Chapter 18 - Tuloy ang Engagement

221 17 5
                                    

not edited


Claire's POV


Kanina pa ko sa CR hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi parin ako maka paniwalang finacé ko si Miah.

No! Dad must be joking right? Miah and I were just friends and nothing more nothing less...Maybe a kuya and bunso relationship? But fiancé...No?

Natauhan lang ako nung may kumatok sa pinto.

"Claire! Kami to." Rinig kong sabi ni Zoe sa labas.

Binuksan ko naman ang pinto dahil nilock ko kanina. Gusto ko kasing mag isa. Nung nabuksan na ang pinto pumasok sa loob sila Zoe, kasama sila Mina at Sophia.

"Nakausap mo na ba Daddy mo tungkol sa kasal?" Tanong ni Zoe.

"Kanina...I tried to get his attention but he's busy greeting with his colleagues." Tugon ko at napasandal sa dingding.

"Eh si Miah?" Tanong ni Mina. Napabuntong-hininga naman ako.

"Hindi pa." Naka nguso kong sagot. Kanina ko pa siya iniiwasan, ayoko siyang makausap dahil siya ang dahilan kung bakit kami humantong dito!

"Nakita namin siya kanina, kausap Daddy mo." Sabi ni Sophia kaya napa tayo ako ng maayos. "Siguro nagpapaliwanag na hindi ka talaga...Juntis." Tuloy ni Sophia sabay turo sa tiyan ko gamit ang labi niya.

"Hindi nga ako buntis!" Pagklaklaro ko sa kanila.

"Hindi nga." Natatawang sabi ni Zoe.

"Narinig nyo ba ang pinag-usapan nila?" Tanong ko.

"Hindi. Malayo kasi sila samin." Tugon ni Mina. Napabuntong-hininga ako.


KATAHIMIKAN


*Knock. Knock.*


Napalingon kami sa pinto nung may kumatok.

"Clarissa." Gulat akong napatayo ng maayos nung narinig ko ang boses ni Miah sa labas. "Claire, I know your in there." Sabi pa niya. Hindi ako sumagot at nagkatitigan kami nila Zoe. "Claire please can we talk?" Nagmamakaawa niyang sabi. Pero hindi ko parin siya tinugon.

"Baby?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya! Tanginang lalaking to!

Napalingon ako kina Zoe, pinipigilan nila ang tawa nila!

"Kenekeleg eke." Bulong sabi ni Sophia!

Inis ko naman binuksan ang pinto dahil naiinis ako kay Miah! Nagulat siya nung bumukas bigla ang pinto. Nakita kong nilingon niya sila Zoe sa likuran ko tsaka niya ko tinignan at napalunok.

"Hi!" Bati niya sakin at nag-wave pa! Sinamahan ko lang siya ng tingin at hindi nagsalita.

Napabuntong-hininga siya at napatuko.

"Can we talk?" Naging seryoso na ang mukha at boses niya. Napabuntong-hininga ako tsaka napatango. Kailangan talaga namin mag-usap.

"A-ah pasinget." Sabi ni Zoe kaya tumabi ako. Lumabas naman sila pero napakunot ang noo ko sa pagtataka nung huminto si Sophia sa harap ni Miah.

"A-ah Hi?" Pabebe niyang sabi.

"Kingina tara na baka magselos pa ang asawa." Sabi ni Zoe sabay sabunot kay Sophia at umalis na sila.

Us against the World - TOTGA Book 2 Where stories live. Discover now