SPECIAL CHAPTER

2.6K 50 4
                                    

A/N: A special chapter for my gratefulness to you, my readers. I know this won't be enough to describe how thankful I am for your support because I never thought that I would reach this big number of readers when I first started this story.

Isa pa, alam kong hindi ito perfect mga mhie ToT. Ang daming mga lutang moments dito, typos and errors. I'll try to edit this if I have the time at kapag nakaabot ka hanggang dito despite the flaws of my story, CONGRATS AND THANK YOU!

Mwa! Lovelots! Stay safe!

SPECIAL CHAPTER

"Am I wrong, Mom? I just wanna go to a club because I miss it!" Iyak ko habang patuloy na pinupunasan ang sipon.

Umuwi ako kila Mommy dahil hindi ko nakayanan ang stress kagabi. I just want to go with Vince tonight because they will be having a party in a club with some of his employees! Ipinaalam ko iyon kagabi sa kaniya habang naglalambing ako sa kaniya sa kama pero agad siyang tumanggi!

"Buntis ka kasi, anak. Ayaw niya lang na may mangyaring masama sayo at sa baby niyo," si Mommy na kalmado pa.

I cried more. Halos mapuno na ng tissue ang kwarto at pulang-pula na rin ang pisngi at ilong ko dahil sa sobrang pag-iyak. I looked at my baby bump and even though it is already visible because I am already 6 months pregnant, I can still slay a sexy bodycon dress.

Payat kasi ako kaya naman hindi rin gaanong maumbok ang tiyan ko. Though, I really look pregnant. Samahan pa ng mabilis na pagbabago ng mood ko at pagiging sensitive sa amoy, I know I can be irritating sometimes but Vince have a big container of patience that he always let himself be on my bidding.

Kaya nga lang, kagabi ay nag-away kami dahil ayaw niya talaga akong payagan sumama sa kaniya sa club kaya umagang-umaga ay agad akong nagpasundo doon at pumunta dito kila Mommy dahil sa pagtatampo.

"I know how to take care of myself. Hindi rin naman ako iinom. I just want a different atmosphere, hindi iyong puro bahay at mall lang ako kasi hindi rin niya ako pinagtatrabaho!"

"Understand your husband, anak. He only wants what's good for you..." Si Mommy at hinaplos ang buhok ko.

"Pero hindi ko naman papabayaan ang sarili ko, Mommy. He's also with me so he can take care of me. Baka ayaw niya lang akong pasamahin para makapagsaya siya!" Hikbi ko at kinuha ang unan para doon na itago ang mukha.

I heard the door opened so I unconsciously raised my head to look. Si Daddy iyon at agad na nahanap ang mga mata ko.

"Your husband's here," ika niya sa baritonong tono na nakapagpalakas ng hikbi ko.

Why is he even here?! Lagi na nga kaming magkasama sa bahay dahil halos pinapasend niya lang ang trabaho niya doon tapos susundan niya pa ako dito?! Hindi niya ba ako naiintindihan? I want a freaking space!

"I'll leave you two here," bulong ni Mommy sa akin kaya agad kong hinila ang kamay niya para pigilan pero inilingan niya lang ako at nagpatuloy sa pag-alis.

I saw Vince entered my room. Madilim ang mga tingin pero alam kong hindi galit o inis sa akin. It's just his usual scowl. Nakasuot rin siya ng long sleeve polo na bukas ang naunang tatlong butones at black slacks. Kaya ba hindi niya ako sinundan agad dito dahil pumasok pa siya ng opisina?

Lumapit siya sa akin, binubuksan ang butones sa kaniyang palapulsuhan para maililis ang sleeve hanggang siko. The veins protruding in his arms made me imagine things in bed. Agad naman akong nag-iwas ng tingin para pigilan ang maduming pag-iisip.

Umatras ako sa headboard at itinago ang mukha sa unan dahil lumalapit na siya. I felt him sat at the space in front of me. Hindi ko pa ramdam ang init niya kaya paniguradong hindi siya gaanong lumapit.

My Switched Wife (MINE Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon