Chapter 6

27.7K 696 74
                                    

BAKAS ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang lulan ng kotse patungo sa Baguio. Nakakailang ang katahimikan na iyon para kay Agape.

"Sir, is it okay to turn the music on?" mahinang sambit niya sa lalaking nasa tabi niya.

Tumango lang ito hudyat ng pagpayag kaya't nakahinga siya ng maluwag.

"Kuya, pabukas po ng music. " tukoy niya kay Kuya Nato na personal driver ng boss niya.

Nagkaroon ng kaunting ingay dahil sa musika. Atleast hindi ganoon nakakailang para sa kanya diba?

"Titigil po ba tayo para maglunch, sir? " tanong niya ng makita sa relos sa palapulsuhan na ilang minuto na lang bago mag-alas dose.

Bumaling ang tingin ng lalaki sa kanya.

"Are you hungry?" tanong nito na alam niyang labis niyang ikinagulat. Gayunpaman ay minabuti niyang gawing normal ang ekspresyon.

She doesn't want her boss to think of anything that will confused them both. Ayaw pa niyang mawalan ng trabaho.

"Nag-early lunch po ako kanina, sir. Kayo po ba?" balik tanong niya at umiwas ito ng tingin.

"I didn't eat.. " he answered.

Napaawang naman ang labi niya dahil alam niya ring hindi gawain ng lalaki na magbreakfast. Madalas nga ay coffee lang ito.

Agad siyang naghalungkat sa bag ng pwedeng makain ng boss niya ngunit nanlumo lang siya ng makitang mga bottled water lang iyon at cup noodles.

Bakit nga ba cup noodles dinala niya?

"Naku ma'am, wala pa pong mga convenience store dito pero may malapit pong piso tubig malapit sa sunod na gasolinahan. May hot water rin po siguro 'yun. " pagsingit ni Kuya Nato kaya't napatingin siya sa boss niyang may pagtataka sa mukha.

"It's okay, I'm fine with water.. " at inangat ang bottled water na binigay ko.

"Medyo malayo pa po biyahe sir, kailangan niyong kumain. " giit niya. "Kuya, ihinto niyo po ako sa may gasolinahan. " baling niya sa driver.

Hindi na sumagot ang boss niya at agad na siyang bumaba ng maihinto ang sasakyan sa may gasolinahan.

Mabuti na lang talaga at mainit ang hot water nila. Minsan kasi ay hindi.

Napapalakpak siya sa isipan ng makitang may mga snacks sa gasolinahan. Kaunti lang ang pagpipilian 'ron kaya't pinili niya na lang ang isang pack ng lemon square at oreo dahil hindi naman kumakain ng junkfoods ang boss niya. Kumuha rin siya ng mga inumin at cornetto para sa sarili.

Nang makabalik sa kotse ay agad niyang inilapag ang mga binili at hinalo ang cup noodles. Matamang nakatingin lang sa kanya ang lalaki ngunit hindi na niya iyon binigyan pa ng pansin.

"Mainit pa po yan, sir. Malakas naman po air-con kaya't madaling lalamig. " sambit niya at dahan-dahang ibinigay sa boss ngunit napaungol lang ito dahil sa mainit na rin ang cup.

Napabalikwas siya at kumuha ng panyo sa bag at inilagay sa puwitan ng cup. Napangiti naman siya ng mahawakan na iyon ng boss niya na hindi na nagrereklamo sa init.

"Kuya, kumain po muna kayo.. " abot niya ng pagkain sa driver at inumin.

Nang makitang ayos nang kumakain ang boss niya kahit halata naman sa mukha nito na tila hindi sanay sa kinakain ay palihim lang siyang napangiti at inalis sa plastic ang binili niyang ice cream.

Ngunit binabalatan pa lamang niya ito ay ramdam na niya ang titig sa kanya ng lalaki.

"May kailangan po kayo sir? Hindi po ba ayos sa inyo ang lasa?" nag-aalala na niyang tanong ngunit hindi ito sumagot at tumingin lang sa ice cream na hawak niya.

Billionaire Diaries #1: Gray PereiraWhere stories live. Discover now