may pinto pala doon.



Dahan dahan akong lumapit dito, hinawakan ang door knob at pinihit ito pero naka lock.


Itinulak tulak ko ito pero di pa rin, akmang pwersahan ko na itong bubuksan ng may..


"Ma'am Saveena" agad akong napalingon sa tauhan na may nagtatakhang tingin at napalingon ito sa likod ko.


Bumalik ang paningin nito sakin saka mahinang yumuko.



"Pinapatawag na po kayo, nakahanda na po ang almusal" aalis na sana ito ng agad kong tinawag ang pansin nito.


"Um, kaninong kwarto ito?" Tanong ko dito. Tiningnan ako nito saka marahang uliming.



"Dapat po ay di kayo nagtutungo dito, isang pribadong kwarto po iyan at ipinagbabawal sa lahat na pasukin, kaya halina po tayo" saka ito naunang maglakad.


Tinapunan ko ng huling tingin ang pinto saka sumunod sa tauhan.

~~~

Naglalakad ako sa hallway, simula rin ng malaman ng lahat na nagsasanay ako sa tulong ni Zach ay naging maiwas na rin ang mga estudyante. Lutang ang isip ko sa lahat ng bagay na hanggang ngayon ay bumabagabag parin sa aking isipan.


Mga katanungang wala paring kasagutan, kasagutang diko parin natutuklas dahil diko alam ng katotohanan.


Ng iangat ko ang aking tingin ay nahagip ng aking tingin yung babae na nakaharap ko ng huling laban ko.

'Flyyn I guess?'

Sinundan ko naman ito, alam kong may nalalaman sya, diko alam kung pano ko sya pakakantahin, pero kailangan kong malaman ang katotohanan sa eskwelahang ito.


Lumiko ito sa hallway kung saan wala masyadong tao ang dumadaan kaya magandang pagkakataon din ito.



Liliko na sana ako sa hallway na yon ng sya mismo ang bumungad sakin at isandal ako sa pader.

'Ouch'

Deretso akong nakatingin sa mga mata nito kahit na nasaktan ako sa ginawa nya.

"Bakit moko sinusundan?" Seryoso nitong sabi.

"Dahil alam kong may alam ka" I factly said.

Niluwagan nito ang pagkakahawak sakin at nakangising nakatingin saken.

"You really know nothing huh?" Edi sana di nako nagsusumikap na kunin ang kasagutan sa letsyugas na katotohanang ito. Gusto ko mang isigaw yon sa kanya at pinanatili ko na lang ang postura ko.

Inalis naman nito ang pagkakasakal sa akin.

Tumingin ito sa paligid at saka nilagay sa bulsa ng blazer nya ang kanyang kamay saka tumingin sa gawi ko.

"Follow me" saka ito nagpanguna sa paglalakad. Masama akong tumingin sa kanya saka pinagpagan ang balikat ko dahil na rin sa nalukot ito sa pagkakahawak nya kanina.

Sumunod na lang ako ng tahimik sa kanya.

Pumasok ito sa isang room, storage room dahil nabasa ko ito sa taas ng pinto.

Sumunod ako papasok sa kanya, pagpasok ay wala akong makita kundi dilim, pinailaw nito ang dilaw na ilaw at meron ditong isang lamesa at dalawang mono block chair sa magkaharap nito.

Umupo ito kaya umupo na rin ako.

"Nabalitaan kong tini-train ka ni Zach and worst sa mansion mismo" sarkastikong sabi nito.

"So you know about that mansion" tinawanan naman nito ang sinabi ko.

"Everyone knows pero walang nagtatangkang mapadpad sa lugar na yon" di ako nagsalita kaya nag patuloy ito sa paglalakad.


"Malayo na ang nararating mo pero diko alam na wala ka paring nalalaman hanggang  ngayon"

Di parin ako nagsalita.

"Ano nga ba ang gusto mong malaman?" Seryoso nitong tanong.

"Lahat."

Saveena.

Devils Academy [Series One] (✓)Where stories live. Discover now