Switched Chapter 27

9.1K 228 11
                                    

Chapter 27: Peace

If only I can turn back the time, I'll never repeat the same mistake again. Kung pwede lang ibalik ang oras ay sana hindi na lang ako nag-stay sa bahay ni Vince. Umalis na sana agad ako nung unang araw ko palang doon. Hindi ko na sana ulit sinanay ang sarili ko na kasama siya sa buhay ko.

Pagkapasok ko palang sa condo namin ni Tita Veron ay bumungad agad sa akin ang nag-aalala niyang mga mata.

"Jusko! Saan ka ba galing?!" She walked towards me and hugged me tightly. "Alam mo bang muntik na kitang ipahanap sa mga pulis?!"

"Tita I already told you what I'm doing for the past few days sa message ko."

"But I don't believe that. Mas kinabahan pa nga ako nu'ng nabasa ko 'yung message mo. Paano pala kung 'yung kumidnap sayo ang nagtext nu'n?" She asked worriedly.

I chuckled, "Tita, I'm fine. Nagbakasyon lang talaga ako."

Ilang minuto pa akong kinausap ni Tita bago niya ako tinantanan nang biglang tumunog ang phone niya para sa isang tawag. Pumasok kaagad ako sa kwarto ko at dumiretso sa walk-in closet.

Kinuha ko ang maleta ko na nasa gilid ng wardrobe doon at nagsimulang lagyan 'yun ng damit. I need to go somewhere else. Somewhere far from here. Somewhere I can find peace. 'Yung tipong walang gugulo sa akin. Wala akong kakilala. At wala si Vince.

Nagulat pa si Tita nang lumabas ako sa kwarto na dala-dala ang maleta ko.

"I'll just talk to you later, bye." Ika niya sa katawagan. "Saan ka na naman pupunta?"

I shrugged, "Anywhere."

Kumunot ang noo ni Tita at bumuntong hininga bago ako hinila at pinaupo sa sofa, katabi niya.

"Anong nangyari, Ameira? I know that something happened, I can feel it."

Yumuko ako at umiling bilang sagot sa tiyahin.

"Wala po talagang nangyari, Tita. I just wanna go somewhere far from this place. I wanted to be at peace... even just for days."

Tita sighed before nodding at me. Tumayo siya at tinawag ako sa kusina. Pagkapasok doon ay nagulat ako nang makitang may nakahandang mga pagkain doon.

"What's with this?" I frowned.

She smirked, "Nakalimutan mo na ata kung anong araw ngayon?"

Mas kumunot pa ang noo ko dahil sa narinig at inalala kung anong araw ngayon. I gasped when I remembered what day it is today!

"It's your birthday!" Si Tita.

"God! I forgot about my birthday," I chuckled shortly and bit my lower lip.

"Mamaya ka na lang umalis, samahan mo muna akong ubusin itong mga hinanda ko para sayo." Si Tita.

Lumabi ako at agad na yumakap sa tiyahin ko. I sobbed against her chest and she laughed.

"Thank you, Tita Veron." I pouted. "For everything."

"Shhh... You're my nephew so this is just a normal thing to do as your auntie. Celebrating birthdays with you and holidays will never be enough."

Huminga ako ng malalim at humigpit pa ang yakap kay Tita bago kumawala. Masaya kaming kumain ni Tita ng tanghaling 'yun. We're just laughing, talking about some funny things and memories. I should already be happy and contented by that but why do I still feel so empty? Bakit parang hindi pa rin ako masaya? Bakit parang kulang pa?

I took a flight to Romblon that day. Sa Tablas nagland ang sinakyan kong eroplano so I also took a ferry to completely arrive at Romblon Island. Pagkarating doon ay sinalubong kaagad ako ng malamig na hangin ng gabi. Hugging myself, I walked my way towards the nearest hotel I saw.

My Switched Wife (MINE Series #3)Where stories live. Discover now