Chapter 29

20.8K 611 191
                                    

ARCHER frowned when all eyes are on him when he entered the building. A paper bag of the phone he bought was the only thing he's holding.

He entered the elevator in silent. Halos lahat nang nasa loob ng elevator ay napapatingin sa kan'ya. He doesn't know if it was because of his looks.. or something else.

He shrugged and when the elevator opens, he immediately walk out of the lift. The stares are weird.. but somehow, it doesn't make him uncomfortable.

"Kuya!" Aira, his sister called him. "May phone ka na? Sabi sa'yo e, mabait si Ma'am Agape!" anito at tumayo para tingnan ang cellphone na binili niya. He just bought a 5k phone. Iyon lang naman ang pinakamura sa napuntahan niya. He doesn't want to wander around, lalo na't ang bilin sa kan'ya ay bago alas-onse, nasa opisina na.

"Sumagot ka ba sa kan'ya kanina in English? Magaling ka naman! Dapat gano'n, para ma-impress si Ma'am, " ani nitong muli.

Kumunot lang ang noo niya at binawi ang cellphone sa kapatid. "Driver ako Aira, hindi kasosyo niya. I'll give her a ride since that's my services, but it doesn't mean that I have to talk to her in that away. "

Ngumuso ito. "Nagsusuggest lang ako!"

Hindi na siya umimik at tinanguan lang ang kapatid at kumatok sa pinto ng opisina. He waited for a minute before he opened the door.

His eyes met the girl with parted lips. Tulala itong nakatitig sa kan'ya hanggang sa nahulog ang hawak nitong cellphone.

"I-I'm.. are.. w-what are you.. " utal nitong bungad at nanlalaki ang matang tumingin sa kan'ya.

He stared at Agape—his boss—who's just standing without looking at him. She's holding a baby, which he concludes, her daughter.

His eyes dropped at her finger. Married.

"I'm Archer, I'm the chairwoman's new personal driver, " tipid niyang pakilala.

Lumunok naman ang babae. "A-Archer?" nagtataka nitong tanong at tumingin sa boss niyang nagbikit-balikat lang.

"A-Archer pala?" Humalakhak ito, hindi niya sigurado kung tama ang rinig niyang pilit ang pagtawa nito. "A-Akin na si Wine, Agape. M-May pag-uusapan yata kayo ng d-driver mo, " anito at dali-daling binuhat ang bata.

"Alright, kakausapin ko lang ang driver ko, " she answered.

When the girl left, his boss motioned him to sat at the couch.

"You got your phone?" tanong nito. He simply nodded.

Tiningnan nito ang paper bag at napanguso. "Bakit hindi iPhone? 'Yun dapat ang binili mo, " halos kumunot ang noo nito.

"I will only use phone for texting, " he answered.

She frowned. "Bakit hindi mo 'ko tinext?" she suddenly said.

Napatingin siya sa babae. She's pretty, alright. But.. she's married.

"My phone can't text, it says, no SIM card. I'll let Aira fix it, " aniya.

Mas lalong kumunot ang noo ng babae. "Ibigay mo sa 'kin, ako aayos, " tumingin ito sa paper bag na nasa gilid niya.

He shook his head. "You don't have to. Si Aira na, " giit niya.

Tumaas ang kilay nito. "P'wede namang ako, bakit mo pa ipapagawa sa iba?" seryoso itong tumingin sa kan'ya. "Akin na nga, mas magaling ako sa ganito. At busy si Aira, 'wag mo siyang guluhin, " dugtong nito.

Aira's not busy.

Ang babae na mismo ang tumayo at kinuha ang paper bag sa tabi niya. Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang sa magkakalikot na ito sa cellphone.

Billionaire Diaries #1: Gray PereiraWhere stories live. Discover now