Switched Chapter 6

8.3K 181 1
                                    

Chapter 6: Like

I hate myself. I hate myself because of what I'm feeling right now. Hindi ko alam kung bakit para akong pinagsakluban ng langit kanina nang sabihin ni Vince ang rason kung bakit sa Las Vegas kami magpapakasal.

Iyong gulat ko kanina dahil sa sinabi niyang ikakasal na kami ay parang biglang nawala at napalitan ng emosyong hindi ko maipaliwanag. I feel numb. I felt like the world stopped spinning around me even though we're already inside an airplane.

Tahimik lang akong nakaupo habang may nakasalpak na headset sa tainga ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pamagat ng pinapakinggan kong kanta dahil sa lalim ng iniisip ko.

I exhaled deeply before glancing at Vince who's sitting beside me. His eyes are close, emphasizing his thick and slightly long eyelashes. I only see him right now in his side view and damn, he looks like a greek God because of his thin lips, not so thick eyebrows, perfectly sculpted jaw and sharp nose.

He should be illegal and I hate myself because I'm praising him again!

Bumuntong-hininga nalang ako at mariing ipinikit ang mga mata. Nilakasan ko ang volume ng kantang pinapakinggan, nagbabakasakaling mawala muna lahat ng iniisip ko ngayon at namalayan ko nalang ang sarili kong mahimbing na palang natutulog.

I moved my head to the side when I felt someone removing my headset while my eyes are still close. Inaantok pa ako at hindi ko pa ata kayang imulat ang mga mata ko. I wonder how long did I slept, hours I guess.

"We're here." Vince whispered huskily.

I can even feel his hot breath fanning my neck making me open my eyes widely! Namilog ang mga mata ko nang makita ko kung gaano siya kalapit sa akin. Our faces are only inches apart!

"The fuck?!" I silently shouted.

"What?" He asked while covering his smile with a smirk. "I'm just removing your headset." He chuckled and slowly moved away.

Nahigat ko ang hininga dahil sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa hindi malamang kadahilanan. I secretly massaged my chest where my heart is located and rolled my eyes. Ito na naman ang puso ko! Why is it beating like this again?! Kulang nalang talaga ay isipin kong may sakit na ako eh!

Sabay kaming bumaba ng eroplano ni Vince and the first thing that welcomed me outside is the cold wind of Las Vegas.

Wala sa sarili kong nayakap ang sarili dahil sa lamig ng temperatura dito. I'm wearing a red halter top dress for goodness sake! Who is on her right mind will wear something like this in Las Vegas?! Kung hindi lang biglaan ang pagpunta namin dito, edi sana nakapagpalit pa ako ng mas maayos na damit at angkop sa lugar na 'to!

I almost jumped because of shock when I felt a coat being wrapped on my shoulders. Gulat ko yung hinawakan at lumingon sa katabi. Since Vince gave me his black coat, he is only left with his white dress shirt on slightly emphasizing his biceps.

I gulped and I parted my lips to say something but no words came out.

"You're shivering." He said without looking at me.

Nakapamulsa siya at walang emosyong nakatingin sa harapan. He really looks so illegal and intimidating. Kung kinukulong lang ang mga taong kagaya niya ay baka pinarusahan na siya ng death penalty.

I tsked and rolled my eyes again because I'm already staring for too long. I should hate him so I should quit on praising him. Inayos ko ang pagkakalagay ng coat sa balikat ko at humalukipkip nalang.

No one talked between us. Tunog lang ng mga sasakyan sa paligid at pag-uusap ng mga tao ang naririnig namin. I glanced at my wristwatch and it's already passed 8 in the morning. Mga 20 hours rin siguro ang naging biyahe namin mula Pilipinas hanggang dito.

My Switched Wife (MINE Series #3)Where stories live. Discover now