Chapter 13

22.4K 667 23
                                    

AGAPE stared at the ring in her finger. It's really real!

"Is that the ring, Agape? That looks so delicate! Big time siguro, ano?" usig ni Clara at hinawakan pa ang kamay niya. Natawa na lang siya at hindi na umimik. Mukha nga yatang kumalat na ikakasal na siya. Bahala na lang siguro silang mag-isip kung sino ang groom.

"I thought wala kang jowa?" maarteng tanong ni Sia. Nakahalukipkip pa ito. "Oh, is it a secret relationship? That's understandable.. " she added.

"Kung kailangan mo ng advice para sa family planning, lumapit ka lang sa 'kin. Expert ako dyan.. " pang-aasar ni Kiko.

"Kaya pala blooming ka, sis. Hiyang ka siguro sa soon-to-be mister mo, ano?" sambit ni Laura. Napayuko na lang siya at ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi.

"Hala, namumula si mestisa. Nakainstant blush on na si bride natin.. " Clara said and they all laughed. She just gave them a small smile. Naiilang talaga siya lalo na't matao rin ang cafeteria. I mean, they all know her as the CEO's secretary kaya't normal sa kanila ang maging curious sa kanya. Some girls are envious with her kaya't minsan ay nag-iingat siya. For almost a month of working with her boss, girls are kinda aggressive. Ilang beses pa nga siyang pinagseselosan.

"May date na ba kayo sa kasal?" Kiko asked.

"Uh, yes.. " tanging sagot niya na lamang. Well, meron naman talaga. Pero walang exact. Her boss just said that unplanned things are the best. She couldn't argue with that.

"Wow, ang bilis. Kami ng jowa ko puro next year next year na lang! Sampung next year pa siguro bago niya ako yayaing magpakasal!" Laura exclaimed. Nakasimangot na ito.

She stared at Laura. She was just 25 or so. When she was 25, she doesn't really think about getting married. Doon niya lang talaga narealize na nahuhuli na siya ng umabot na siya ng 27. They have an alumni that time. All of them are married with kids and in a relationship. Siya na nga lang yata ang hindi.

That moment, she saw how her former classmates talked about their marriage life. Sa totoo lang, sa single na tulad niya ay hindi naman 'yun magandang pakinggan. And they are talking about how hard to raise their childrens. Bakas talaga sa mukha nila na nahihirapan siya. May ilan pa ngang puro kalokohan ng asawa ang topic.

But it was ironic that they are happy. They talked about struggles of the stage they choose to enter. Pero nagtataka siya kung bakit lahat sila mukhang masaya. And she can't understand why she's envious all of the sudden.

"I married my wife when I'm just 22 and she's 20. Ang bata pa talaga namin para magpakasal but I didn't regret anything. Masaya ang buhay may asawa. Especially if you have a caring partner. Dagdagan pa ng makukulit na mga anak.. " nangingiting sambit ni Kiko.

"Here comes our married man.. " Natatawang sabi ni Sia.

"I'm already a father of two. At aminado akong makukulit talaga 'yun. But our house won't be complete without them. Nakakatuwa kapag may mga bata. Try niyo na rin kasing gumawa ng anak.. " Kiko stated. Humalakhak pa ito.

"Hindi ko pa yata kaya. I love kids, alright. But being a mother is a big responsibility. " Clara said.

"That's true.. " Laura uttered. Lumingon naman ito sa gawi niya at ngumiti. "What about you, Agape? Anong thoughts mo?"

Nanuyo ang lalamunan niya. Fine, she badly want kids.

"I'm okay with it. You know, kids are adorable.. " she answered.

"But are you ready?" Sia asked.

Napaisip namam siya. Magkaiba ang ibig sabihin ng gusto mo ang mga bata sa gusto mo ng sariling bata.

But she can't think anything. It just feels like she's long prepared for it.

"I think I am. I'm 28. Dapat nga sa edad ko ay nasa preschool na ang anak ko. " Natatawa niyang sagot.

"Wala ka naman nang proproblemahin sa pera. Mukha naman yatang mayaman ang mapapangasawa mo.. " Clara said.

Nanlaki ang mata niya. She didn't said that her boss will be the father of her kids! I mean, oo nga't magiging mag-asawa sila, pero tama bang gawin ang bagay na 'yun?

Napanguso na lang siya. Baka nga biglang bumigay siya. Marupok pa naman ang pundasyon niya.

AGAPE checked the clock from time to time. Her boss texted her that they are going somewhere. Hindi niya nga lang alam kung saan.

The door of his office opened. Napatayo naman siya at tinanguan ang lalaki.

"Sir, ako na pong magdadala ng case niyo.. " aniya at akmang lalapit na ngunit inilag lang nito ang hawak na case at ang kamay niya naman ang hinawakan.

Napasinghap siya. Tahimik lang siyang kinakaladkad ng boss niya kung saan. He's still holding her hands while walking. Hindi na lang siya umimik at hinayaan na lang na ganoon ang kamay nila.

"Sa'n ba tayo pupunta, sir?" she asked but he just shrugged.

Napanguso siya. Mukha namang wala itong balak na magsalita.

Nakalabas na sila ng elevator ngunit hindi parin siya nito binibitawan. Kabado pa siyang tumingin sa paligid kung may mga empleyado pa ngunit nakahinga naman ng makitang tahimik ang paligid. Maybe because it was almost 7 PM. Maliban sa mga guwardiya na mukha namang walang pakialam at tinatanguan lang sila.

They reached his private parking lot but he's still holding her hand. Kahit nang binuksan niya na ang kotse ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.

"Wala ba si Kuya Nato, sir?" takang tanong niya. Tamad ang boss niya magdrive kaya't laging si Kuya Nato ang driver niya.

Salubong ang kilay na tiningnan siya ng lalaki. Nakakunot naman siyang umiwas ng tingin.

Ano bang problema 'nun? Mood swings?

"I'll call Kuya Nato-

"Do you like him?" he asked grimly and his one hand on the wheels. Their hands still intertwined with each other.

"What? No, I don't. " agap niya. "Tatawagan ko lang sana para siya ang magdrive-

"I'll drive.. " pagputol ng lalaki. Hindi na siya umimik. Baka nga bigla itong sumipag at naisipang magdrive.

The engine started. Nag-aabang siya na binitawan na nito ang kamay ngunit walang nangyari.

"Let go of my hand. Baka mabangga tayo." nag-aalala niyang sambit.

"I can even drive with my eyes closed.. " he said. Napataas ang kilay niya.

"Yes, you can. But just for a couple of minutes or so. Ayoko pang mamatay.. " she said. Fine, she just exaggerate it. Pero posible nga naman na mamatay rin siya.

"I won't do things that would harm you.. " He said. Her heart thud. Oh god, she can feel her heart beating wildly. Wala na, wala na talaga siyang kawala.

"B-But we need to be careful.. " nauutal na sambit niya.

He sighed before he removed his hand from hers. Nakanguso namang hinawakan ng lalaki ang manibela.

"Mamaya na lang ulit pagbaba natin.. " wala sa sariling sambit niya.

Her eyes widen when she realized what she said. Namumula ang mukhang napatingin siya sa lalaki at may nakakalokong ngisi na sa mukha nito.

"You're really a romance writer.. " he uttered. "You're good in playing with words. "














Billionaire Diaries #1: Gray PereiraWhere stories live. Discover now