Switched Chapter 5

9K 179 5
                                    

Chapter 5: Airport

Tahimik lang ako sa buong biyahe. I didn't even bother to talk to Vince because of what I'm feeling. Hindi ko alam kung bakit ako nababadtrip dahil sa tinawag niya sa akin. That's just a name for goodness sake! Ano naman kung Alleira ang itinawag niya sa akin? Eh iyon naman talaga ang pangalan ng fiancee niya. Ang kakambal ko.

I bit my lower lip and inhaled deeply while looking at the streetlights outside. Pinaglalaruan ko rin ang daliri sa taas ng hita ko. Pinigilan ko ang sariling mapasulyap kay Vince pero nang maramdaman ko ang mainit na titig niya sa akin ay hindi ko na napigilan ang sarili.

And I'm right! Nakatitig nga siya sa akin habang nasa gitna kami ng traffic! His elbow is leaning against the window while his playing with his lips. Ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. I composed myself and raised a brow while looking at him.

At hindi pa talaga siya nag-iwas ng tingin!

"Ano na namang problema mo? Bakit ka nakatitig sa akin?" I said sarcasticly.

Huminto siya sa paglalaro sa labi at lumingon sa harap ng magsimulang umusad ang traffic. He drive first before he glanced at me again.

"Masama ba? Is it bad to stare at my fiancee?" He smirked.

I pursed my lips before biting it. Wala namang masama sa pagtitig niya sa akin pero nakakailang kasi. Maybe he doesn't feel that kind of way while I'm staring at him but I feel awkward when he's the one who's staring at me.

"Kung dukutin ko kaya iyang mata mo?" Irap ko at tumingin na lang sa bintana.

"Woah!" He chuckled and slightly shook his head before driving again.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa tapat ng condo ni Alleira. Kinalas ko kaagad ang seatbelt ko habang hindi tumitingin sa katabi at sinuot ang sling bag. I was about to open the door beside me when he grabbed my hand. My eyes widened a bit but I immediately frowned and faced him.

Hindi niya dapat malaman o mahalata ang reaksiyon ko tuwing nagdidikit ang mga balat namin.

"Ano na naman?" Masungit na ika ko para pagtakpan ang kakaibang tibok ng puso.

He pursed his lips and leaned a bit closer to me. I avoided his intense gaze at bahagyang umurong palayo sa kaniya.

"You're blushing." He chuckled before I felt something cold on my ring finger.

Hindi ko na napigilan ang panlalaki ng mata ng makita ang singsing sa daliri ko. It is a silver ring with a medium sized diamond as its design.

"A-Ano 'to?" I asked, still shocked. Umawang rin ang labi ko dahil sa gulat.

"Close your mouth or..." He exhaled deeply before leaning more closer to me.

Hindi ko na ata alam kung humihinga pa ako ngayon dahil sa lapit niya! This is the first time in the history that I feel this kind of way! Shit! Kailangan ko na atang magpa-schedule ng check-up para bukas!

"Or what?"

"Or... a fly will enter." Pagkasabi niya noon ay tumawa siya ng malakas kaya malakas ko rin siyang naitulak.

Buwesit talaga.

Umirap nalang ako sa kawalan at mahinang minura ang sarili. Ano ba kasing iniisip ko? Assumera na rin ata ako eh. Padabog kong binuksan ang pinto ng kotse niya at padabog ko rin iyong sinara. Hindi ko na siya nilingon hanggang sa makalabas ako at dumiretso nalang sa room ni Alleira.

"What happened?" That's the first thing my sister asked after I entered her condo.

Padarag akong umupo sa sofa at inilagay sa tabi ang sling bag na suot kanina. Alleira is also sitting infront of me like she's waiting for some important information. Wala namang nangyaring importante kanina. Nagmeet lang naman kami ng family ng fiancee niya. Iyon lang.

My Switched Wife (MINE Series #3)Where stories live. Discover now