Switched Chapter 34

9.6K 197 3
                                    

Chapter 34: Real

"Are you sure about this?" Vince asked.

I inhaled deeply and released it slowly. Bahagya akong tumango bilang sagot sa tanong ni Vince. Patungo na kami ngayon sa isang mental institution kung saan nandu'n ang kapatid ko. I just wanted to see her before we go to Romblon.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang kunin ni Vince ang kamay ko na nakapatong sa hita at dinala 'yun sa may kambyada. I pursed my lips to stifle a smile as I watched him drive while holding my hand.

"You should focus your eyes on the road, Vince." Ika ko at tumawa nang mapansing sulyap siya ng sulyap sa akin.

"I know... I just can't get my eyes off you." Ika niya pabalik na nakapagpairap na lang sa akin.

He started playing with my fingers. Hinahaplos ng daliri niya ang ring finger ko at ngumuso na lang ako dahil doon.

After a few minutes, we already arrived at the mental institution where my sister is. Huminga ako ng malalim at bumaba na ng sasakyan nang pinagbuksan ako ni Vince. He entertwined our hands and pulled me closer to him. Naramdaman ko ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko bago kami nagpatuloy sa pagpasok.

My heart is racing, not because of nervousness or fear. Hindi ako natatakot sa kapatid ko, in fact, I'm excited to see her. Sana lang ay hindi siya magalit sa akin pag nakita niya ako. I just wanted to have a good conversation with her before we leave for Romblon.

"This way, Ma'am, Sir." Sabi ng nurse na magdadala sa amin sa room ng kapatid ko.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Vince pagkarating doon. Dumoble rin ang bilis ng tibok ng puso ko dahil siguro sa excitement at kaunting kaba.

"Miss Alleira, you have visitors po..." 'Yung nurse.

I swallowed hard when I saw my sister sitting at the white bed, her back turned against us and she's just staring at the white wall blankly. Tumikhim ako at nilingon si Vince.

I caught him staring at me with soft eyes. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti at binitawan ang kamay niya bago dahan-dahang lumapit sa kapatid.

"Alleira..." I called my sister.

She didn't even move a bit. Nanatili ang titig niya sa puting dingding. Marahan akong bumuga ng hininga at hinawakan ang kamay niya. The nurse told me that it's okay to hold my sister. Hindi naman daw siya nanggugulo or nagpapanic kapag hinahawakan siya pero kailangan pa rin ng pag-iingat.

"Alleira," I called her for the second time.

Sa pagkakataong ito ay lumipat na ang tingin sa akin ng kapatid. Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mga mata niya at ang pagsapo niya sa pisngi ko! Napaatras ako dahil doon pero nang makita ang nagbabadyang luha sa mata ng kapatid ay hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano.

I glanced at Vince and I saw how he moved closer to me, maybe because he was alarmed by Alleira's sudden move.

"A-Ameira..." hikbi ng kapatid ko.

I touched her cheeks, too and I slightly caressed it.

"Sorry, Ameira," she then cried.

Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi niya at ngumiti kasabay ng pagtulo rin ng luha ko sa pisngi. Damn, I'm really emotional!

"It's okay, Lei. Shhh... matagal na kitang napatawad at hindi ko naman kayang magalit sayo ng matagal, e." I sobbed.

"Sorry, Ameira..." iyak niya pa.

I was waiting for more words from her mouth but she just keep on repeating that same two words. Nilingon ko ang nurse at binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti.

My Switched Wife (MINE Series #3)Where stories live. Discover now