Switched Chapter 4

8.6K 165 6
                                    

Chapter 4: Act

Nakaawang ang labi ko dahil sa gulat habang nanlalaki ang matang nakatingin sa pamilyar na lalaki sa harap ko. He's also looking at me with wide eyes like he's not expecting me to be here! Hindi ko rin naman ineexpect na nandito siya!

Siya ang huling taong maiisip ko na makikita ko ngayon dito? What the hell is happening?! May kutob na ako pero ayaw iyong tanggapin ng sistema ko.

"You know each other?" I heard my Mom's voice.

I blinked a lot of times because of that. Muntik ko nang makalimutan na nagpapanggap lang pala akong si Alleira ngayon! Shit!

"U-Uhm..." I don't what to say!

Gulat pa rin ako dahil sa pagkakita kay Vince dito. I swear, he is the last man that I'll expect to be here. I didn't expect all of this!

"Yes, Tita. We know each other." Si Vince ang sumagot sa tanong ni Mommy.

I cleared my throat and calmed myself. Inayos ko ang pagkakatayo at nagpaskil ng pekeng ngiti sa labi. I wish that they won't notice my fake smile.

"Oh? That's good! Magkakilala na pala kayo then I'll expect you two to be comfortable with each other." The lady beside Vince said softly with a soft smile on her lips.

The lady nudged Vince's shoulder like she's urging him to do something. Kumunot ang noo ni Vince at sumulyap sa babae. I guess it's his Mom. Halata naman.

"What?" Vince didn't even whispered that. Napaka-unsensitive talaga ng lalaking 'to!

Instead of answering him, her Mom just glared at him. Napabuntong hininga si Vince dahil doon. Bahagya uling nanlaki ang mata ko at napanis ang ngiti sa labi. Anong gagawin niya?! Bakit siya lumalapit?

"My mom said that I should act like a gentleman infront of you so---"

"Vince!" Her mother cut him off.

I pursed my lips because of his attitude. Kailan ba siya hihinto sa pagiging masungit at arogante niya? Wala na ata siyang pag-asa. Tss.

Vince groaned because of her mother's voice bago niya inilahad ang braso niya sa akin. Kunot-noong lumipat ang tingin ko doon bago ibinalik ulit ang tingin sa mukha niya. He's already raising his eyebrows at me like he's looking at a dumb person or what.

"Ikawit mo iyong braso mo sa braso ko." He said boredly.

"No way!" I shouted unconsciously.

Napalunok tuloy ako nang makita ang malalim na gitla sa noo nila Mommy at Daddy. Shoot! I should always remember that I'm acting like my sister right now. I tightly closed my eyes before exhaling deeply.

Pagkamulat ko ng mata ay peke kong nginitian si Vince bago ko ikinawit ang kamay sa braso niya. Damn! This is so frustrating! Acting like my sister is so damn frustrating! Para akong nagiging maamong tupa ngayon!

Dinala ako ni Vince sa katapat niyang upuan. He even pulled the chair before I sat on it. Biglang naging gentleman ah. Nagsi-upuan na rin ang parents ni Vince at sila Mommy. Nang mapatingin ako kay Mommy sa tabi ko ay bahagyang naniningkit ang mata niya sa akin. I swallowed hard because of that before I looked down on my plate.

Why am I suddenly being nervous? Hindi naman siguro nila ako makikilala, diba?

May dumating na waitress sa tabi namin at naglagay ng pagkain sa lamesa. Hindi doon nakafocus and atensiyon ko dahil naiirita ako sa suot kong damit. Pakiramdam ko nangangati ako!

"Are you okay, hija?" Ang mama ni Vince nang makitang hindi ako mapakali sa suot.

Napalunok ako at bahagyang tumikhim at umayos ng upo.

My Switched Wife (MINE Series #3)Where stories live. Discover now