Chapter 27 - Dinner

175 13 5
                                    


Claire's POV


Tinulungan ko si Mrs. Abrams na manghain sa hapag. Nandun naman nakaupo ang dalawang lalaki. Kanina pa hindi nag-uusapan at tahimik lang silang dalawa. Tutulong sana si Zac, kaso pinigilan siya ni Mrs. Abrams at umupo nalang daw siya sa hapag kasama ang asawa niya. Wala naman nagawa si Zac, lihim naman akong natawa kanina dahil sa itsura palang niya ayaw niyang maiwan kasama si Mr. Abrams.

Kahit nasa kusina ako ramdam ko ang bigat sa pagitan nilang dalawa. I wonder if Mrs. Abrams is mad at Zac because of the land they were talking about earlier?

Nung tapos na kaming magdala ng pagkain sa hapag ni Mrs. Abrams sinaluhan nanamin siya. Nasa pinakaharap si Mr. Abrams at nasa tabi naman niya ang asawa niya. Kaharap ni Mrs. Abrams si Zac at katabi ko naman siya.

Nagdasal muna kami bago kami kumain ng tahimik. Wala talagang nagsasalita sa dalawa. Kaya mas lalo akong nakaramdam ng awkwardness. Mukhang npansin din yun ni Mrs. Abrams kaya tumikhim siya.

"So, hija...Ah ano nga palang pangalan mo hija? Pasensya na nakalimutan kong itanong kanina." Nakangiting tanong ni Mrs. Abrams.

"Ah Claire po." Tugon ko sa kanya.

"Hmmm napaganda ng iyong pangalan hija."

"Salamat po."

"Parang ngayon lang kitang nakitang kasama ni Mr. Rodriquez hija." Si Mr. Abrams na ang nagsalita. Malalim at malalim ang boses niya.

Napatingin naman ako kay Zac na kumakain lang. Parang walang pakialam sa paligid niya! Lihim ko siyang inirapan kahit hindi niya kita bago ko lingunin ang mag-asawa na may ngiti sa labi.

"Ah opo, sinamahan ko lang po siya dito." Tugon ko. Gusto ko sanay idagdag ang 'pinagsisisihan ko na nga po eh.' pero pinigilan ko ang sarili ko at baka kung ano pa ang isipin nila.

"Ganun ba?---"

"Magtatagal ba kayo dito?" Hindi pinatapos ni Mr. Abrams ang kanyang asawa sa sinasabi niya.

Nawala naman ang ngiti ko at mas lalo akong kinabahan dahil mas bumigat ang atmosphere namin. Hinawakan ni Mrs. Abrams ang kamay ng kanya asawa, upang pakalmahin ito.

Napabuntong-hininga si Zac kaya napatingin ako sa kanya. Nag-angat siya ng tingin sa mag-asawa tsaka niya pinatili ang tingin kay Mr. Abrams.

"Yes, we're not staying here to keep convincing you to sell that land Mr. Abrams. Sinubukan ko lang ngayon, pero ang pinunta talaga namin dito ay..." napatingin sakin si Zac, pinanlakihan ko naman siya ng mata. Naguguluhan at kinakabahan sa sasabihin niya. "Para ipasyal ang asawa."

"ANO!?" Hindi ko napigila sumigaw sa sobrang gulat dahil sa sinabi niya.

Anong asawa!? Sino!? Wala naman dito ang babaeng asawa niya ha!?

Napatingin ako sa mag-asawa at pilit na nginitian sila. Tsaka ko muling nilingon si Zac at pinandilatan. I saw amusement in his eyes, pinipigilan niya din ang pag ngiti niya. Aba at magpangiti-ngiti pa tong nalalaman!

"At sino naman ang iyong asawa? Parang hindi naman si Claire ang tinutukoy mo base sa kanyang reaksyon." Taas kilay na tanong ni Mr. Abrams. Tama, hindi nga ako!

Zac chuckled at nagulat ako nung hawakan niya ang kamay kong nakahawak sa tinidor. Bumama ang tingin ko dun at nagulat nung haplusin niya ang singsing ko sa ring finger. Shit! Yung singsing na bigay ni Miah. Muli kong binalik ang tingin sa kanya. I saw pain and sadness filled his eyes. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung nag-angat siya ng tingin sakin.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now