Chapter 12 - Dinner

208 7 0
                                    




Claire's POV


Nasa elevator ako ngayon, pababa na dahil na sa baba na raw si Michael. Naka white summer dress ako paired with my white shoes. Ayokong mg-heels, uupo lang naman kami eh. Tsaka dapat magpantalon ako ngayon kaso pupunta daw kami sa isang restoran hindi sa bahay nila.

Nung makababa na ko ng elevator na kita ko si Michael sa labas ng condo. Nakasandal siya at nakatingin sa malayo. Naka shades pa siya ang taray! Wala naman araw.

Agad siyang napalingon sakin nung makalapit ako sa kanya. Nasa loob ng bulsa niya ang dalawang kamay niya. Umayos siya ng tayo at tinanggal ang shades niya. Nangunot naman ang noo ko dahil nginisian niya ko.

"Malakas ba ang araw?" Biro ko. Ngumisi lang siya at sinabit ang shade niya sa kwelyo ng damit.

"Para bumagay lang sa suot ko, tsaka para bumagay din ako sayo."

"Tss. Wow ha, kahit naka-shade ka hindi tayo bagay." Nakangisi kong sabi.

Napahawak naman siya sa dibdib niya na parang inaatake siya sa puso. Ang OA.

"Aray ha. Ganyan ka talaga sa ex mo?" Nag-aasar niyang tanong. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Pero sige na nga hindi ko na susuotin, nahiya naman ako." Sabi niya sabay bukas sa pinto ng shotgun seat.

"Nahiya ka pa." Nakangisi kong sabi tsaka pumasok na sa loob.

Kalahating oras din ang biyahe namin bago kami makarating sa restoran na sinasabi niya. Nandun na daw sila Tita at Kath.

Inalalayan naman ako ni Michael sa hagdanan. Pagdating namin sa loob binati agad kami ng waiter.

"Reservation for Ms. Reyes." Sabi ni Michael sa waiter. Nagtaka naman akong tumingala sa kanya.

"Hindi nyo na gamit ang last name ni Tito?" Tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya.

"Hindi na. Pero gamit parin namin yun ni Kath" Tipid siyang ngumiti.

Sinundan namin ang waiter at nakita ko na si Kath na nakikipag usap kay Tita. Ang laki niya na, mas nagiging kamukha niya na si Tita.

Mas lalong lumaki ang ngiti niya nung sumulyap siya sa gawi namin. Tumayo siya at tumakbo palapit sakin.

"Ate Claire!" Ani niya tsaka niyakap ako. Hindi ko na naramdaman ang kamay ni Michael sa likuran ko. Niyakap ko rin ng mahigpit pabalik si Kath.

"Kath! Hala magkasingtangkad na tayo." Natatawang sabi ko. Tumawa naman siya at hinarap na ko.

"Pero mas maganda ka naman Ate!"

"Aba, nambola ka pa." Tugon ko at inakbayan siya.

Naglakad na kami palapit kay Tita. Agad naman siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap.

"Claire, hija. How are you?" Tanong niya sabay higpit ng yakap niya.

"Okay naman po ako tita. Kayo po?" Tanong ko at kumawala na sa pagkakayakap niya.

"Eto maayos naman sa awa ng diyos."

"Grabe tita ang laki na ng pinagbago nyo. Mas maganda na ngayon."

"Hahaha. Ikaw talagang bata ka, na miss kita!" Niyakap niya muli ako. Napangiti naman ako at niyakap din siya.

Kahit papano naging pangalawang nanay ko narin si Tita. Naging close din kami nung naging kami pa ni Michael at hindi nawala ang komunikasyon naming dalawa nung wala na kami ni Michael.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now